CHAPTER THREE:
•••
•••
PAGKAPASOK ko sa kuwarto ko, nanghina nanaman ang mga paa ko kaya ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame.
'Sorry po... Ate A ...'
Nakaramdam nanaman ako ng sakit sa puso kaya hinampas ko ito. "Ano ka ba! Kanina ka pa ah! Ano bang meron sa'yo' at bakit ka sumasakit diyan... Nakakainis kana ihhh! Hindi ka..." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko.
HINDI ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
Ano ba kasing nagyayari sa'kin? Bakit ba nagka-ganito ako? Hindi ako ganito noon!
Mas'yado pa akong bata para magka-ganito. Mas'yado pa akong bata para masaktan ng ganito. Mas'yado pa akong bata para umiyak ng ganito.
Hindi talaga ako eto ihhh. Hindi 'to ako. Hindi ako ganito dati...
Kung sino ko man na masamang kaluluwa na sumapi sa'kin, umalis ka na! Umalis ka na habang maaga pa!
'Kent...'
Bakit ka pa kasi nagpakita? Bakit dumating ka pa? Bakit kung tumingin ka sa'kin kanina ay parang wala kang ginawa sa'kin noon? Ano pa ba ang kailangan mo sa'kin?! Kulang pa ba yung ginawa mo sa'kin noon?! Ang mga masasakit na salita na ibinato mo sa'kin noon, kulang pa ba 'yun?!
'Call me Kent...'
Humihikbi na ako. Mas'yado na akong nasasaktan ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa tuwing naaalala ko ang pangalan mo! Sa tuwing naalala ko ang mukha mo—ang nakaraan ko—na'tin...
Sana hindi na lang kita nakilala noon. Sana hindi mo na lang ako tinulungan noon.
Edi sana hindi na ako nagka-ganito ngayon...
'Kuya Kent...'
Ang unfair naman kung ako lang ang nagkaka-ganito. Sana Ikaw 'rin...
Gusto kong tumigil sa pag-iyak, kaso ayaw ng mga mata ko. Ayaw niyang tumigil. Pala desis'yon siya... HUHUHUH.
Nang maipikit ko ang mga mata ko, libo-libong mga ala-ala ang sunod-sunod na nagpapakita sa isip ko. Para siyang multo na bigla na lang nagpakita. Pinagdikit ko ang binti ko at niyakap ito. Naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko.
Memories flooded on my mind, it's vivid and unstoppable. Naalala ko ang unang araw na nakita ko si Kuya Kent, sa gymnasium. The memory shifted to a neat bedroom, na kung saan ginagamot ni Kuya Kent ang paa ko. Ang magaan niyang paghawak sa namamaga kong paa at ang expression niya sa mukha na parang may bahid na pag-aalala ang una kong nakita.
'Avoid walking or standing with that affected leg...'
'Rest that leg first to prevent further damage...'
'Huh? Bakit?...'
'Makinig ka na lang...'
Another memory surfaced, this one more painful. I was at school, sa parking lot...
'I guess this is my chance to get my revenge...'
'Revenge? Anong makukuha mo sa revenge?...'
'A sense of justice...'
'By taking revenge? Makakakuha ka ng hustisya? Wow! Hindi ko alam na ganiyan na po pala kakitid ang utak mo—...'
Kuya Kent...
'You don't know me very well, Dite Hurt...'
Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko kaya ibinaon ko ang mukha ko sa unan ko. My fingers tightened around my legs. I remembered the last words I had exchanged with him before we drifted apart, the argument still fresh in my mind.
'Knowing the truth has shattered everything between us. I can't pretend it hasn't changed everything. I have to walk away to save what's left of myself...'
I saw the image of him, as he walked away, it was like a knife, na parang unti-unting ibinaon sa puso ko.
KUNG hindi ko ba siya sinundan noon, hindi ba ako matutumba at dadalhin sa bahay niya? Kung hindi ba ako kumain at nagpahatid, hindi ba kami maging close? Kung hindi ba ako pumayag na maging kaibigan niya', hindi ko ba mararanasan 'to?
Kung hindi ba kami nagkita, kung hindi ko ba siya nakilala, kung hindi niya ba ako iniligtas sa mga manyakis na'yun at mga pangit na mga lalaki na'yun dati,
.... Hindi ba ako iiyak at masasaktan ng ganito?
Sana... Hindi na lang talaga...
NAGSIMULA lang naman kami sa,
'Anong ginawa mo sa kanila?...'
'You're welcome Miss...'
NAGKITA ulit kami sa gymnasium at tinulungan niya kami.
'A-anong ginagawa mo dito Kuyang Adidas?...'
'You're welcome again Miss...'
SINUNDAN ko siya na naging dahilan para matumba ako at ma sprained ang paa ko. Sariwa pa sa isipan ko ang pagbuhat niya sa'kin na parang sako na bigas. Pero kalaunan ay na realized niya na mali ang ginawa niya.
'I am offering you a piggy-ride. Hindi ka pwedeng maglakad kaya tinutulungan kita...'
'Pero ayoko po...'
'Why?...'
'Nahihiya po ako...'
GANOON ako kasaya noon. Ganun niya ako napasaya. Na sa simpleng pagbabago lang ng expression sa mukha niya, sa pag iba-iba ng mood niya, grabe na ang pagtataka ko. Para siyang babae na nireregla—which is ang cute sa paningin ko.
'Hindi niyo naman po ako kailangan ibalik. Kasi sa umpisa pa lang naman, alam po na'tin pareho na kusa kitang sinundan—...'
'At hinayaan naman kitang sundan Ako! May kasalanan din ako sa'yo' Dite. Kasalanan ko kasi hinayaan kitang sumunod sa'kin. Hinayaan kitang sundan ako. At dahil sa ginawa ko na'yun... You fell and sprained your leg...'
'It was all my fault... So please, let me take you home safely...'
OKAY na sana ang pagsasama namin ihh, naging MAGKAIBIGAN na kami. Masaya ako na kasama siya, sana ganun din siya. Pero bakit ganun, bakit nauwi sa masakit na revelation. Bakit umabot sa masaklap na realidad.
'K-k-kuya... K-k-kent...'
'How... How could the person I loved the most be the reason my family no longer breathes...'
'P-please... b-bitawan... niyo... p-po... a-ako...'
KAHIT na Ilang beses niya pa akong saktan, physically. Kahit na Ilang beses niya pa akong sakalin sa leeg, hindi ko siya iiwan. Hindi ako aalis. Dahil kahit na ganun s'ya, gusto kong iparamdam sa kan'ya na willing ko siyang tanggapin, kahit na masakit.
Kung ano man ang ikinagalit niya. Kung ano man ang nararamdamang galit niya sa'kin dahil sa nalaman at nagawa ng pamilya ko sa pamilya niya. Kahit na ganun, gusto ko pa'rin na manatili sa tabi niya.
'Is it true that you are a Montello Montes?...'
'Answer me Dite!!!...'
TOTOO kaya ang nagawa ng pamilya ko sa pamilya niya? May alam ba talaga si Ate Willow? Kung ganun, nagsisisi na ako ngayon. Nagsisisi na ako dahil hindi ko man lang siya hiningian ng tulong.
Marami nga talaga siya—silang alam na hindi ko alam.
'Yes... Isa akong Montello Montes...'
Ang sakit isipin na hanggang doon na lang talaga kami. Masakit man sabihin, pero aaminin ko talaga na na-miss ko ang dating siya. Pero mas masakit kapag maalala ko ang sinabi niya...
'The m******e of my family... that tore through my life like a terrible storm, leaving nothing but pain...'
Gusto kong malaman ang katotohanan, sa likod ng trahedyang iyan...
'The Montello Montes family, massacred the whole DeLa Fuente...'
HINDI ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lamang ako nang may tumamang liwanag sa mukha ko. Pagkadilat ko sa mga mata ko, nakita ko ang nakabukas na bintana dito sa k'warto ko. At dahil ang k'warto ko ay nakaharap sa kung saan lalabas ang araw, kaya kitang-kita ako dito. Sa akin tumambad ang araw.
The first light of dawn... cast a soft, and golden hue across my room. The sun, just peeking over the horizon, painted the sky with shades of pink, orange, and purple.
Dahan-dahan akong tumayo at ikinusot ang mga mata. Sino kaya ang nagbukas ng bintana dito?
NAPAHIKAB ako. Feeling ko inaantok pa talaga ako. Hindi ako sigurado kung nakatulog ba talaga ako o hindi. Basta umiiyak lang ako kagabie, samut-saring mga ala-ala ang pumuno sa utak ko. Hindi ko na alam kung nakatulog ba talaga ako. Pero feeling ko naman nakatulog lang HUHUHU.
Bumabalik talaga sa'kin ang nakaraan kahit anong pilit ko itong kalimutan. Hinihiling ko na sana hindi ko na siya makita pa. Last na ang kahapon, dahil ayoko nang masaktan pa. Masakit.
TO BE CONTINUED .....