CHAPTER SIX:
•••
•••
ISANG BUWAN na ang nakalipas simula nang matapos ni Ate A ang mission niya. Pinili niya na ipagpatuloy ang aming pag-aaral sa ScheZinger High University at doon na tapusin. Nagtataka nga ako eh, kung bakit ganun ang napili niyang desis'yon. Akala ko ay babalik na kami sa Ayala National High School, pero hindi pala. Mali pala ako.
Naalala ko bigla ang unang araw ko sa ScheZinger High University na'yun. Ang usapan sana namin ay matapos si Ate A na pasukin ang university, lalong-lalo na ang Class E Room, ay dapat pagkabukas ay ako na ang papasok. Kaso, nang makita ko ang itshura ng classroom, hindi ko kinaya, hindi ako nakahinga, kaya nag decide ako na after 1 week na lang ako papasok. HEHEHHE.
Sa 1 week na'yun, ITINUON ko ang sarili ko sa pag-training. Isa sa pinagtuunan ko ng pansin ay ang pagtago ng emotion sa mukha. Kaya after 1 week, nang ako na ang pumasok, kunwari wala lang sa'kin ang mga nag s*-s*x sa likuran, pero sa kaloob-looban ko, napamura na ako, nasusuka. HUHUHU.
PERO NGAYON, wala na ang dating S*x Room. Wala na'rin ang Bloody Athlete Games nila. Dahil sa wakas nahanap na'rin namin ang katotohanan. Nalaman na namin kung sino ang pumatay kay Ate Mary—na siyang naging dahilan para mabuo ang s*x room.
Nalungkot ako sa mga araw na iyon. Oo, si Ate Mary pala yung namatay. Ay mali, pinatay pala. Pinatay siya ni Krissy Mae Puertovilla ng dahil sa inggit.
Tapos huli ko ng nalaman, na si Mary Faith Del Monte at yung bestfriend ni K—Kenster Mark De La Fuente DATI ay iisa. Kaya pala siya nawala bigla sa ANHS.
'She transferred from another school...'
Lumipat siya sa ibang school, nang hindi nagpapaalam sa kan'ya. At ang school na nilipatan niya pala ay sa ScheZinger High University.
Mapaglaro nga talaga ang kapalaran...
Noong una nagulat ako nang makita ang mga pictures ni Ate Mary. Masasabi ko na sa una palang, ay si Ate Mary na'yun. Maraming nagsasabi na kamukhang-kamukha ni Ate A si Ate Mary.
Kaya doon pa lang ay may biglang isang imahe na pumasok sa isipan ko. Hindi ko 'yun pinahalata kay Ate A. Walang kaalam-alam si Ate A na kilala ko ang babaeng naging dahilan kung bakit naging S*x Room ang dating masayang Class E.
Dalawang magkapatid na ScheZinger ang nagkagusto kay Ate Mary. Pati si Kuya X. Basta! Yung taga Class D, na Isa 'ring misteryoso sa paningin namin. Tatlo silang may gusto sa kan'ya. Kaso, ang babaeng gusto nila... ay wala na...
Kung hindi kaya umalis noon si Ate Mary sa ANHS. Kung hindi kaya s'ya lumipat sa ScheZinger High University. Buhay pa'rin pa kaya s'ya hanggang ngayon?
Mukhang alam ko naman ang sagot eh.
Oo. Buhay pa sana s'ya ngayon kung hindi sana s'ya lumipat. Ang tanong, bakit naman kaya siya lumipat? Tapos hindi man lang nagsabi na lilipat? Pero mukhang hindi naman n'ya pinagsisihan ang paglipat n'ya ng ibang school.
Sinabi sa'kin ni Ate A ang laman ng diary niya. Nabasa ko rin ang Ilang pages, kaya masasabi ko sa una hanggang limang pahina, na masaya siya sa bago niyang paaralan. Okay ang pananatili niya sa umpisa, kaso... dumating nga ang mga kontrabida.
Sa tingin ko nasabi sa'kin ni Ate A ang lahat ng nasa Diary ni Ate Mary. Pero maliban sa isa...
Walang sinabi sa'kin si Ate A tungkol kay K—Kenster Mark De La Fuente. Naging magkaibigan silang dalawa ni Ate Mary. Kaya hindi malabong naisulat n'ya din 'yun sa Diary n'ya.
Nabasa ko nga ang pangalan nina Ate Sheena, Ate Jasmine at Ate Charline, sila ang tatlong naging unang kaibigan ni Ate Mary sa ScheZinger High University. Halos lahat ng Class E nasa Diary ang mga pangalan nila. Kahit ang p*mat*y nga sa kan'ya nakasulat din, may initial pa sa last part.
Kaya hindi malabong naisulat niya 'rin ang pangalan ni K—Kenster Mark De La Fuente.
Kaso... Hindi ko man nabasa lahat ng diary niya kaya hindi ko alam. Pero baka may alam si Ate A pala? Kasi nabasa niya man lahat. Baka nakita niya pala ang pangalan ni K—Kenster Mark De La Fuente?
Pero teka! Bakit ko ba hinahanap? Ano naman kung nakasulat doon? Eh malay ko ba! Wala na kaya akong pakialam noh.
"Para kang timang."
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ate D. Nakita ko siyang nakatayo sa pintuan. Nakahawak pa ang Isa niyang kamay sa doorknob, parang kakabukas niya lang nito.
"Kanina pa ako KUMAKATOK sa labas, Aphrodite." pagdidiin niya sa word na 'kumakatok'.
Naiilang ko naman siyang nginitian. "H-hindi ko po alam na kumatok kayo, Ate D. HEHEH."
"Ano nananaman 'yang nasa isip mo? Nag guni-guni ka nanaman?" tanong niya.
Napasimangot ako. "Wala naman po akong iniisip." pagsisinungaling ko.
"Tch. Sa bagay, wala nga'ng laman 'yan." bulong niya.
"Narinig ko po 'yun Ate D." nakasimangot kong wika.
Innocente niya akong nginitian, "Aww, narinig mo pala 'yun. Akala ko kasi bïngi ka na—or baka naman nag bibingi-bingihan lang?"
Nawala ang simangot sa labi ko nang marinig ang pagbabago sa tono ng boses niya.
Napabuntong hininga siya. "Kanina ka pa tinatawag ni Artemis sa baba. Aalis na 'raw kayo." pag-iiba niya ng usapan.
Nanibago man ay tinanguan ko siya.
Tinalikuran niya naman kaagad ako. "Don't mind it Aphrodite. May nalaman lang ako." wika niya bago tuluyang nilisan ang k'warto ko.
HINDI ko na lang 'yun pinansin pa. Kinuha ko na lang ang bag ko at inayos ang suot kong school uniform at bumaba na. Tama nga si Ate D, inaantay na nga ako ni Ate A, mabuti na lang hindi niya ako pinagalitan. HUHUHU.
Si Ate H ang naghatid sa'min. Kasama namin si Ate Willow. "Are you ready?" tanong niya nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng University.
Ngayong araw ang balik namin ni Ate A sa ScheZinger High University. Nagpalipas lang kami ng Isang buwan sa HQ matapos ang nangyaring Kidnapping. At ngayon na tapos na ang Isang buwan, panahon na para bumalik kami.
NAUNANG lumabas ng sasakyan si Ate A, kaya sumunod naman ako. Sumalubong sa'min ang familiar na malaki at mataas na Gate. Tapos may nakatatak sa ibabaw nito na 'ScheZinger High University', tapos ang year kung kailan nabuo.
"Enjoy to your new school, goddesses." huling wika ni Ate H bago pinaharurot na ng malakas ang sasakyan.
Sabay kaming huminga ng malalim ni Ate A at sabay 'rin binuksan ang gate at pumasok. Nagulat ang guwardiya ng makita kami.
Hind siya pinansin ni Ate A. Dinaanan lang siya nito. Pero ako ay binati ko siya. "Magandang umaga po Kuyang Guard." Nakangiti kong bati sa kan'ya.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Kuyang Guard, dahil sinundan ko na kaagad si Ate A, baka kasi iiwan nanaman niya ako. HUHUHU.
"Aphrodite," tawag niya sa pangalan ko habang tuloy-tuloy pa'rin naman ang lakad namin.
"Yes po Ate A?" Pinantayan ko siya.
"Mauna ka na. May pupuntahan lang ako." Lumiko ang paa niya papunta sa gilid. Kaya ang direction niya ay naiba.
Samantalang ako ay naiwan na nagtataka kung saan ang punta niya. Pero nagtataka man, ay sinunod ko naman siya. Dumeretsiyo lang ako sa building namin.
Pagka-akyat ko sa itaas ay napangiti ako nang makita ang malinis na itshura ng second floor area. Hindi na siya katulad nung dati, nung una kong punta dito, grabe! ang dumi! Parang Isang dekadang hindi nililinis.
Pero ngayon, malinis na siya. The floor is a glossy, polished linoleum that reflects the fluorescent lights overhead. Tumutunog nga ang sneakers ko sa tuwing pinipitik ko ang paglalakad ko.
Natuto na talaga silang maglinis. Alam na nila kung paano ang proper-hygiene or sanitation sa Isang place. Bumalik na nga sila sa dati. Ito lang naman ang inaantay nila ihhh.
Ang mabigyang hustis'ya ang pagkamatay ni Ate Mary...
PAGKAPASOK ko sa classroom, bumungad kaagad sa'kin—
"WELCOME BA—"
Natigil sa ere ang mga boses nila.
Halos napahinto silang lahat ng makita ako.
Nagtaka ako nang makita na nagtutumpukan silang lahat sa gitna at may hawak na banner. Tapos nakasulat sa banner ang words na "Welcome Back May Moon and Dite Hurt!"
"Wait, Ikaw lang mag-isa Dite?" tanong nila sa'kin.
"Opo." Hindi ba halata? HUHUHU "Bakit?"
"Eh si May?" tanong ulit nila.
"May pinuntahan po."
"Saan?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko 'rin alam eh."
"Ahhh... Ganun ba..."
"Teka! Anong meron? Bakit may pa ganyan-ganyan po kayo?" tanong ko.
"Ahhh—"
"Eehhh—"
"Iihhh—ohh?"
"Bw*s*t kayong Apat!"
"Tengena! Tapusin niyo nga ang sentence niyo!" Sinapak ni Kuya Benmar si Kuya Owen.
"Aiistt! Sakit nun ahh!"
NILAPITAN ako ni Ate Sheena kaya nawala ang attention ko sa nag-babangayan na sina Kuya Benmar, Kuya Owen, Kuya Subaru and Kuya Leo.
"Su-surpresahin sana namin kayo Dite. Bilang pasasalamat lang sana. Kaso ang akala namin sabay kayong dalawa ni May." sagot niya sa tanong ko kanina.
"Ahhh... Ganun po ba..."
TO BE CONTINUED .....