CHAPTER FOUR

1454 Words
CHAPTER FOUR: ••• ••• HINDI ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lamang ako nang may tumamang liwanag sa mukha ko. Pagkadilat ko sa mga mata ko, nakita ko ang nakabukas na bintana dito sa k'warto ko. At dahil ang k'warto ko ay nakaharap sa kung saan lalabas ang araw, kaya kitang-kita ako dito. Sa akin tumambad ang araw. The first light of dawn... cast a soft, and golden hue across my room. The sun, just peeking over the horizon, painted the sky with shades of pink, orange, and purple. Dahan-dahan akong tumayo at ikinusot ang mga mata. Sino kaya ang nagbukas ng bintana dito? NAPAHIKAB ako. Feeling ko inaantok pa talaga ako. Hindi ako sigurado kung nakatulog ba talaga ako o hindi. Basta umiiyak lang ako kagabie, samut-saring mga ala-ala ang pumuno sa utak ko. Hindi ko na alam kung nakatulog ba talaga ako. Pero feeling ko naman nakatulog lang HUHUHU. Bumabalik talaga sa'kin ang nakaraan kahit anong pilit ko itong kalimutan. Hinihiling ko na sana hindi ko na siya makita pa. Last na ang kahapon, dahil ayoko nang masaktan pa. Masakit. HUMINGA ako ng malalim at tumungo sa bathroom. Isang oras akong nagbabad para ikalma ang utak ko. Nang medyo kumalma na, saka pa lang ako lumabas at nagbihis. Pambahay lang ang isinuot ko dahil hindi ako sigurado kung may pasok ba kami ngayon matapos ang nangyaring kidnapping kahapon. Hindi muna ako lumabas. Umupo muna ako ulit sa dulo ng kama ko, humiga at tumitig sa kisame. Matagal ko nang naibaon ang mga masasakit na ala-alang iyon. Mga ala-alang hanggang ala-ala na lang. Kinalimutan ko na ang mga iyon. Akala ko nakalimutan ko na, pero nang makita ko siya kahapon, akala ko lang pala. It's been 2 years... since I last saw him... DALAWANG TAON akong nagpapanggap na kunwari ay masaya, kunwari wala lang. Dalawang taon akong nagtiis. Dahil akala ko wala na, akala ko okay na ako, akala ko tapos na, tinapos ko na, pero... ... Niloloko ko lang pala ang sarili ko. 'Our friendship was a sanctuary once, but now it's tainted by the bloodshed. I'm sorry, but I can't continue this charade of friendship when the truth between us is so dark...' Sunod-sunod na mga katanungan ang bigla na lang pumasok sa utak ko. Paano siya nakakasiguro na ang Montello Montes nga ang nag m******e sa buong pamilya niya? 'The symbol of the Montello Montes Family...' Nang dahil lang sa kuwintas? What if nagkataon lang pala na kuwintas namin ang nakita niya? Pero teka! Paanong nasa kamay niya ang Family Heirloom namin? Eh sa amin 'yun. Alam ko na sa amin 'yun dahil sa pendant at nakasulat sa likod nito. Pero paano 'yun napunta sa kan'ya? Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko bigla ang nangyari sa'kin matapos niya akong iwan sa parking lot. 2 YEARS AGO... Matapos niyang mawala sa paningin ko, umalis ako sa parking lot at sinu-ong ang malakas na ulan. Sa gitna ng daan, kung saan ay mag-isa akong naglalakad, at sumakay ng jeep. Tulala sa kawalan, wala sa sarili, parang lantang gulay na kulang na lang lutuin. Umuwi ako na ganun ang itshura. Hanggang ngayon, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Dahil kagaya ng nangyayari noon, ang biglaang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko s'ya. Ay ganun na ganun pa'rin hanggang ngayon sa twing binabanggit ko ang pangalan niya. Kuya Kent ... Pero sa tingin ko, simula nang mangyari ang REVELATION na'yun—Ay hindi na ito katulad ng dati kung tumibok. Dahil tumitibok na ito ngayon sa takot. Sa takot na mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan. 'Kenster Mark De La Fuente...' SINALUBONG ako ni Ate A, sa labas ng Mansion namin noon. Para bang sinadya niya talaga akong antayin. Mabuti na lang nandoon siya sa mga panahon na kailangan ko ang tulong niya, na kailangan ko ang mga braso niya para alalayin ako. Mabuti na lang may Ate A Ako. HUHUHUH. ILANG Linggo ako nun wala sa sarili. Ang 3 times a day ko na pagkain, naging ONCE a day na lang. Nawawalan ako ng gana. Hindi ko din alam kung bakit, basta sa mga araw, linggo at buwan na iyon, LUTANG ako. Wala sa mood. NAGHINTAY ako na baka magtanong si Ate A, baka magtanong siya, tanungin niya ako ng "Kung ano ang nangyayari sa'kin, or kung bakit ba ako nagkaganun". Hinintay ko talaga na kakausapin niya ako at tanungin, kaso... Wala. Pero makalipas ang Isang buwan, paulit-ulit niya na akong tinatanong. Kaso, ako naman itong may problema sa pag-iisip. Palagi ang sagot ay "Wala po Ate A. Okay lang naman po. Salamat sa concern po." Pero kahit ganun, kahit naging ganun ako. Pinilit ko pa'rin ibalik ang dating ako. Nagwagi nga ako. Bumalik ako sa pagiging masiyahin. Sa pagiging isip bata. Hindi pa'rin naman nawawala ang pagkahilig ko sa Milkita Lollipop. Naibalik ko na ang pagiging masayahin ko. Bumalik nga ako sa pagiging masayahin. Pero hindi ako sure kung bumalik ba talaga ako... MATAPOS mangyari ang masakit na eksena sa parking lot. Ayun nga, umuwi ako nang naliligo sa ulan at luhaan. Isang buwan tulala' sa kawalan. At makalipas ang Isa nanamang buwan, nagpaputol ako ng buhok. Maliit, hanggang leeg ko ang liit nito. Hindi ko na'rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko sa ANHS. Iniwan ko ang section ko ng walang paalam. Kaya wala na akong balita sa kanila. Sumama ako kay Papa sa Manila. Doon ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Isang taon lang naman dahil bumalik kaagad kami dito sa Mindanao, sa Zamboanga City. Noon, ang ganda ng mga ngiti ko. Totoong ngiti ang mga pinapakita ko. Pero simula nung nagbago ako, minsan ko na lang makita ang totoo kong ngiti sa labi. Aminado naman ako dahil aware din ako sa sarili ko. Pinapakita ko sa kanila na okay ako, masaya ako, nakangiti ako, tumatawa na ako. Pero sa totoo lang, hindi ko masabi sa sarili ko kung totoo nga ba lahat ng pinapakita ko. Lalo na ngayon na nakita ko siya. Muli kaming pinagtagpo ng panahon. At ngayon na nagkita kami. Sa tingin ko... bumalik nanaman ako sa dati. Bumalik ang Aphrodite na mahina... Kailangan ko bang bumalik sa Maynila para muli nanamang mapag-isa? Hah?! Tapos puputulin ko nanaman ang buhok ko? Eh maiksi pa nga ang buhok ko ihh. Mukha pa akong si Dora. MAY KUMATOK na tatlong beses sa pintuan at kaagad na pumasok. Iniluwa ng pintuan si Ate Willow, may dalang tray at may laman na mga pagkain. "Eat this." seryoso niyang wika at inilapag sa gilid ng bedsheet. "You didn't eat last night." dugtong niya. Tumango ako at kinuha ang dalawa ni Ate Willow. Inayos ko ang pagkaka-upo ko at ipinatong ang tray sa magkabilang hita ko. "Salamat po Ate Willow." paos kong wika. Sinunggaban ko kaagad ang pagkain na nasa tray. Para akong bata na Isang taon na walang kain HUHUHU. Kagabi pa kasi ako walang kain kaya kailangan ko na talagang kumain. Parang naggi-giyera na kasi ang mga uod sa tiyan ko. HUHUH. So need kumain. Gutom na gutom Ako eh. Ilang minuto sigurong nawala sa isip ko na nandito pa pala si Ate Willow sa k'warto ko. Kaya nang na-realized ko, ay itinigil ko muna ang pagkain. Tumikhim ako at saka bumalik ulit sa pagkain, pero this time, medyo dahan-dahan na. Hindi kagaya kanina na parang may sinalihang karera. "I-ikaw po ba Ate Willow? Kumain ka na po ba?" tanong ko matapos kong maubos ang dala niya. "Hm." Isang tango lang ang isinagot niya at kinuha ang tray. Umangat ang tingin ko sa kan'ya. Sinalubong niya ang tingin ko. Nakikita ko pa'rin ang seryoso niyang expression sa mukha, kaya napa-iwas kaagad ako. "S-salamat po talaga sa pagdala ng pagkain dito po Ate Willow." Uminom muna ako ng tubig bago ko inilagay sa tray ang baso. Nang mailagay ko na ay tinalikuran na niya ako. Akala ko ay lalabas na siya, pero inilagay niya lang pala sa table, malapit sa pintuan. "What is your plan now?" tanong niya sabay lumingon sa'kin. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras. "Siguro po..." Naiyuko ko ang ulo ko. "Kagaya ng da—" "Tsk!" Nagulat ako. "Aalis ka nanaman dito, you're going back to manila, again. For what? Para mapag-isa? The h*ck Aphrodite!" Pero mas nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Ang kalmadong expression ni Ate Willow na lagi kong nakikita, kahit na seryoso ang kan'yang mukha ay nakikita ko pa'rin na medyo may pagka-kalmado siya. Pero ngayon ay, nawala... "I already warned you, diba?" 'Just be cautious around someone who is close to you. We don't know whether he is an enemy or not...' "Hindi mo inintindihin ang sinabi ko Aphrodite." TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD