Chapter 2: Cry

1329 Words
Thamara "SALAMAT, Oli," sabi ko kay Oli sabay kaway sa kaniya. Narito na kami sa tapat ng apartment ko. "You're welcome, Tham," nakangiting aniya. "Sige, mauna na ako. Daanan na lang kita bukas." Sinundan ko ng tingin ang umaandar niyang sasakyan. Napabuntong-hininga ako at pumasok ng aking apartment. "Ano naman ang kakainin mo ngayon, Thamara?" tanong ko sa sarili ko, actually, sa bawat pag-uwi ko rito sa bahay ay 'yan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng de-latang corned beef, naghiwa ako ng bawang at sibuyas tyaka ko hinugasan ang kawali at inilagay iyong sa burner para magsimulang magluto. "Hay naku, Mama, Papa," napapabuntong-hininga kong sabi. "Kung nandito lang sana kayo, hindi magiging ganito kahirap ang buhay ko." Mapait akong ngumiti na para bang totoong kasama ko sabay buntong-hininga. "Pagod na pagod na ang nag-iisang anak niyo. Sana po tulungan niyo po akong makahanap ng swerte." Napailing ako at natawa sa sarili kong mga sinabi, iginisa ko ang bawang at sibuyas sa mantika, lalo akong nagutom nang maamoy ang natural na bango no'n. Matapos kong maigisa ang bawang at sibuyas ay tyaka ko inilagay ang corned beef. Kapag hindi ko ito naubos ngayon ay iinitin ko ito bukas at hahaluan ng itlog para gawing agahan. Masarap naman ang ulam ko. Nang matapos ako ay agad kong inihain sa platito ang niluto ko tyaka ako kumuha ng kanin sa kaldero. Tahimik akong kumain hanggang sa mabusog ako, iniligpit ko ang sariling pinagkainan tyaka ako naghugas ng pinggan. Pagkatapos kong malinis ang kusina ay tyaka ako pumunta sa higaan ko para magsimulang mag-review, syempre, kailangan kong ingatan ang grades ko, iyon na lang ang puhunan ko para makapagpatuloy ng pag-aaral sa paaralan ko ngayon. I'm taking Accountancy in college. Nasa second year college na ako kaya naman puspusan ang paghahanda ko para sa qualifying exam dahil kapag hindi ako nakapasa, hindi ako makakapag-proceed sa third year at wala akong ibang choice kundi mag-shift ng business administration. Laking pasalamat ko nga at nagkaroon ako ng mga kaibigan na matulungin at handa akong tulungan palagi lalo na sa usaping pinansyal. Nakakapagod talaga kapag wala nang mga magulang, pero hindi naman dapat tumigil ang mundo ko sa kadahilanang kulang ako sa suporta, dapat laban lang. Nang matapos ako sa pagri-review ay tyaka ko iniligpit ang aking mga gamit, pinatay ang mga ilaw at humiga sa aking higaan. "Mam, Papa... natapos rin ang araw na 'to. Bukas ay panibagong araw na naman. Good night." Mapait akong ngumiti sabay buntong-hininga bago ko ipinikit ang mga mata ko at agad ring nakatulog. Kinabukasan ay nagising ako nang kusa. Tiningnan ko agad ang relo ko at nakitang alas singko na ng umaga. Alas syete ang pasok ko sa school kaya naman nagmadali na akong maligo kahit sobrang lamig ng tubig. Isinabay ko ang mabilisang paglaba ng uniform ko na ginamit ko kahapon, dalawang pares lang kasi ang uniform ko kaya kailangan araw-araw akong maglaba. Matapos kong maayos ang sarili ko ay tyaka ako nagluto at kumain. Saktong paglabas ko ng apartment ay naroon na si Oliver sa labas, naghihintay. "Tara na," sabi niya at binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Sumakay ako at nagmaneho na siya papuntang school. "Nakahanap ka na ba ng part-time job?" tanong ni Oliver sa 'kin. Sumimangot ako. "Hindi pa nga eh. Iyong pera ko tinitipid ko na lang muna para umabot hanggang makatapos ako sa college, eh kulang na kulang na nga ang pera ko para umabot ng isang taon eh." "Bakit di mo subukan mag-apply sa mga fast-food chain?" suhestiyon niya pa. "Actually, sinubukan ko na ang mga fast-food chain, coffee shop, restaurant, hotel at kung ano-ano pa." "Oh anong sabi?" "Ewan. Ang sabi hindi sila hiring, ang iba naman sinasabing kailangan ng parents' consent, kung ano-ano pang requirements. May iba naman sobrang baba ng sweldo, kulang na lang hingin bilang libre ang serbisyo ko," napapabuntong-hininga kong sabi. "Sige. Tutulungan na lang kitang maghanap, sasabihan ko rin si Daddy, baka may business partner siyang nag-open ng bagong restaurant." "Naku, salamat, Oli," sabi ko. "Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa buhay ko kung wala kayo ni Boo." "Sus," natatawang aniya at nagpatuloy na sa pagda-drive. Nakarating kami sa school nang hindi nali-late pero halos makasabay ko na ang professor pagpasok sa classroom, nauna lang ako ng ilang minuto. Lumilipad sa kung saang lupalop ang isip ko habang nagkaklase kaya naman natapos ang buong klase namin na literal na wala akong natutunan. "Miss Villanueva?" tawag ng isa kong lecturer na lalaki nang mag-uwian na, pareho na kaming nagliligpit ng gamit. "Sir?" "Pwede ba kitang makausap?" "Sige po, Sir," magalang na sabi ko. Naiwan kaming dalawa sa classroom. "A-Ano pong pag-uusapan natin, Sir?" "Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa," aniya kaya agad na akong kinabahan kaagad sa sinabi niya. "Napapansin kong balisa ka nitong mga nakaraang araw at linggo." "S-Sir—" "I'm afraid na this attitude of yours will affect your grades. If hindi ako nagkakamali, you are an academic scholar, right?" Napalunok-lunok ako ng ilang beses at kung may anong kaba sa dibdib ko. Please, wag naman sana akong matanggal sa scholarship. "Kailangan mong mag-focus sa pag-maintain ng iyong grades, kung hindi ay matatanggal ka sa dean's list at pati ang scholarship mo ay mawawala," nababahalang aniya. "Alam kong magaling kang estudyante, Miss Villanueva at deserve mo ang scholarship... kaya wag mo sanang sayangin ang lahat." "O-Opo, Sir. Pasensya na, may mga problema lang po talaga ako," sabi ko. "Kung gano'n, dapat hindi mo dinadala sa school 'yon, Miss Villanueva." "Sorry po." Nagpaalam ang lecturer matapos naming mag-usap. Hindi maitatago ang panlulumo ko habang naglalakad palabas ng classroom. Hindi ko na nga namalayan na umiiyak na pala ako. Paano na lang kapag natanggal ako sa scholarship? Maski one-forth ng tuition ng school na 'to ay hindi ko kayang bayaran. Paniguradong matitigil ako sa pag-aaral. Ano na ang mangyayari sa 'kin kung hindi ako makapagtatapos? Mabigat ang dibdib kong tinungo ang waiting shed, hindi ko mapigilan ang mga luha kong kusang tumutulo sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. "Hi, Thamara!" Napapikit ako sa iritasyon nang marinig ko ang boses ng isang lalaking kinaiinisan ko sa lahat. "Uy, Thamara, pansinin mo naman ako." Ang kulit! "Thamara—" "Pwede ba, Zkat?!" singhal ko sa kaniya, nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang magtama ang paningin namin. "Wag mo akong bw*sitin ngayon!" "Why are you crying?" seryoso niyang tanong. "Wala ka na do'n!" singhal ko at padabog na naglakad, hindi ko na lang hihintayin sila Oli. "Hey, Thamara! Why are you crying? Tell me!" Talagang sumunod ka pa talagang kumag ka?! Kita mo na ngang umiiyak ako dahil halatang problemado, heto at nanggugulo ka pa?! Nakakainis ka, Zkat Aidenry Lee! Hindi ko itinigil ang paglalakad ko at ramdam kong nakasunod rin siya sa 'kin. "B-in-reak ka ba ng boyfriend mo? Did he cheat on you?" Bigla siyang humagalpak ng tawa. "I told you, ako na lang kasi—" Inis ko siyang hinarap at agad binulyawan, "Pwede ba? Tigilan mo na ako! Hindi relasyon ang priority ko!" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Hindi naman ako katulad mo na anak-mayaman na kahit hindi makapagtapos ng pag-aaral ay ayos lang!" umiiyak kong sabi. "Wala akong panahong makipagrelasyon dahil abala ako sa paghahanap ng pera para mapalamon ko ang sarili ko! Kaya pwede ba?! Tigilan mo na ang pangungulit sa 'kin dahil napakaraming problema ang tumutugis sa 'kin ngayon!" "Why are you shouting at me?" Inosenteng tanong niya. "Ako ba ang may kasalanan kung bakit napakarami mong problema?" "Bw*sit ka!" singhal ko at mabilis na umalis. Pero sumigaw pa siya. "Napakalabo niyo talagang mga babae!" Nakita ko tuloy na pinagtitinginan kami ng mga tao na dumadaan sa kalsada. "Dahil simpleng salita hindi kayo makaintindi!" balik kong sigaw sa kaniya. "Bakit kasi di mo na lang ako sagutin? Kapag pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na iiyak, hindi ka na mamomroblema... Sasaya ka sa 'kin, Thamara!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD