CHAPTER TWENTY-TWO

1340 Words
CHAPTER TWENTY-TWO: ••• ••• "So here's the question, what is your first impression of X?" Medyo nagulat ako sa tanong ni Ate Ericka. Napatingin tuloy ako kay Ate A. "Hindi ko alam." sagot niya. Nanlumo ang iba sa sagot niya, samantalang ang iba ay napatawa na lang. "As expected from May Moon." "May naman. Simple lang naman 'yang tanong na'yan. Sagutin mo na lang." "Simple lang yung tanong?" tanong ni Ate A. Tumango siya. "Yes." "Edi Ikaw ang sumagot." Pagbara nito. "Bw*s*t ka!" "Akala ko ba tungkol sa atin lang? Bakit napunta sa taga Ibang Class?" Nagtataka ng tanong ni Ate A. Oo nga naman. Bakit nasali si Kuya X? "Anong taga Ibang Class?" Nagkatinginan silang lahat. "Hindi na taga ibang Class ngayon si X, May." "Huh?" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Ate A. Ganun din ang noo ko. Ehhh? "Nasa principal office sila, Inaayos ang papeless, para maging official member na ng Class E si X at ang mga friends niya." "Lumipat sila May." Natigilan siya. Nalaglag ang panga ko sa reaction ni Ate A. "True, true, magiging Class E Students na sila." "Ihhh! Can't wait! May new classmates nanaman tayo." "Sana naman okay kay Principal Lanie na ilipat sila dito." "Teka. Bakit naman sila lilipat dito? Class D sila diba?" Nagkibalikat lang ang iba. "Hindi din namin alam." "Pero Isa lang ang nasisiguro namin May." Nagkatinginan ang iba. Isang tingin na may ibig na pinapahiwatig. "It's because of you~~~" wika nila na nilagyan pa ng tono. Sinamaan lang sila ng tingin ni Ate A. "Last quarter na'to, tapos ngayon pa lang sila lilipat? Ano namang nakain nila? Lalo na 'yang si Kuyang Class D na'yan." "Ikaw." Nanlaki ang mata ko sa mga tanong ni Ate A at sa naging sagot ni Kuya Lance. "Anong Ako?" "Ikaw ang kinain ni X kaya niya naisipang lumipat dito." at bigla siyang tumawa na parang may saltik sa utak. "Isa pa." "Jokes lang May HA HA." "Hey! So ano sagot mo May? Hmm? What is your first impression on him?" sabat ni Ate Ericka. "Hindi ko alam." Inirapan ni Ate Ericka si Ate A. "Wala talaga akong maaasahan sa'yo'! Tse!" "Why not tanungin na'tin si X?" patanong na wika ni Sophia. Napansin ko kaagad na may pumasok sa pintuan kaya lahat kami ay napatingin sa gawing iyon. "How about you X, what is your first impression on her?... or, what do you like about her?" At dahil ang upuan ni Ate A ang nag-iisang nakatalikod sa pintuan kaya hindi niya ito nakikita. Habang ako ay magkaharap kami kaya nakikita ko ito. "Her presence." Isang malamig na boses ang uma-lingaw-ngaw sa buong classroom. Nang dahil doon, nagsigawan ang lahat. "As she entered the crowded room, during the first day of school, her magnetic presence seemed to alter the atmosphere." Dahan-dahan na naglakad si Kuya X papunta sa direction ni Ate A. "With her smirk and charm, she effortlessly drew people into her orbit," Nang makalapit na siya sa likuran ni Ate A, ay ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa sandalan nito. "Making each interaction feel like a memorable moment." Sumipol ang Ilan sa mga kasama ko. Kinilig ang ibang mga babae sa narinig at nakikita nila. Si Ate Ericka ay malawak ang ngiti. Ang iba ay hindi na maipinta ang mukha, halo-halong expression na. Pagka-excited, at halatang kinikilig. "That's my first impression on her." Tumayo si Ate A at nilingon siya. Nagsalubong ang mga tingin nila. Walang umiiwas, hanggang ngayon, tumatakbo pa'rin ang oras. "Kuyang Class D, welcome to Class E." Ang unang lumabas sa bibig ni Ate A at nginitian siya ng tipid. Naglakad si Ate A papunta sa kanya, at tuluyan siyang dinaanan. Lumabas siya ng Classroom nang hindi kami nililingon. Bumagsak ang mga balikat ko. Akala ko pa naman lalapitan niya talaga si Kuya X ihhh HUHUHU. "May?" "Haluhh! Nag walk out si May!" Tumayo ako at tiningnan si Kuya X. Napansin niya siguro ang mga titig ko kaya ginawa niya rin ang ginagawa ko. Hindi ko natagalan ang pagtitig ko sa kan'ya. Dahil siguro sa walang buhay niyang mga mata or baka nang dahil lang sa kulay Abo nito—??? Kaya ako na ang unang umiwas. Napabuntong hininga lang ako at nagpaalam na lalabas lang ako. Hinahanap ko si Ate A... Kaso... Hindi ko siya nakita. Dumaan ako sa dalawang main building, makikita ito sa gitna ng Campus. Ito ang pinakamalaking building dito sa ScheZinger High University. Mga High School Students ang nasa isang building, sa katabi nito ay ang mga Senior High. 'Yan talaga ang main building ng mga senior high. Bale napunta lang naman ang mga Class E, dahil sa kasalanang nagawa nila. Kaya sila iniligay sa malayo, sa abandonado. NAPAHINTO ako bigla nang makita ang Isang open field na kung saan may naglalaro ng Football at iba pang mga laro. Biglang may nag flash na imahe sa isip ko. At iba na ang nakikita ng mga mata ko. Sa open field, nakita ko ang familiar na pigura ng Isang lalaki. Naglalaro ng soccer... Umiling ako at tumalikod na. Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ng mga paa ko, papalayo sa open field. Hanggang sa tuluyan na ngang bumilis ang bawat hakbang ko. Tumatakbo na ako. "X!" Napahinto ako nang may marinig akong familiar na boses. Nagtago ako at dahan-dahan na lumapit sa gawing iyon. Hindi ko alam kung saan ito banda, pero nang mabasa ko ang nakasulat sa building, alam ko na. Nasa Class D building ako. Malayo sa abandonadong area namin. "You did it?" tanong ni Ate K. "Yes." "Really?" ramdam ko ang saya sa boses nito. "Where did you shoot him? Saan'g parte?" "You requested it K. Kaya sinunod ko... ang sinabi mo..." sagot ni Kuya X. "Wow!" Sumilip ako konti at nakita ko ang pagtalon ni Ate K sa tuwa. Nanibago ako sa inaasta niya. Para siyang naging bata nang wala sa oras. "Finally, the God of Thunder has fallen." Tumingala siya sa kalangitan at napangiti. "The sky is calm now. Makakahinga na'rin ako ng maluwag." Nagsalubong ang dalawang kilay ko. 'Finally, the God of Thunder has fallen...' Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Weird... "Thank you X. Thank you so much for killing Thunder Zeus Montes Montello..." 'Thank you so much for killing Thunder Zeus Montes Montello...' 'Thank you so much for killing Thunder Zeus Montes Montello...' 'Thank you so much for killing Thunder Zeus Montes Montello...' NAPAATRAS ako at sabay napahawak sa dibdib ko. Para akong nawalan ng hininga sa narinig ko. Nagpaulit-ulit pa ito sa tainga ko. Nabingi ba ako? Mali ba ang narinig ko? Baka nabingi lang ako. Hindi pwede... 'You did it?...' 'Yes...' 'Really?...' 'Where did you shoot him? Saan'g parte?...' Shoot... Anong shoot? Maraming meaning ang 'shoot'. Pero bakit ang sinasabi ng sarili ko, ay 'shoot' ay 'yung tinira...? Like... Parang... Binaril... 'You requested it K. Kaya sinunod ko... ang sinabi mo...' 'Wow!...' TULUYANG nanghina ang mga paa ko. Matutumba na sana ako ngunit nilakasan ko ang loob ko at buong lakas na tumakbo, papalayo sa lugar na iyon. Anong you requested it K? Anong ni-request ni Ate K? Anong ginawa ni Kuya X? Anong nangyayari?! Bakit narinig ko ang buong pangalan ni Kuya Thunder!!! Sa sobrang bilis ng pagkakatakbo ko, ang namalayan ko na lang ay may hindi ako familiar na lugar na tinahak. Para bang hinayaan ko lang ang mga paa ko dalhin ako sa lugar na ito. Pinagmasdan ko ang paligid. Pinalibutan ang buong lugar na mga kakahuyan. Sa gitna may Well, at sa gilid nito ay may bench. Kaya lumapit ako doon at umupo. TAHIMIK ang lugar. Tunog ng mga ibon na nasa kakahuyan lang ang tanging maririnig ko. Ngunit, hanggang sa... "Heyyy!—" Napatalon ako sa gulat. "Ay butiki!" Akala ko ay nasundan ako. "Ano ba naman y—" Natigilan ako nang makilala kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Kanina, sina Ate K and Kuya X. Tapos ngayon, Isa nanaman sa mga kasama nila? TO BE CONTINUED .....

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD