CHAPTER NINETEEN

1407 Words
CHAPTER NINETEEN: ••• ••• [ BACK TO DITE HURT POV ] PAKIRAMDAM ko, sa tuwing nakikita ko siya, aaminin ko na gusto ko nang bumalik ang dating siya, ang unang lalaki na nakilala ko noon—ang dating siya. Kaso, may parte 'rin naman sa katawan ko na ayaw nang balikan iyon. Ayoko nang ibalik ang nakaraan kung ito ay pilot ko na kinakalimutan. Pilit... Kahit pala akong pilit ko, hanggang pilit lang pala talaga ang kaya ko... Pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan ang nakaraan... Kanina pa ako nakatingin sa labas ng bintana dito sa loob ng sasakyan ni Ate H. Lutang ako. Kaso bumalik ako sa realidad nang marinig ang pangalan ko mula kay Ate H na nagmamaneho. "Aphrodite." "Yes po Ate H?" Malungkot ko siyang tiningnan sa front mirror. Kahit na ang kan'yang mga mata ay nananatiling nasa daan lang. "God of Sun." wika niya na ipinagtataka ko. "Nakikinig ako, Vesta." Isang familiar na boses ang narinig ko na nagsalita sa tabi niya. Gulat na gulat akong napatingin dito. "K-k-kuy—" Mabilis kaagad akong napatayo at sinilip kung tama nga ba ang hinala ko. "KUYAAAA!!" bigla ko siyang niyakap. "Kuyaaaa HUHUHU." Mangiya-ngiyak kong wika. "Kung hindi ka pa tinawag ni Vesta, hindi mo pa ako mapapansin." Naramdaman ko ang palad niya sa ulo ko. Ti-nap niya ito. Mas lalo akong naiyak. "HUHUHU." Hanggang sa umiyak na nga talaga ako. Sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba kanina sa gitna ng daan or dahil sa nakita ko na si Kuya ko. "Haluhh siya uyy! Ba't ka naman umiyak?!" Tumigil siya sa pag-tap ng buhok ko. "Na miss kita Kuyaaaa HUHUHU." Kahit na nahihirapan akong yakapin siya dahil nga nasa front seat siya tapos ako nasa backseat, ay nagawa ko pa'rin na higpitan ang pagkakayakap. "Na miss mo ba talaga Ako?" "Opooo HUHUHUU." "Or baka naman, na miss mo yung iniwan mo doon?" Natigilan ako at huminto sa pag-iyak. Parang may bumara na harang sa mga mata ko na naging dahilan para matigil ang mga luha sa pagbuhos nito. Ngunit, Ilang minuto lang... Humagulgol na ako ng iyak. Hindi ko na nakayanan, at hindi ko na kaya'ng pigilan... "HUHUHUHUH." Umupo ulit ako ng maayos at umiyak ng umiyak. Tekaaaaa~~~ Bakit ganito? Bakit ako umiiyak?! Anyare po baaaaaaa?!!! HUHUHUHU. "Joke lang! Ito naman." Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si Kuya at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko'rin siya pabalik. "K-kuya..." "Ssshhh..." Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya. "B-b-bakit... po a-ako u-umiyak...?" "Bakit nga ba?" tanong niya. Na hindi ko alam kung para sa'kin ba or may iba siyang ibig na pinapahiwatig? "But I think... We cry because we expected love, but instead we received indifference." ramdam ko ang lungkot sa paraan ng pagkakasabi niya. Kaya mas lalong akong naiyak. Dahil wala akong naiintindihan HUHUHU. Pero sinubukan kong intindihin. "The hurt from being misunderstood by the one we love brings us to tears. And tears fall when love turns into pain." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang paghagulgol ko. Mas'yado na akong maingay dito sa loob ng sasakyan ni Ate H. Nakakahiya. Tapos puro sipon na ang nasa damit ni Kuya Phoebus. HUHUHUHU. "Umiiyak ka kasi mas'yado kang nag expect sa mga bagay na walang kasiguraduhan. You trusted a person too much that you forgot to limit your boundaries. SPECIALLY when your trust rebuilt has been shattered." 'But I think... We cry because we expected love, but instead we received indifference...' Did we really cry because we hoped to be loved and cared for, but instead, we were treated as if we didn’t matter? And sometimes we feel sad because our expectations of affection were met with coldness? Umaasa nga ba ako...? Question, may pakialam ba talaga sa'kin si K—Kenster Mark De La Fuente? "Aphrodite, I think It's time to embrace a fresh start." Natigilan ako bigla sa hindi ko alam na kadahilanan. 'It's time to embrace a fresh start...' A-ano ang ibig mo pong sabihin... Kuya Phoebus? "Leave the past behind and focus on your dreams." 'Leave the past behind and focus on your dreams...' 'Leave the past behind and focus on your dreams...' 'Leave the past behind and focus on your dreams...' Parang sirang plaka na napa ulit-ulit sa tainga ko ang sinabi niya. Leave... my past... behind... Paano ko kakalimutan ang nakaraan ko kung ngayon na nandito na siya? I mean, paano ko ito iiwan, kung Malaki ang epekto nito sa'kin? "P-paano... K-kuya...???" Naiiyak kong tanong. Rinig ko ang malalim niyang PAG buntong-hininga. "Ang daling sabihin, pero kahit ako ay nahihirapang gawin." Bumusina si Ate H, sabay na huminto ang sinasakyan namin. "We're here." Hindi ko namalayan na nasa labas ng mansion na pala kami. Nauna akong bumitaw sa pagkakayakap. Nauna rin akong nagpaalam at pumasok. Isang tango lang ang sinagot nina Ate H and Kuya Phoebus sa'kin. At iniwan ko na kaagad sila sa loob ng sasakyan. Nadaanan ko si Ate D. Pilit ko siyang nginitian. "Good Evening po Ate D." Huminto siya sa paglalakad at kumunot ang noo. "Good Evening, Aphrodite..." "Akyat na po ako, Ate D." paalam ko. Tumango siya kaya umakyat na ako. Dumeretsiyo sa k'warto at ibinagsak kaagad ang katawan sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko, at pagkapikit ko pa lang, naramdaman ko na kaagad ang tubig na tumulo sa mga mata ko. Umiiyak nanaman ako... Palagi na lang akong umiiyak... Sinuntok ko ang dibdib ko. 'Ano ba?! Bakit sumasakit kananaman diyan?! Ano nanaman bang problema mo?!' "Stop doing that." Isang seryosong familiar na boses ang narinig ko. Kaya dali-dali kaagad akong napa-upo. "A-Ate D. A-ano pong ginagawa nyo dito?" gulat na gulat kong tanong. Si Ate D ay nakatayo na sa harapan ko. Hindi ko ata namalayan na pumasok siya, or kahit bumukas man lang ang pintuan ng k'warto ko. May nakalimutan nanaman ako... Nakalimutan ko bang isara ang pinto? HUHUHU. Umupo sa tabi ko si Ate D. May iniabot siyang panyo? Nagtataka ko naman itong tinitigan. "A—" "Sa'yo' muna 'yan." Nagdadalawang isip pa ko kung tatanggapin ko, pero sa huli ay tinanggap ko naman. Ginamit ko ang panyo para ipunas sa pisngi kong basa. "Naalala mo ang sinabi ko sa'yo nung New Year?" bigla niyang tanong. 'But soon... sasabihin ko sa'yo... Kapag okay na ako...' "O-opo." sagot ko. New Year's Day... "Aphrodite..." Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Ate D sa gilid ko. Muntik ko nang matulog ang kinakain Kong Pizza. Nandito pa naman ako sa gilid ng swimming pool, naka-upo habang ang mga paa ay nasa tubig. Okay sana kung sa sahig, as long as wala pang 1 minute na nasa sahig pwede pang kainin. Pero kung sa swimming pool mahuhulog, hindi na siya pwede'ng kainin ihhh. HUHUHU. Umupo siya sa tabi ko—tinabihan niya ako. Isinawsaw niya rin ang mga paa niya sa tubig. Bigla tuloy akong kinabahan. Himala at pinansin niya na po ako HUHUHU. "Aphrodite... Gusto ko lang sanang humingi ng sorry..." Mabilis pa kay flash akong napatingin sa kan'ya. "S-sorry po saan, A-ate D?" may gulat sa reaction ko na tanong ko. Teka! Teka! Teka! Bakit humihingi ng sorri sa'kin si Ate D? HUHUHU. "Sorry... Kasi iniiwasan kita..." Ngayon ko lang naintindihan kung bakit siya nag-so-sorry... "I don't know... Pero sa mga oras na'yun... Hindi talaga kita kayang harapin..." Bakit Ate D? May nagawa po ba akong mali? May kasalanan po ba ako na hindi ko alam? "Marami lang kasi akong iniisip sa mga oras na'yun." Ang malayo niyang paningin ay sa wakas ay tumingin na sa'kin. Isang ngiti ang ibinigay niya sa'kin. Pero sa paraan ng pagkakangiti niya, hindi ko ito nagawa'ng suklian. Hindi kasi umabot sa tainga ang ngiti niya... Hindi ko alam, pero nakikita ko kung paano ngumingiti si Ate D, at ang ngiti na ibinigay niya sa'kin ay hindi ang ngiti na nakikita ko noon. "May problema ka po ba Ate D?" malungkot kong tanong. Nakikita ko ang sarili ko kay Ate D... "Siguro?" patanong niyang sagot sabay Iwas ng tingin. "May problema nga siguro ako." May problema talaga siya... "Ano naman po 'yun Ate D?" Dumako ang kan'yang tingin sa kalangitan. Tumingala siya at mahinang napatawa. "Mas'yado ka talagang direct kapag usapang curiosity, Aphrodite..." "Ehh?" Nagtaka ako sa sinabi niya. "But soon... sasabihin ko sa'yo..." Tiningnan niya ulit ako. "Kapag okay na ako." TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD