CHAPTER FIVE

1312 Words
CHAPTER FIVE: ••• ••• "Aalis ka nanaman dito, you're going back to manila, again. For what? Para mapag-isa? The h*ck Aphrodite!" Pero mas nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Ang kalmadong expression ni Ate Willow na lagi kong nakikita, kahit na seryoso ang kan'yang mukha ay nakikita ko pa'rin na medyo may pagka-kalmado siya. Pero ngayon ay, nawala... "I already warned you, diba?" 'Just be cautious around someone who is close to you. We don't know whether he is an enemy or not...' "Hindi mo inintindihin ang sinabi ko Aphrodite." 'You think you know him, but you don't truly understand this person who is always by your side... Believe me, you really don't know him...' Kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng bumabalik sa isip ko ang mga linyang sinabi niya sa'kin. 'Looks can deceive, Aphrodite. Just don't regret the path that you've choose...' "Now look what happened to you," Naramdaman ko ang paghakbang ng mga paa niya. "I know the reason why you chose to be alone. I know a lot Aphrodite." "Kung alam mo naman pala, bakit hindi mo na lang sinabi sa'kin ng direts'yo, Ate Willow?" tanong ko bigla. "Hindi ako nakikialam sa buhay ng kadugo ko. Because I believe, it's best if you discover the answer for yourself." Ayan nanaman po ang mga words ni Ate Willow na ang lalalim ng mga meaning. Ngayon pa lang dapat intindihin ko na. Baka pagsisihan ko nanaman. HUHUHU. "Pero ibang usap kapag sa'yo'." Makahulugan niyang wika. "Sa lahat ng mga sinabi ko, dalawa lang ang meaning nun Aphrodite; Do you wish to understand the hidden meaning, or pursue your own path?" 'Do you wish to understand the hidden meaning, or pursue your own path?...' Oo na. Alam ko naman na mali talaga yung daan na napili ko. Maling-mali ako. Doon ko tuluyang nasabi sa sarili ko na 'Hindi ko pa pala talaga kilala si Kuya Kent...' I mean, Kenster... Kenster Mark DeLa Fuente... "But you chose the second one, to pursue your own path. You choose to follow your instincts, what's right and best for you. Kaya ang ending, ayan na, yang mga nangyayari sa'yo." Napakasakit naman 'tong magsalita si Ate Willow. Tumagos hanggang baga. HUHUHU. Kung hindi ko lang pinipigilan ang pag-iyak ko ngayon, kanina pa sana bumabaha 'tong k'warto ko. "Aphrodite," Naramdaman ko na ang palad niya sa ulo ko. "Pareho kami ng iniisip dati, same pa'rin ngayon. Lahat kami ay nag-aalala dati sa'yo', until now, walang nagbago. So bakit mas pipiliin mo pang mapag-isa at ang lumayo?" Ti-nap niya ang head ko. "Alam mo kung ano ang bagay na gawin mo? Ang hindi lumayo para mapag-isa. Because we are here for you, bilang mga Ate mo, nandito kami palagi at handang sumuporta sa'yo." Tatlong beses niyang ti-nap ang ulo ko. "So please, you don't need to leave us again without explaining the reason kung bakit ka nagka gan'yan." Tumatango-tango ako na parang bata. "Pero alam mo kung ano ang mas bagay talaga na gawin mo?" tanong niya kaya umangat ang tingin ko sa kan'ya. "Ang sabihin sa kanila." Huh? Sabihin sa kanila? "You need to tell them the reasons; Kung bakit ka nagka-ganyan, try to tell them everything Aphrodite. Kung ano ang nangyari sa nakaraan mo. Both you and that boy." Tinanggal niya na ang kamay niya sa ulo ko. "Remember what I've said, 2 years ago? That not all problems can be solved alone. If you need help, don't hesitate to ask. Kaya ngayon dadagdagan ko," Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi niya. "If you have something to say, don't hesitate to say it." Inayos niya ang Ilang hibla ng buhok niya na humarang sa mukha niya. "Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, sasarilihin mo ang problema mo. Kaya nga pagdating na sa'yo', nakikialam na ako. Handa kaming makinig sa sasabihin mo. Why don't you try? Walang masama kung sasabihin mo sa kanila." Naka-angat pa'rin ang paningin ko sa kan'ya. "Now that he's already here." Napaamang ang labi ko. 'Now that he's already here...' 'Now that he's already here...' 'Now that he's already here...' Alam ko kung sino ang tinutukoy n'ya. Kilala ko. Ngayon na nandito na siya, aalis pa ba ako? I think, mukhang tama 'rin naman siguro si Ate Willow. Bakit hindi ko naisip 'yun noon? Bakit ngayon pa? Eh useless lang naman pala ang pagpapa-kalayo ko. Pumunta pa ako ng maynila para lang makalimutan siya. Tapos bumalik lang naman pala sa Mindanao kasi okay na. Pero ngayon na muli kaming nagkita, ano, balik nanaman? Pero this time, makikinig na ako kina Ate Willow. Dito na lang muna ako. Ayoko ng umalis. May mga pinsan ako na nandito pala palagi sa tabi ko. Akala ko wala silang pakialam sa'kin. Hindi ko naisip 'yun noon, dahil impossible'ng nandito sila palagi sa'kin gayo'ng hindi nga nila alam kung anong nangyayari sa'kin noon. Akala ko wala silang kaalam-alam. Pero naisip ko ngayon, hindi naman porket wala sila dito sa tabi ko ay hindi na ibigsabihin na wala na silang pakialam sa'kin. Hindi sa lahat ng pagkakataon, nandiyan ang presensiya nila. Dahil bawat tao may sariling suliranin. Kaya hindi man nila alam kung anong nangyayari sa'kin, or kung wala man silang alam kung bakit ako nagkaka-ganito. Pero may bibig naman ako. Kaya kong magsalita para sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit ako nagka-ganito. Lagi na lang akong mali pagdating sa pagpili. Mali nanaman ako dahil mas pinili kong umalis para mapag-isa at iwanan sila. Kaya ngayon. Gusto kong pumili ng tama. Pipiliin ko na ang tama. Dahil sawang-sawa na ako sa mga mali! "Sasabihin ko po sa kanila Ate Willow." Isang ngisi ang sumilay sa labi niya. "Pero hindi muna sa ngayon." Nginitian ko siya. "Matapos ang JS prom siguro namin sa ScheZinger High University. Doon ko na sasabihin." Ngayon na nakapag-desisyon na ako, hindi na ako aalis. Hindi ko na ulit sila iiwan. Mali na ang nagawa ko noon. Kaya hindi ko na uulitin pa 'iyon. Kuya Kent... Maling araw man tayong nagkita. Dahil talagang doon pa sa ScheZinger High University, ang araw na kung saan na-kidnap ako. Kakagaling ko lang sa pag-kidnap nun. Kung alam ko lang sana na dadating pala siya. Edi sana hindi ko na lang ginawa ang plano ko. HUHUHU. Sisiguraduhin ko na sa araw ngayon, pag-iisipan ko na talaga ng mabuti ang desis'yon ko. Kenster... 'Pinili ko na kaibiganin ka at pumayag na maging kaibigan mo, kasi akala ko mabait ka.' Pero na-realized ko, hindi ka dapat sa mukha titingin, kundi sa ugali. Sa ugali na meron ang tao. Dahil doon mo malalaman kung talagang mapagkakatiwalaan mo sila o hindi. "Ikaw bahala." huling wika ni Ate Willow bago nagpaalam at iniwan na akong mag-isa. Hindi ko na hahayaang masaktan pa ulit ako. Ayoko na. Sawang-sawa na akong makaramdam na parang may tinutusok sa dibdib. Maliit nga talaga ang mundo. Dahil matagal ko na siyang kinalimutan. Parang nakalimutan ko na'rin ata na dito din pala siya nakatira. Pero sa susunod, kung sakaling magkikita ulit kami. Huwag na huwag na siyang lumapit sa'kin. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakalapit s'ya sa'kin. Sa ngayon... Kailangan ko munang kumalma at ibalik nanaman ang dating ako. Medyo masaya din ako sa ngayon. Dahil sa wakas ay tapos na'rin ang mission ni Ate A. Babalik na ulit siya sa ANHS. Pinilit kong ngumiti sa harapan nila. Hangga't hindi pa sumasapit ang JS Prom namin. Hindi ko pa pwede'ng sabihin. Pero nangangati na talaga ang bibig kong sabihin. HUHUHUH. Pero hindi pa pwede sa ngayon. Huwag muna. Hanggat kaya ko pa... Kakayanin ko hanggang dulo. Hangga't kung saan ko kaya. Pipigilan ko munang umiyak kapag nagkasalubong kami o nagkita kami ni... Kenster Mark De La Fuente... Simula ngayon, Hindi na kita tatawagin pang, 'Kuya Kent...' Dahil ibang-iba ka na ngayon sa nakilala ko noon. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD