CHAPTER TWENTY-ONE

1548 Words
CHAPTER TWENTY-ONE: ••• ••• TUMAYO na kaagad si Ate A mula sa pagkakahiga at Inayos ang kan'yang higaan. "Ako 'tong nag-alala sa'yo' kagabi, napuyat ako, tapos ngayon, ganiyan lang gagawin mo sa'kin." mahina niyang wika. Hindi ko mas'yadong narinig, pero parang... Narinig ko? Kaso... Hindi naman klaro? Ehhh? "M-may sinasabi ka po ba Ate A?" Hindi niya ako pinansin. Dumeretsiyo lang siya sa kan'yang cabinet at kinuha ang kan'yang uniform at Ilan na susuotin. At patakbong pumasok sa CR. Napasimangot ako at naisipan na umupo muna sa kama niya at hintayin siya. Since tapos nanaman ako. MABILIS natapos si Ate A. PAGKALABAS niya galing sa CR ay bihis na bihis na kaagad siya. "Oh? Akala ko pumunta ka na? Ma-la-late ka kapag hinintay mo pa ako." seryoso niyang tanong. "A-ate A..." Naiiyak kong banggit sa pangalan niya. "Sorry na. HUHUHU." Umupo siya sa gilid ng kama—pero sa kabila banda. Isinuot niya ang kan'yang black boots, inayos ang shoulder bag, kumuha ng kutsilyo at Ipinasok ito sa loob ng boots. "Ate A..." Tumayo siya at hinarap ako. Tumingala pa ako para lang makita siya. "Naalala mo pa ba ang araw na late mo din akong ginising tapos pagkagising ko nakahanda ka na?" Nakasimangot akong tumango. "Opo." 'Naalala mo pa ba ang araw na late mo din akong ginising tapos pagkagising ko nakahanda ka na?...' Nangyari ito noon. First year Highschool Days ko... "Hindi kita pinansin dahil sa ginawa mo, naalala mo ba?" Hindi ako pinansin ni Ate A sa mga araw na iyon. Nagalit siya sa'kin dahil bakit saka ko pa lang daw siya gigisingin kapag tapos na? "Opo." sagot ko. "Pinansin lang kita nung tinanong kita," Hindi ako nakapag salita. "Kahit hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Tss!" Napa-iwas na ako ng tingin at napalunok ng laway. "Ngayon, tatanungin ulit kita," ramdam ko ang kan'yang titig. "Sino ba ang dahilan kaya ka nagka-ganiyan?" Natigilan ako. Pero hindi ko pa'rin siya tiningnan. "Ano ang dahilan kung bakit umuwi ka ng gabi noon at basang-basa sa ulan? Umiiyak? Wala sa sarili?" sunod-sunod niyang mga tanong. Kagaya nang ginagawa ko noon, hindi ko pa'rin kaya'ng sagutin ang mga tanong niya. 'Ano ang dahilan kung bakit umuwi ka ng gabi noon at basang-basa sa ulan? Umiiyak? Wala sa sarili?...' Napabuntong hininga na lang si Ate A. "HOYY!" biglang bumukas ang pintuan ng k'warto. "ANO PANG GINAGAWA NIYONG DALAWA DITO?!" Napatingin ako sa pumasok. Ganun din ang ginawa ni Ate A. "At bakit sumisigaw ka diyan, hah Apollo?" "LATE NA KAYO P*NY*T*!" Mabilis na nakalapit sa amin si Kuya Phoebus. Pareho niyang hinawakan ang mga wrist namin at sabay niya kaming hinila palabas ng kuwarto. "Ka babaeng tao, late!" "Ikaw din naman." "Noon yun!" Hinayaan namin ni Ate A na hilain kami ni Kuya Phoebus palabas. "Pareho pa'rin yun." Kinaladkad kami ni Kuya Phoebus palabas ng Headquarter at sapilitang Ipinasok sa loob ng SUV. Pumasok siya sa driver seat at siya ang nagmaneho. "Oh, himala at hindi si Hestia?" kunot-noong tanong ni Ate A. "Bakit, hindi mo ba na miss ang pagmamaneho ko Diana?" "Hindi." diretsya niyang sagot. "Diana naman." "Tss!" PINAANDAR na ni Kuya Phoebus ang sinasakyan namin. Habang nasa biyahe, napatingin na lang ako sa bintana. Nakita ko ang familiar na daan papunta sa school namin. "Saan tayo?" tanong ni Ate A. "Saan pa ba, edi sa school niyo!" "At paano ka naman nakakasiguro na dito ang daan papunta sa university?" "Sinabi sa'kin ni Minerva." "Tss!" DUMAAN ang Ilang segundo, minuto at Isang oras. Sa wakas ay huminto na'rin ang sasakyan. Naunang lumabas si Ate A, at sumunod naman ako. "Wala ba'ng thank you diyan?" Nilingon ni Ate A si Kuya Phoebus. "Maraming salamat Apollo." nakangisi nitong wika at tinalikuran na siya. "Tara na Aphrodite." "Salamuchhh po Kuya Phoebus." Isang ngiti lang ang isinukli ni Kuya Phoebus sa'kin at pinaandar na ang sasakyan at umalis. SUMUNOD na ako kay Ate A—papasok sa ScheZinger High University. Matapos ang nangyaring kidnapping, nalaman na ang pumatay, nag decide ang principal na ilipat na sa dating building ang Class E, dahil sa bumalik na ito sa dati. KASO, nag desis'yon ang lahat na 'huwag na'. Mas gusto nila dito sa abandonado. Na kahit abandonado na, marami silang mga ala-ala. PUMASOK kaagad kami ni Ate A sa Classroom kaya sabay napatingin ang lahat sa gawi namin. "Oh, the heroes are here." may ngiti sa labing wika ni Teacher Morena Samsuis. "WELCOME BACK!" "MAY MOON!" "AND DITE HURT!!!" Nginitian ko sila sabay kinawayan. Naunang maupo ni Ate A. Sumunod naman ako. "Maraming salamat po sa inyo!!!" Masaya kong wika bago umupo. "This is your last year here at ScheZinger High University. The 4th Quarter of your Senior Year 2nd Semester is now the last months you will be together. So spent your last months with your classmates." wika ni Teacher Morena. Napansin ko ang magandang ngiti ni Teacher Morena. Nanibago ako. S'yempre, kasi naman nung first day of school nakakatakot ang ngisi sa labi niya, para siyang aso na nau—l*l, parang nababaliw. Pero ngayon... Maganda na ang ngiti niya. Nakakapanibago talaga ihhh. "Ang bilis naman." "Parang nung Isang araw lang nangyari ang pagpasok ni May." "At parang kahapon lang nangyari ang pagpasok no Dite." 'Spent your last months with your classmates...' Ito na ang huling mga buwan na magkakasama kami. Dahil sa nalalapit na Graduation namin, magkaka-hiwa-hiwalay na kami. Hindi namin alam kung magkikita pa ba kami sa kolehiyo or hindi na. At sa tingin ko naman, hindi na. HUHUHUH. Ibat-iba ang buhay na meron kami, magkaiba ang nasa utak namin, hindi magkakapareho ang mga pangarap namin. Kaya, malamang sa malamang, pipili din kami ng landas, na magkasalungat. Pipili ng landas na magkasalungat... Kasama rin ba ang pagpili naming dalawa ni Ate A? Magkakahiwalay ba kami sa hinaharap? "I will dismiss you early. Kaya gawin niyo na ang gusto niyong gawin." ang huling sinabi ni Teacher Morena bago niya kami tuluyang iniwan. "Okay guysss!" Tumayo si Ate Ericka at pumunta sa harapan. "Change topic nanaman tayo'. Why don't we play a game?" suggestion niya. "Ano namang laro?" tanong ng mga kaklase ko. "First Impression." masaya nitong wika at napansin ko ang makahulugang tingin nito sa gawi ni Ate A. Hindi ko man nakikita ang mukha ni Ate A, dahil nasa likuran niya ako. Pero sa tingin ko naman kumunot na ang noo niya. "Laro ba'yan?" "Well... Maybe? HEHEHE." "Nag suggest ka pa Ericka? Eh hindi ka naman sure kung laro 'yan." "Tse!" Inirapan siya nito. "Okay sabihin na lang na'tin na medyo laro na hindi. Whatsoever, basta, first Impression." "Sige na sige na. Bahala na ang iba diyan na umintindi sa magulong babaeng 'to." "Ano naman ang mechanics?" "Ganito, pipili tayo ng name. For example si Dite Hurt. 'Yang napili na'tin, tatanungin na'tin kung ano ang first impression niya kay—naka depende sa pangalan na babangitin na'tin at sa gustong magtanong." sabay tingin niya sa'kin. Ehh? Ba't nadamay ako? HUHUHUH. "Isang beses lang dapat tayong magtanong. Kapag natapos ka na sa patanong, pero hindi ka pa natanong, ibigsabihin hindi ka na pwede magtanong, pero ang iba na hindi pa naka pag tanong, ang tatanong sa'yo'. Gets niyo?" "Huh?!" Huh? Naguluhan din ako. "Hindi ko gets!" "D*mn! Kapagod kaya'ng mag explain! Bw*s*t kayo!" "Pero sige na lang! Kami na mag adjust!" "Dapat lang!" "Ano ang first impression na'tin sa kan'ya? Blah blah blah. Dapat lahat tayo makasagot." "Aahhhh..." "Okay..." "Sige! Game kami." "Game na lang." "Pasali!" "Malamang! Lahat nga diba?" "Tsk! Maldita ka talaga." "Late ka na sa balita, noon pa. Tch!" "Oh sige na, start na!" "Okay okay." "Okay na? Start ko na?" "Start mo na." Pinalibot nila ang upuan sa gitna. Mas'yado nang malaki at malayo kapag pinalaki pa ang bilog, kaya nag decide sila na ilapit lang, at ang iba tatayo na lang or sa labas na lang sa nakapalibot na upuan, uupo. "Okay. Then, start! I will choose a name, kung sino man ang napili ko, tatanungin ko siya." Naka-puwesto na sila sa gitna ng classroom, nakapa-ikot ang mga upuan. Isa rin ako sa mga naka-upo. "Hmm..." "Okay." "Then I will choose M—" "Aalis na muna ako." tumayo bigla si Ate A. "Ehh? Ang KJ mo naman May ihhh." Walang expression sa mukha niya silang tiningnan. "Alam ko kasi na ako ang pipiliin mo." "How can you sure?" nakataas na kilay niyang tanong, pero nandoon naman ang simangot sa labi niya. "Hula ko lang." sagot ni Ate A "Ang galing mo namang manghula. Yung kinidnap ba kami ay hinula mo lang din 'yun?" "Oo." nakangising sagot ni Ate A. "May naman." "Tss!" "Please?" Mas lalong kumunot ang noo ni Ate A. Nakakapanibago din ang kabaitan ni Ate Ericka ihhh. Para siyang naging maamong pusa. "Sige na May, don't be a kill joy na. Just go with the flow na lang. Pleaseeee." "Pleaseeeee Mayyyyy!!!" Sa huli, napabuntong hininga na lang si Ate A. "Sige na." Umupo na siya ulit. "Tanungin mo na ako, Ericka Yu Kein." "Complete name talaga. Lagot ka diyan." Napangiti na lang ako. Ngayon, magkaharap kami ni Ate A. Hindi kami magkatabi dahil magkasalungat na naka-puwesto ang upuan namin. Kaya nakikita ko siya. "So here's the question, what is your first impression of X?" TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD