Chapter 3: Deal

1430 Words
Thamara PABAGSAK akong nahiga sa sarili kong higaan at umiyak na lang ako nang umiyak. Nag-aalala ako kung paano na lang ang pag-aaral ko kung matatanggalan ako ng scholarship. Saan ako makahahanap ng trabaho na may malaki-laking sweldo gaya ng bangko? Paano na lang ang pinangako ko sa mga magulang ko na magtatapos ako? Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang malakas na katok sa pinto ng apartment ko, iyong katok na para bang nagmamadali. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko at patakbo kong tinungo ang pinto. "Thamara, Hija!" Narinig ko ang sinadyang sarkasmo at diin sa boses niya. "Mabuti naman at naabutan na kita dito ngayon." "Miss Villaflor..." Napangisi ako nang wala sa oras, iyong pekeng ngisi, nahihiya at naiilang. "Next month na lang po. Promise magbabayad na po ako next month," mabilis kong sabi sabay guhit ng ekis sa dibdib ko. Bakit ba ngayon pa? Kung kailan problemadong-problemado ako, ngayon pa ako nadatnan ng may-ari ng apartment. Magdadalawang buwan na akong hindi nakababayad. "Iyan din ang sinabi mo noong nakaraang buwan! Hoy, Thamara! Kung wala ka nang pambayad, doon ka na lang sa kalye matulog," sumbat niya sa 'kin. "Hindi itong ako ang napeperwisyo sa pagka-iresponsable mo. Diyos ko po! Ano ba naman ang batang ito, oo. Bukas na bukas, kailangan may pambayad ka na ha? Dahil kung hindi, eh wag ka na lang dito umuwi," aniya at tumalikod na. Sinarado ko ang pinto at pagod na napasandal roon. Malalim akong napabuntong-hininga. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho dahil kung hindi, hindi na rin ako aabot ng isang taon. Hindi naman pwedeng lagi ko na lang i-asa ang lahat sa mga kaibigan kong alam kong laging nakahandang tumulong sa 'kin, nakahihiya na, napakarami na nilang naitulong sa 'kin. Napatigil ulit ako nang marinig ko ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto ko kaya muli kong binuksan. "Thama—" Pabagsak kong muling isinara ang pinto nang makita ko kung sino. Talagang pumunta pa siya rito para bw*sitin ako? Nanadya ba talaga siya?! Napapikit ako sa iritasyon nang muli siyang kumatok, mas malakas kaysa sa nauna. Inis kong binuksan ang pinto. "Talaga bang hindi ka—" Natigil ako sa pagbulyaw sa kaniya nang makita ko ang iniabot niya sa 'kin."A-ano yan?" "Panyo. Pampunas ng luha mo," aniya at ngumiti. Napamaang ako sa sinabi niya at muling tiningnan ang kamay niya. "Talagang sinundan mo pa talaga ako rito para bigyan lang ako ng panyo? Nahihibang ka na ba?!" "Woah!" namamanghang reaksiyon niya. "I came here with a good intention. Don't be so rude, Thamara." "Umalis ka!" naiinis kong sabi. "Hey!" reklamo niya. "Your friend told me about your problem—" Pinagsarhan ko na agad siya ng pinto dahil sa labis na iritasyon ko sa pagmumukha niya. "Thamara! I know you're looking for a part-time job and I can give you one! Listen!" Part-time job? Muli kong binuksan ang pinto at nakaangat ang kilay ko siyang tiningnan. "Ano naman 'yon?" "Be my girlfriend—" "Hindi ako bayaran, Zkat Aidenry Lee! Alis! Lumayas ka rito kung walang kwenta lang ang sasabihin mo! Layas!" Pinagbagsakan ko siya ng pagsarado ng pinto at agad akong dumiretso sa kusina ko at hindi na siya pinansin sa likod ng pinto. Ganoon ba talaga siya kadesperado na maging girlfriend ako? Tsk! Napakarami namang babae d'yan na handang maging girlfriend niya, bakit ako pa? Alam naman niyang wala akong interes sa kaniya. Kinabukasan ay dinaanan akong muli ni Oliver, siya na talaga ang nagiging service ko papunta ng school at pauwi ng apartment, malayo-layo rin kasi ang apartment ko, kung maglalakad ako papuntang school, paniguradong late na akong makararating. "Sorry, Tham. Sinabi ko lang kay Zkat kasi pinilit niya ako kahapon na magsabi sa kaniya. Eh alam ko kung gaano kalaki ang pwede niyang maitulong sa 'yo kaya sinabi ko na lang," hingi niya ng paumanhin habang bumibiyahe kami papuntang school. "Okay lang. Hayaan mo na. Alam kong wala ka namang masamang intensiyon. Dapat nga magpasalamat pa ako sa inyo ni Boo, hindi kayo nagsasawang tulungan ako." "Syempre naman 'no? Sino pa ba ang tutulong sa 'yo?" natatawang tanong niya. "Basta laban lang, nandito lang kaming dalawa ni Thalia." Ngumiti ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Nakarating kami sa school at pumunta sa kaniya-kaniya naming classroom. Hotel and Restaurant Management ang kurso ni Boo habang si Oli naman ay Civil Engineering kaya naman tuwing uwian at kapag magkasabay ang vacant lang talaga kami nagkakasama, iba-iba rin kasi ang schedule namin, minsan ay hinihintay ko sila bago ako umuwi, minsan ay kay Thalia ako sumasabay pag-uwi, depende sa kung sinong makakasabay ko, meron ding naglalakad na lang ako pauwi. Nagsimula ang klase namin at pinukol ko doon ang buong atensiyon ko. Kailangan kong ma-maintain ang grades ko dahil kung hindi, mas mahihirapan lang ako. Natapos ang klase namin ng alas dose kaya nagmadali na akong pumunta ng canteen para makakain ng lunch para makapag-review pa ako bago magsimula ang susunod na klase, kaya naman, pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa library. "Pwede makiupo, Miss?" Napapikit ako ng mariin nang marinig ko na naman ang boses ni Zkat Aidenry, talagang inis na inis ako sa buong pagkatao niya, solid siya mangulit iyong pati anit mo ay uusok sa sobrang inis. Bumuntong-hininga ako at tumango. "Thamara..." "No!" agad kong sagot sa kaniya para hindi na niya ituloy ang sasabihin niya. "Kung ayaw mong maging girlfriend ko, be my personal assistant then." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Personal assistant? Bakit? Ano bang trabaho mo at kailangan mo pa ng PA?!" "Silence inside the library, please," saway ng librarian. Tiningnan ko nang masama si Zkat Aidenry na kasalukuyang nakangisi sa 'kin. "I need someone who can prepare my breakfast, lunch, dinner, someone who can clean my condo, someone who can eat with me, talk with me and someone who can prepare my clothes when I have trips," mabilis niyang sabi. "Yaya?" Pinahaba niya pa, 'yon din naman 'yon. "Hindi," sabi niya pa habang umiiling. "Personal Assistant." "Gano'n na rin 'yon. Magkano sweldo ko?" interesado kong tanong. Wala naman siyang binanggit na matutulog ako sa tabi niya, ayos na siguro 'to habang hindi pa ako nakahahanap ng trabaho. "Magkano ba kailangan mo?" taas-kilay niyang tanong. Natawa ako ng bahagya, iyong sarkastikong tawa. "Sapat na pera para mabuhay ako ng tatlong taon, kaya mo?" "Edi tatlong taon ka ring seserbisyo sa 'kin," simpleng sagot niya. "I'll give you an allowance, hindi pa 'yon kasama sa sweldo mo at titira ka sa condo ko." "Ano?!" singhal ko. "Nahihibang—" "Last warning! I said silence in the library please!" diin muli ng librarian. Narinig kong natawa na naman si Zkat. Sinamaan ko siyang muli ng tingin. "Bakit kailangan ko pang tumira sa condo mo?!" "Paano mo ako ipagpaplantsa ng damit? Paano mo ako ipagluluto ng pagkain? Isa pa, ayaw ko sa dumi, kailangan regular mong linisin ang condo ko." "Back out," mabilis kong sabi. "Malay ko kung anong gagawin mo sa 'kin sa condo mo. Mahirap na 'no? Pag nagkataon wala pa naman akong pambayad ng abogado," inirapan ko siya. "Wala kang tiwala sa 'kin?" "Wala," mabilis at prangka kong sagot. "Hindi ko gagawin sa 'yo 'yon nang hindi ka pumapayag," aniya pa. "Tatlo ang kwarto sa condo ko, sa 'yo ang isa, kahit mag-lock ka roon at lalabas ka lang tuwing wala ako, ayos lang." Okay. Mukhang tama 'yon. "Magkano nga sweldo ko?" "Two thousand pesos allowance mo sa isang linggo, ten thousand pesos naman ang sweldo mo sa isang buwan. Libre ka sa pagkain, libre ang pagtira mo sa bahay, meron kang bunos sa pasko pero wala kang holiday sa trabaho mo sa 'kin. Ako na rin ang bahala sa lahat ng gastos mo dito sa school at libre na rin ang transportation mo," mahaba at seryuso niyang sabi. "Deal?" Napalunok-lunok ako at prinoseso ang sinabi niya. Kung wala akong gastos sa pagkain, transportation, tirahan at mga bayarin sa school, ibig sabihin solve na lahat ng problema ko. May allowance pa akong two thousand pesos sa isang linggo, ibig sabihin, eight thousand pesos ang magiging allowance ko sa isang buwan, plus sampong libo na sweldo, ibig sabihin eighteen thousand ang income ko sa isang buwan. Napakalaking pera na no'n, mas malaki pa sa kikitain ko sa mga restaurant. "Pag-iisipan ko." Ngumisi siya. "Alright, that's good to hear. Take it or leave it, Thamara. Think wise," aniya at tumayo tyaka umalis. Napasinghap ako. Kung kaya niyang magpasweldo ng ganoon kalaki, ibig sabihin ay mas malaki pa roon ang perang pumapasok sa kaniya buwan-buwan... Grabe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD