CHAPTER SEVENTEEN

1445 Words
CHAPTER SEVENTEEN: ••• ••• [ BACK TO DITE HURT POV ] PAGKATAPOS kong magbawas ay naghugas muna ako ng kamay. Napasimangot nanaman ako dahil hindi ko tuloy nasaksihan ang buong sayaw Nina Ate A and Kuya X. HUHUHU. Sa akin kaya, may mag-sasayaw kaya sa'kin? HEHEHE. 'Kuyang Kent...' Natigilan ako at napatitig sa reflection ko sa salamin. Imbes na mukha ko ang makita ko, ay mga ala-ala ng nakaraan ko ang nakita ko. Umiling kaagad ako at dali-daling lumabas. Nakapikit ang mga mata ko habang naglalakad dahil sa mga ala-alang sunod-sunod na pumapasok sa utak ko. Kaya hindi ko tuloy namalayan na pagkaliko ko, ay may nabangga ako. "S-sorry—" sabay naming wika, kaya sabay din kaming natigilan nang marinig ang mga boses namin. Mabilis akong napatingin sa taong nabangga ko. At sumalubong sa'kin ang nakakunot niyang niyang noo. His brows knit together, a storm of emotions brewing in his eyes. But at the same time His lips press into a thin line. Ngunit hindi ko pinatagal ang titigan namin. Ako na ang unang nagbaba ng tingin at dinaanan siya. Iniwan ko siya na nakatayo doon. Kunwari ay hindi ko siya nabangga, kunwari ay hindi kami nagkita. Napabuntong hininga 'rin ako habang naglalakad papalayo sa kan'ya. Hindi ko alam, pero imbes na babalik sa table namin, ay gumilid ako at tinahak ang ibang daan. Hindi ako dumeretsiyo sa table namin, dahil ibang daan ang dinaanan ko. Kaso, hindi pa man ako tuluyang nakalabas sa Venue ay naramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko at hinila. Kaya tiningnan ko ang taong humila sa'kin. "A-ano ba! Bitawan mo nga ako!" Buong puwersa kong hinila ang palapulsuhan ko sa kan'ya. "Kenster Mark De La Fuente!" Galit kong banggit sa pangalan niya. Nakita kong natigilan siya. Pero hindi ko na'yun pinansin pa. Isinawalang bahala ko iyon. Kumpara sa ginawa niya noon, mas masakit 'yun keysa itong pagsigaw ko sa kan'ya! Tinalikuran ko siya at nag-marsha nanaman ako. Kailangan kong makalabas sa venue or sa buong hotel. Kailangan kong lumayo. Ayokong makita ang mukha niya. Not now... Please... Nang tuluyan na akong makalabas, Isang pagtawag sa pangalan ko ang narinig ko. "Venus!" Ngunit hindi ko siya nilingon. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Kahit naka heels at mataas ang takon ko ay ginawa ko pa'rin ang makakaya ko para hindi matumba. Basta makalayo lang sa kan'ya. Napansin ko pa ang paparating na itim na sasakyan. Ang gara tingnan. Parang pang celebrity ang laman. Kaso hindi ko nalang yun pinansin. Hindi ako interesado sa mga kotse. Dahil hindi naman pu ako marunong mag drive. HUHUHU. HINDI ko na alam kung saan na ang punta ko, Basta tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko. Lakad-takbo na nga ang ginagawa ko eh, para lang makalayo sa lalaking hanggang ngayon ay sumusunod pa'rin sa'kin. Bakit niya ba ako sinusundan? Hah! Atshaka anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya sa Garden Orchids Hotel? Hindi naman siya nag-aaral sa ScheZinger High University ihh. Kaya paanong nandito siya? Or baka naman nagkataon lang na nandito siya? Kasi hotel 'yun diba? Para sa lahat... Oo nga naman Dite... "Venus..." Lumambot ang boses niya. At naramdaman ko na lang na Isang kamay ang pumulupot sa bewang ko at dahan-dahan akong ipinaharap. Nanlaki ang mata ko nang sumalubong sa'kin ang malungkot niyang mukha na Ilang inches na lang ang layo. "A—" "Sshhh~" Gamit ang Isa niyang kamay, tinakpan niya ang mga mata ko. "Please..." Gusto kong tanggalin ang kaliwa niyang kamay na nakapulupot sa bewang ko. Gusto kong tanggalin ang kanan niyang kamay na nakatakip sa mga mata ko. Gustong-gusto kong lumayo sa kan'ya. Kaso... Kahit katawan ko... ay na-estatwa sa kinatatayuan ko. Dahil sa biglaan niyang ginawa, ay nagulat ako. Na naging dahilan din para matigilan ako at hindi makagalaw. "K-k-kenster..." Napahingos ako nang maramdaman ko ang basang tubig na lumabas sa mata ko. "M-m-mark..." At dahil nasa mata ko pa'rin ang palad niya, alam ko na naramdaman niya 'rin yun. "D-dela F-fuente..." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang maramdaman ang paghigpit ng pagkakapulupot ng kamay niya sa bewang ko. Na naging dahilan para maramdaman ko ang katawan niya. Tuluyang nagdikit ang katawan naming dalawa. "Venus..." There was a rough edge to his words. Every sentence he spoke seemed to hold a touch of sadness. Mas diniinan ko pa ang pagkagat sa ibabang labi ko para lang pigilan ang paghikbi ko. "S-sorry..." In moments of vulnerability, his voice trembles slightly, betraying a heart that felt deeply. 'S-sorry...' 'S-sorry...' 'S-sorry...' NAGPA ULIT-ULIT ito sa tainga ko. S-sorry... Para saan pa? Bakit ngayon pa?! Bakit pina-abot niya pa ng dalawang taon?! Bakit ngayon pa kung kailan pinipilit ko ng kalimutan siya! P*st* ka! "S-sorry...?" Patanong kong wika. Huminga ako ng malalim. Nilakasan ko ang loob ko. Nanginginig man, pero pinilit ko pa'rin na itaas ang mga kamay ko at tinanggal ang mga kamay niyang nasa bewang at mata ko. Mabuti na lang talaga hinayaan niyang gawin ko 'yun, dahil kapag nanlaban pa siya, baka walang pag-asa na matanggal ko ang kamay niya sa sobrang hina na ng buong katawan ko. Tiningnan ko siya sa mata niya. Mata sa mata. "Hindi ko kailangan ang sorry mo." Kumurap ako para pigilan ang pagtangkang pagtalon ng mga luha ko. Pleaseee lang... Mga luha... Tiis-tiis muna kayo. Saka na kayo tumalon kapag wala na siya sa harapan ko. Ayokong... Makita nanaman niya akong... Umiiyak... Nagmumukha akong mahina... Ayoko ng bumalik... Bumalik sa dating ako—sa mahinang ako. Not now... "Lumayo ka sa'kin... Please..." 'Hindi ko kailangan ang sorry mo...' Dahil iba ang gusto ko... Iba ang gusto kong marinig mula sa'yo... At 'yun ay ang malaman ang dahilan kung ano ang ginawa ng pamilya ko sa pamilya mo... 'The massacred of the De La Fuente Family...' Nakatingin pa'rin ang mga mata ko sa kan'ya. Hindi na napigilan ng sarili ko na ilabas lahat ng emotion na nakatago sa loob ko. Pero... Hindi ako umiyak. Pinipigilan kong umiyak. Hindi siya nagsalita. Nananatili siyang tahimik at nakatingin din sa akin—sa mga mata ko. He's smart—I think... Kaya baka maiintindihan niya ang pinapahiwatig ng mga tingin ko. Madali lang naman akong mabasa. Hindi siya mahihirapan. Basang-basa nga ako nina Ate Willow eh. "I deeply regret the pain I’ve caused you. But..." Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. "... You cannot still change the fact that your family massacred my family." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “I understand that no apology can make up for your loss," wika ko. "But I am truly sorry for my family’s actions.” Tinalikuran ko siya ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko para harapin ako ulit sa kan'ya. “Please know that your feelings matter to me," Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa palapulsuhan ko. "Then bakit mo ako sinaktan?" tanong ko at galit na galit siyang tiningnan. "I..." Hinila ko ang kamay ko sa kan'ya. "I’m sorry for causing you pain.” Ang tanging sinabi niya. Hindi pa'rin talaga siya nagbabago. Sa tuwing nagtatanong ako dati—sa tuwing tinatanong ko siya, ang lalayo talaga ng mga sagot niya. Hanggang ngayon... "I—" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil naramdaman naming pareho ang liwanag na nanggaling sa gilid. Isang papasalubong na sasakyan ang papunta sa gawi namin. Naramdaman kong hinawakan nanaman niya ang palapulsuhan ko at itinago sa likuran niya. Hinarap niya ang papasalubong na sasakyan at nagulat ako sa ginawa niya. "K—" Ngunit kaagad namang huminto ang sasakyan nang Isang metro na lang ang layo nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko at masasagasaan kami. Hindi ko na ata namalayan na nasa gitna na pala kami ng daan! HUHUHU. Bumukas ang pintuan sa Driver seat. At nanlaki kaagad ang mga mata ko nang makita ang kung sino ang lumabas doon. Si Ate H! Mabilis ang paglalakad niya papunta sa direction namin. Hinawakan niya ang kaliwang palapulsuhan ko at hinila. "Sorry, we're in a hurry." wika niya at kinaladkad ako papunta sa sasakyan. Binuksan ni Ate H ang pintuan sa back seat at pinapasok ako. Pero bago ako pumasok, ay napatingin muna ako sa lalaking kausap ako kanina. Si Kenster Mark De La Fuente... 'I know words can’t erase what happened, but I’m truly sorry for the pain my family has caused yours...' PUMASOK na ako sa loob ng sasakyan ni Ate H at iniwan siyang mag-isa na nakatayo sa gitna ng daan. Hindi ko na siya muling tiningnan or sinilip man lang sa labas ng bintana. Hinayaan ko na lang na paandarin ni Ate H ang sasakyan at umalis na. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD