CHAPTER TWENTY:
•••
•••
[ END OF FLASHBACKS ]
"Ngayon mo na po ba sasabihin sa'kin Ate D?" tanong ko.
Huminga siya ng malalim. "10 Months ago. May isang lalake at babae na ipinagtagpo. Unexpected ang pagkikita nila, biglaan lang. Dahil ang sadya ng babae sa pamilya ng lalake ay babantayan lang ito. Inutos ng papa sa babae na bantayan ang pamilya ng lalake. Isa itong mission na ibinigay sa papa ng babae."
Pag-ku-kuwento ni Ate D. Nagtataka man, ay pinili ko pa'rin na makinig.
"Kaso, hindi alam ng babae na bulag pala ang lalake. Kaya inutos ng papa sa babae na bantayan ang buong pamilya nila dahil maliban sa may gustong pumatay sa kanila ay bulag din ang lalake. Hindi nakakakita."
'10 Months ago...'
May Isang babae at lalaki ang ipinagtagpo, pero unexpected 'yun. Dahil Isang mission lamang ang pakay ng babae—ang mission na bantayan ang buong pamilya ng lalaki.
Isang mission...
Parang same kay Ate A na may mission din?
"Naging tagapagsilbi sa Mans'yon ng lalake ang babae. Una, hindi sila nagkakasundo, para kasing pinaglihi sa full moon ang lalake. Samantalang ang babae naman ay puro reklamo." Bigla siyang tumawa ng mahina. "But in the end, na realized ng babae na may kabaitan din pala si Lalake. At doon na nagsimulang magbago ang mundo nilang dalawa. Nagkamabutihan na sila. Masiyahin na'rin ang lalake. Nagsimula na itong bumalik sa dati. Habang tumatagal mas napapalapit ang babae sa lalake. Minsan ay hindi naiintindihan ng babae kung bakit ganun nalang kung mag-alala si lalake kapag wala siya. Pero sa huli, nalaman ng babae ang dahilan."
Nag ku-kuwento si Ate D habang ang paningin ay nakatingin sa nakasaradong pintuan.
"Hindi siya t*ng* para hindi ito malaman. Parang nakalimutan na nga ng babae na isa palang mission ang sadya n'ya. Hindi alam ng lalake na isang mission lang ang pagdating bigla sa buhay niya ng babae."
Hindi alam ng lalaki na Isang mission lamang ang pakay ni babae...
Hindi ko napigilan na e compare siya sa Mission din ni Ate A...
Kagaya nang nasa kuwento ni Ate D, Isang babae ang may mission, kagaya ni Ate A. Kaso ang pinag-kaiba, ay ang babae sa kuwento niya ay ang mission ay bantayan ang buong pamilya ng lalaki. Samantalang ang mission ni Ate A ay ibalik sa dati ang Class E.
Unexpected ang pagkikita ng babae at lalaki, hindi rin magkakasundo. Ganun din ang nangyari kina Ate A at Kuya X!
"Hangang sa," Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang kadugtong. "Hanggang sa tuluyan na ngang dumating ang panahon na aatake ang mga kalaban para patayin ang pamilya ng lalake. Nagtagumpay ang babae na protektahan ang pamilya ng lalake. Nagawa niya itong mailayo. Kaso may kapalit."
May kapalit, namatay ba ang babae? Or baka namatay ang lalaki?
"Namatay ang isa pang kaibigan ng babae."
Parang sinagot na ni Ate D ang tanong ko sa isip ko.
"Ipinangako ng kaibigan sa babae na kapag nawala siya. Ibibigay n'ya ang dalawang mata n'ya sa amo niya—na si Lalake. Nagkatotoo naman ang sinabi sa kaibigan ng lalake. Masakit man pero tinupad ng babae ang hiling ng kaibigan niya."
Napatingin ako sa bintana dito sa k'warto ko nang maramdaman ang pagpasok ng hangin. Umihip ang hangin at hinahawi nito ang kurtina.
"Sa pamilya ni lalake ibinilin ng babae ang tungkol sa pag do-donate ng mata. Pero ipinalabas ng babae na sa kaniya galing ang mga matang 'yun. Para mapaniwala si lalake na wala na ang babae."
Katahimikan muna ang namayani.
Bago ko narinig na muling nagsalita si Ate D...
"At simula ngayon... Hindi na ulit nagkita si Babae at Lalake. Malayo na si Lalake sa babae. Kaya wala na silang connection pa sa isat-isa."
Bigla kong naisip, what if malaman pala bigla ni Ate A na wala na pala si Kuya X? Wala na siya sa susunod na araw ng pasukan? What if hanggang doon lang siya?
Or, baka naman malaman ko'rin na isang mission lang pala ang pakay ni Kuya X sa ScheZinger High University?
Ehhh?
"The End." PAGKATAPOS ni Ate D sa kan'yang kuwento.
KATAHIMIKAN nanaman ang namayani.
"Y-yun lang po ba Ate D?" Medyo may pagtataka kong tanong. Nautal pa ako.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya. Ngunit Ilang sandali lang, ay nakita ko na may tumulong tubig sa kan'yang mga mata. Hanggang sa tuluyan nang tinakpan ni Ate D ang kan'yang mga mata at umiyak.
Nagpanic ako bigla. Hindi ko alam ang gagawin ko! Dahil first time kong nakita na umiyak si Ate D! Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya napatayo ako bigla at nagpabalik-balik kung lalapitan ko ba siya or hindi.
Ihhhhh~~~
Then, biglang may pumasok sa isip ko. Huminga ako ng malalim at napag-desisyunan ko nang lumapit kay Ate D. Tumabi ako sa kan'ya at bigla ko siyang niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Yung yakap na ramdam mo na kino-comfort mo ang Isang tao. Parang dinadamayan siya sa anumang hamon sa buhay na darating sa kan'ya.
Mas lalong lumakas ang mga iyak niya at niyakap niya rin ako pabalik. Nang dahil sa nakikita ko ngayon kay Ate D, bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot. Wala pa siyang sinasabi sa'kin—maliban sa pagku-kuwento niya. Pero bakit... Ramdam ko na medyo... May kakaiba... Para bang, may pinagdadaanan siya na... Kapareho nang sa akin?
Akala ko ako lang ang may pinagdadaanan, ngunit mali pala ako... Sa tingin ko, parang may masakit na napagdaanan din si Ate D—katulad nang sa akin. Ganito ako noon eh, parang bata na umiiyak. Tapos si Ate Willow ang dumadamay sa'kin ngayon. Pero dati si Ate A—pero hindi niya pa alam kung ano ang dahilan.
Ano kaya ang dahilan kung bakit umiiyak si Ate D?
'10 Months ago. May isang lalake at babae na ipinagtagpo...'
Then bigla kong naalala ang ikinuwento niya...
'Unexpected ang pagkikita nila, biglaan lang. Dahil ang sadya ng babae sa pamilya ng lalake ay babantayan lang ito. Inutos ng papa sa babae na bantayan ang pamilya ng lalake. Isa itong mission na ibinigay sa papa ng babae...'
Anong meron sa kuwento ni Ate D? Ang kuwento niya ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon? Sana man lang kanina palang sa simula ay pinatigil ko na siya sa pag-kuwento, dahil hindi ko naman pala alam na matatamaan pala siya sa sarili niyang ikinuwento. HUHUHUH.
Pinasandal ko si Ate D sa balikat ko at hinayaan siya. Tinatapik-tapik ko ang kan'yang likuran at hindi ko na namalayan kung Ilang minuto or oras na kaming nasa ganitong posisyon. Ang namalayan ko na lang ay tulog na siya.
Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama ko. Dati, ay ako ang inaalagaan nila. Naging ganito rin kasi si Ate Willow sa'kin ihhh. Siya ang laging bumibisita dito sa kwarto ko. Si Ate A naman ay minsan lang dahil nararamdaman niya siguro na wala akong balak aminin sa kanila ang lahat. HUHUHU.
Kaya ngayon, ako nanaman ang mag-aalaga...
...
...
PAGKABUKAS nagising na lang ako nang wala na si Ate D. Hindi ko na'rin siya hinanap, dahil wala akong ideya kung nasaan siya ngayon.
Naligo na lang ako at nagbihis. Nang matapos na ako ay lumabas na kaagad ako sa k'warto ko. Bababa na sana ako nang biglang may pumasok sa isip ko. Napatingin ako sa pintuan ng nakasaradong k'warto ni Ate A.
Nasa baba na kaya si Ate A?
Bumukas ang pintuan ng k'warto ni Ate Willow, iniluwa siya doon at kaagad na nagtama ang mga tingin namin.
"Good Morning po Ate Willow." nakangiti kong pagbati.
"Morning too Aphrodite." Naglakad siya papunta sa gawi ko. "Artemis is still there."
"Ehh?" Tiningnan ko ang oras na nakasabit sa pader dito sa itaas. "P*kt*y! Late na kami Ate Willow!"
Dali-dali ko kaagad na pinasok ang k'warto ni Ate A, at naabutan ko siya na nasa kama pa, tulog na tulog pa. HUHUHUHU.
"Ate A!"
NILAPITAN ko kaagad siya at ginising. "Ate A! HUHUHUHU." mangiya-ngiyak kong wika. "Ate A!"
Inilapit ko na ang bibig ko sa tainga niya na naging dahilan para tuluyan niyang idinilat ang kan'yang mga mata. Sa wakas!
"Ate A!!! Late ka na pooooo! HUHUHU."
Dahan-dahan siyang bumangon. "Late na ako? Ako lang?" sabay kusot sa mga mata niya. "Eh Ikaw pala? Hindi ka ba late Ngayon? Hah Aphrodite?"
"Hindi po." sagot ko. "Nakabihis na po ako Ate A. HE HE HE." Tiningnan niya ang suot ko. At pag-angat ng tingin niya sa'kin, masama na ang kan'yang tingin sa'kin. "At ngayon mo lang talaga ako ginising?"
Una, natigilan ako. Kaso, pinilit ko na lang na magpa-cute. "Sorry na po."
TO BE CONTINUED .....