CHAPTER TWO:
•••
•••
YEARS LATER .....
"Ate D! Gusto mo po ng lollipop?" tanong ko kay Ate D. Kakalabas lang namin sa abandonadong Bahay na kung saan kinidnapped nung Krissy Puertovilla na'yun ang buong Class E HUHUH.
Naunang lumabas sina Ate A at Ate Willow. Kami ang panghuling lumabas ni Ate D. At pagkalabas namin nagtaka pa ako nang andaming mga bagong armadong lalaki ang dumadaan sa amin.
"Yung Milkita mo nanaman ba?" tanong ko.
Tumango ako nang makita na wala siyang reklamo sa tanong ko, kaya kinuha ko ang Isa ko pang lollipop sa loob ng pants ko. Ayoko pa sanang ibigay sa kan'ya, kaso dahil iniligtas nila ako, kaya may premyo si Ate D sa'kin HIHIHI.
"Here na po Ate D—" kusang dumako ang mga mata ko sa gawi na kung saan may narinig akong familiar na boses na nagsalita.
Nabitawan ko bigla ang lollipop at natulala sa familiar na pigura ng Isang lalaki. Nagsalubong ang mga tingin namin. Napakurap ako ng paulit-ulit. Baka naman namamalikmata lang ako?
May tumawag sa kan'ya, si Ate Li. Pero hindi niya ito pinansin o tiningnan man lang. Dahil ang kan'yang titig ay nananatili sa direction ko. I became frozen in my place, my breath catching in my throat as a flood of memories rushes back.
Naalala ko ang unang pagkikita namin, sa Gymnasium, the way he looked at me with blank expression but still there's something hidden behind it, the warmth of his eyes looking at me.
Then, the painful memories surge forward. The argument that tore us apart, the nights I cried myself to sleep, the overwhelming emptiness I felt without him.
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito sa ScheZinger High University? Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pa na nakalimutan ko na siya?!
'Nakalimutan nga ba?...'
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Madiin. Ganito ako sa tuwing pinipigilan ko ang pag-iyak ko. Naiiyak na kasi ako HUHUH. Nagsimula na'rin na manginig ang mga paa at kamay ko. Kasabay nito ang pagtibok ng puso ko. Muntik na akong matumba nang maramdaman ko ulit ang sakit sa dibdib ko.
Mabuti na lang Inalalayan kaagad ako ni Ate D.
Hinawakan ko ang dibdib ko, sa parte na kung saan nakalagay ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pananakit nito. Bumalik ang sakit na naramdaman ko noon. Noong mga panahon na iniwan niya akong mag-isa sa parking lot.
Bakit nagpakita pa siya?
Gusto kong tumakbo, palayo sa kan'ya. Kaso ayaw makisabay ng mga paa ko.
"Venus..."
Natigilan ako sa narinig ko. Pero Ilang segundo lang ay nanghina nanaman ang mga paa ko. Kaya sinalo nanaman ako ni Ate D at Inalalayan.
'Venus...'
Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan na 'iyan.
Ayoko ko na talaga!!! Ayoko ng marinig pa ang boses niya! Dahil bumabalik sa'kin ang nakaraan! Masakit na talaga. Kung hindi pa ako aalis, baka ikamatay ko na...
"V-venus..." Nautal siya.
Nagulat ako dun. Nabuhayan ako ng PAG-ASA dahil sa dahan-dahan na paglambot ng boses niya.
Pero iba ang sinasabi ng mga mata niya...
"V-venus..." Humakbang ang paa niya ng Isa.
Tatlong beses... niyang binanggit ang second name ko...
May ibigsabihin ba ito? May alam ba siya tungkol dito?
"H-h-huwag kang l-lalapit." Nahihirapan ko pang wika.
Ang hirap magsalita sa ganitong sitwas'yon.
"Venus." Humakbang nanaman siya.
Kaya napaatras na ako. Napaatras ako sa takot. Natatakot ako sa gagawin nanaman niya. Tama na. Ayoko ng dagdagan pa ang sakit na narinig ko mula sa kan'ya noon.
'Our friendship was a sanctuary once, but now it's tainted by the bloodshed. I'm sorry, but I can't continue this charade of friendship when the truth between us is so dark...'
Nang limang metro na lang ang layo niya, ay may humarang sa harapan ko. Nakaharap sa'kin ang likuran niya.
"Just stay there, don't come any closer, or else, kami ang haharapin mo." pagpigil sa kan'ya ni Ate H na nakabantay sa likuran ko.
Parang wala siyang narinig, dahil patuloy pa'rin ang paghakbang ng mga paa niya.
"I warn you." seryosong wika ni Ate Queen na siyang nakaharang sa harapan ko.
Ngunit hindi pa'rin siya nakinig. B*ngi ba Siya?! Or nagbibingibingihan lang? Akala ko ba tapos na Ang friendship namin?! Eh ano 'tong ginagawa niyang paglapit sa'kin?! Pleaseee... Paki explain naman kung ano 'to...
'I can't bear to look at you anymore, daughter of a Montello Montes, knowing what your family has done to mine...'
Bumabalik talaga sa'kin ang mga ala-ala na kasama siya sa huling oras. Kaya nakakatakot. Nakakatakot na baka tuluyan nga siyang makalapit sa'kin, at kapag nangyari 'yun, uulitin nanaman niya ang ginawa niya.
"Venus."
"Tumigil ka nga!"
Nagulat ako nang marinig ko ang pagtaas ng boses ni Ate A. At pumagitna sa pagitan ni Hera at ng lalaking 'yun.
"Isang hakbang mo pa, sisipain talaga kita." seryoso na may halong diin niyang wika.
TULUYAN na nga siyang napahinto sa paghakbang.
Si... si Ate A lang pala ang katapat niya!
"Hindi mo ba nakikita? Natatakot sa'yo' ang kapatid ko. Wala akong alam sa nakaraan niyong dalawa, at wala akong pakialam sa'yo'! Kaya please lang, hayaan mo muna siya. Huwag mo siyang lapitan, hanggang diyan ka lang."
Bakit... Naramdaman ko bigla ang sakit sa tono ng boses ni Ate A?
"Hindi ko na siya kilala. Hindi siya yung kapatid na nakilala ko noon, hindi s'ya yung kapatid na nakasama ko noon. Parang ibang Aphrodite na ang nakaharap namin ngayon, simula nang makita ka niya."
'Hindi ko na siya kilala...'
Naiyuko ko ang ulo ko at napatitig sa lupa.
Tama si Ate A, hindi na siguro ako ang kapatid na nakasama niya noon. Ibang Aphrodite na ang kasama niya ngayon, kumpara sa noon.
Simula nung nangyari ang big revelation sa parking lot, umuwi ako ng hating-gabi, luhaan at naliligo sa ulan. Naabutan ako ni Ate A na basang-basa sa ulan, paulit-ulit niya akong tinanong, pero hindi ko man lang nagawang sagutin ang mga tanong niya.
"Makinig ka na lang sa sinabi nila. Hangang diyan ka nalang. Huwag mo ka ng humakbang pa... At lalong-lalo na, huwag mo nang lapitan ang kapatid ko. Mas maganda kung huwag ka na lang din magpakita pa sa kan'ya."
NARAMDAMAN kong may humawak sa kamay ko sabay hinila palabas sa eksena. Lilingunin ko pa sana ang gawi ng lalaking iyon kaso nakita ko ang mga titig ni Ate Willow kasama sina Ate H at Ate Queen, Isang mga tingin na pinapahiwatig na 'huwag na akong lumingon' dahil kapag ginawa ko 'yun, masasaktan nanaman ako...
Sinunod ko naman ang mga tingin nila. Hindi ko na nilingon ang taong 'yun. Kahit na may pumipilit talaga sa sarili ko na tingnan ang gawing iyon. Kaso hindi na talaga pwede! Ayoko na! Tama na!
PAGKALABAS namin ay likuran ng ScheZinger High University, Isang SUV kaagad ang sumalubong sa'min.
Sasakay na sana si Ate A nang hawakan siya ni Athena para pigilan. "Aphrodite, you go first." wika niya nang nasa akin nakatingin.
Binigyan lang siya ng nagtatakang tingin ni Ate A. Kaso nginitian niya lang ito.
Naramdaman ko ang kamay ni Ate Willow sa likuran ko na pinapauna na ako kaya sinunod ko naman siya. Imbes na umupo malapit sa driver seat, ay pinili kong maupo sa pinakadulo—na kung saan paboritong spot nina Ate Queen at Ate H.
'Pasensiya na po talaga, kailangan ko lang talagang mapag-isa...'
Naunang pumasok si Ate Willow at Ate D. Sumunod si Ate A. At pang huli sina Ate Queen at Ate H.
Akala ko ay magagalit silang dalawa, akala ko ay magiging dragon sila dahil umupo ako sa favorite spot nila dito sa SUV.
Pero ni hindi man lang nila ako pinansin nang makapasok sila. Parang hinayaan na lang nila ako na dito na maupo.
UMANDAR na ang sinasakyan namin at umalis na. Nakatingin ako sa labas ng bintana at tulala'.
Ano kaya'ng ginawa niya sa dalawang taon na lumipas? Napansin ko kanina na ang dati niyang brown hair ay naging black na. May piercing na'rin siya sa kanan na tainga.
Wala na kasi akong balita sa kan'ya, at wala na akong balak na alamin pa. Matagal ko na yung kinalimutan.
Pero parang nakalimutan ko na kinalimutan ko na pala siya dahil sa biglaang niyang pagpakita sa'kin kanina...
HINDI ko na namalayan na nasa Head Quarter na pala kami. Dahil kanina pa ako nakatulala lang. Umakyat na ako sa k'warto nang hindi nagpapaalam sa kanila.
Pagkapasok ko sa kuwarto ko, nanghina nanaman ang mga paa ko kaya ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame.
'Sorry po... Ate A ...'
Nakaramdam nanaman ako ng sakit sa puso kaya hinampas ko ito. "Ano ka ba! Kanina ka pa ah! Ano bang meron sa'yo' at bakit ka sumasakit diyan... Nakakainis kana ihhh! Hindi ka..." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko.
HINDI ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
Ano ba kasing nagyayari sa'kin? Bakit ba nagka-ganito ako? Hindi ako ganito noon!
Mas'yado pa akong bata para magka-ganito. Mas'yado pa akong bata para masaktan ng ganito. Mas'yado pa akong bata para umiyak ng ganito.
TO BE CONTINUED .....