CHAPTER TWELVE:
•••
•••
ISANG BUWAN na ang lumipas. Pinagpatuloy talaga namin ni Ate A ang pag-aaral sa ScheZinger High University. Sa lumipas na Isang buwan, masasabi ko talaga na andaming nagbago. Hindi na sila gumagawa ng milagro. Isa 'rin sa nagbago ay ang atmosphere sa classroom, nang dahil siguro sa pagkawala nina Kuya Darren at si Kuya Diego Samuel Lakson. Si Kuya Maverick naman ay paminsan wala sa room, laging umaalis kapag walang guro.
Nakakapanibago na talaga ang Class E...
UMUWI muna kami saglit ni Ate A sa Head Quarter. Nagpaalam naman kami kay Teacher Morena—na naging temporary Principal dahil wala si Principal Lanie. Sa Isang linggo, Isang beses ko lang nakikita si Principal Lanie, kaya si Teacher Morena ang pansamantalang pumalit sa position niya. Hindi ko alam kung nasaan ito, pero sa tingin ko naman kasama nito ang anak niya. Dalawa pa naman sa mga anak niya ang nasa binggit ng kamatayan.
Si Kuya Darren nasa kulungan. Habang ang Kuya naman nito ay na wala ng balita. Kaya bilang Ina, mag-aalala talaga siya sa dalawa niyang mga anak. Kahit nga ako ay naaawa eh, pero wala akong magagawa, hindi ko naman 'yun sila mga anak. HUHUHU.
"Ate D!" tawag ko sa pangalan nito nang makita siya na umaakyat sa hagdanan galing sa iba.
Kakalabas ko lang sa k'warto ko at pababa na'rin ako.
"Hmm?"
Huminto siya sa kalagitnaan ng paglalakad. Umangat ang paningin niya sa'kin at sumalubong sa'kin ang kakaiba niyang expression sa mukha. Una kong napansin ang eyebag nito na parang namamaga, parang galing sa iyak? Tapos ang mga mata niya na laging may buhay noon... Ngayon ay... Hindi ko na maipinta...
Anong nangyayari kay Ate D?
"Ahh... A-a-ano... Wala Ate D. Wala naman." umiling ako ng tatlong beses.
"Okay." wika niya at dinaanan na ako.
Nanibago ako sa sagot niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ganito siya. Pero sa Isang buwan na lumipas kasi, laging ganito si Ate D. Sumasagot naman siya kapag tinatanong, pero ang tono nito ay parang walang gana na napipilitan lamang sumagot. Ganun.
Dati, ang daldal niya. Paminsan dati sinasabayan niya ako. Maingay din 'yan si Ate D, lalo na kapag kasama niya si Ate Willow, nagiging maldita Siya sa kan'ya. Tapos umaabot sa point na nag-bangayan na sila. Kaya nakakapagtataka tuloy kung bakit ibang-iba na siya sa dating Ate D na nakilala ko.
Hindi ko gusto ang pagiging tahimik n'ya. Naninibago ako sa tahimik niyang version. Tapos nitong mga nakaraang buwan, sa tuwing umuuwi kami dito, may araw talaga na Ilag siya sa'kin. Para bang iniiwasan niyang dumikit sa'kin? Pero sinasagot niya naman ang tanong ko kapag may itinatanong ko, pero tipid nga lang. Walang further explanation. Period kaagad. HUHUHUHU.
Para bang sa nakikita ko ay ayaw n'ya akong mausap. Ayaw niyang makita ako. Ewan, hindi talaga s'ya yan ihhh. Naging ganun din naman ako noon, naging tahimik, pero bumalik lang naman ako sa dating ako.
Hindi ko nga lang masabi kung bumalik nga ba talaga ako...
Pero sana bumalik ang dating Ate D na nakilala ko. Yung Ate D na nakangiti, nang-aaway sa Ate niya—kay Ate Willow. Nakaka-miss ang bangayan nilang dalawa. Lalo na't ito si Ate Willow, minsan ko na lang nakikita dito sa HQ. Si Ate D naman ay laging nandirito sa HQ. Kaya wala ng nagaganap na bangayan sa magkapatid.
Si Ate Willow, paminsan nakikita ko sa School, sa ScheZinger High University. Sa Abandonadong Rooftop. Kung paano ko nalaman? Nakikita ko siya sa bintana ng building namin, sa Class E. Tanaw na tanaw ang abandonadong building mula sa building namin.
Kapag nakikita ko si Ate Willow sa rooftop na nakatayo, na parang may pinagmamasdan sa ibaba kahit wala naman akong nakikita na tao doon, sa tuwing ganun ang eksena niya, lagi ko talagang naaalala ang pagkikita nila ni Kuya Cipher sa rooftop dati, months ago.
Gusto ko man makinig sa kanila, pero wala eh, kailangan ng bumalik.
LUMIPAS ang Ilang buwan. December na at wala ng pasok kaya nasa Mansion at HQ nalang kami ni Ate A.
Dumating ang December 31, 20**...
11:45 pm ...
"Here."
"Oh? What took you so long Goddess of Wisdom?" tanong ni Ate H na siyang naglalagay ng mga pagkain sa mahabang mesa. Siya 'rin ang nagluto.
"Sorry huh? Do I look like I know how to cook?" patanong na sagot ni Ate Willow na may dalang Tupperware na may lamang pritong manok—na medyo sunog.
dO_ob...???
Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Ate H at ang dala niya. "Seriously? You know how to break into video surveillance systems, but you don't know how to fry a chicken?!"
"Goddess of Hearth, there's a big difference between 'Hacking' and 'Cooking'. Do you want me to define it for you?"
"I'm not interested."
"I am aware that I don't really know how to cook. Tsk."
Wala nang nagawa si Ate H kundi ang kunin ang niluto nito. "Pasalamat ka pagkain ito."
"Then, Thank you." Nang-aasar na sagot naman ni Ate Willow.
"Tsh!"
NAPANGITI na lang ako habang pinapanood sila.
5 minutes left ...
Inayos ko ang suot kong pang Santa Claus, pero payat version HEHEHEHEHE.
"Ang weird ng suot mo Aphrodite." Nagtatakang wika ni Ate Willow.
Sinimangutan ko naman siya.
"It's almost New Year, bakit naka pang Santa Claus ka pa?" Nakataas na kilay na tanong 'rin ni Ate H.
"Ang cute po kaya ihhh." Nakasimangot kong sagot.
NARAMDAMAN ko bigla ang pagtaas ng balahibo ko, kaya dahan-dahan kong nilingon si Ate A na kararating lang sa kusina at nagsalubong naman kaagad ang mga tingin namin. Nakakunot ang kan'yang noo at grabe ang kan'yang pagtitig sa akin, ang lalim. HUHUHU.
"Nilabhan mo ba 'yan?" tanong niya.
Mabilis naman akong tumango. "Yes naman po Ate A."
"Hindi halata." wika naman ni Ate D na kanina pa naka-upo kasama si Ate Queen. Nakita ko ang pag-ngiti niya ng tipid. Kaya napangiti na lang 'rin ako.
At least siya na ang unang pumansin sa'kin.
59 seconds left ...
Naka-on ang TV namin at nagsimula na itong mag Countdown.
"Done!"
Natapos na ni Ate H ang paglalagay ng mga pagkain sa mahabang mesa. Kaya naglalaway na ako nang makita kung ano-ano ang mga nakahanda. May Rice, Letchon, Pancit, Adobo, Lumpiang Shanghai, Fruit Salad, Bibingka, Queso de Bola, Kare-Kare, Embutido, Puto bumbong, fruits medley or round fruits, spaghetti, buko salad at ang friend chicken na niluto ni Ate Willow na sunog HUHUHU.
"These dishes are not only delicious but also carry cultural significance, representing good luck, longevity, and prosperity for the coming year." May ngiti sa labing wika ni Ate H.
Malungkot naman akong napangiti. Yes, grabe ang handa namin, sobrang dami, pang buong barangay ang handa. Oo, sobrang dami nga ng mga handa namin, pero Anim lang naman kaming nandirito. Kami lang mag pi-pinsan ang sasalubong sa bagong taon. Dahil wala si Papa at si Mama. Hindi lang naman sina Papa at Mama, kundi buong parents namin ang Wala.
Kaya nga kami lang anim ang nandito, kami lang ang mag ce-celebrate. Kaming Anim lang ang sasalubong sa bagong taon dahil kami lang naman ang nandito.
20 seconds left ...
"Let's go outside." boses ni Hera. "Sa Garden."
Nauna siyang lumabas kaya sumunod naman kami. Pero bago ako sumunod, kumuha muna ako ng balat ng Letchon. Dahil crispy pa siya kaya masarap.
PAGKALABAS ko ay inabutan ako ni Ate ng Isang stick ng paputok. Ayy, hindi pala siya paputok, stick lang pala siya na kapag sinindihan ay mag spa-spark. Mag li-light siya kumbaga. Walang piccolo, kasi bawal, ipinagbawal na, delikado daw kasi.
Nakahanda ang mga pagkain namin sa mahabang table na nasa kusina. Malaki ang kusina dito sa HQ namin kaya sakto ang mahabang table.
Dumaan kami palabas sa pintuan lang din na makikita sa kusina. Parang back-door na short-cut na papuntang Garden since nasa likuran naman ito na medyo gilid din sa HQ.
10 seconds left ...
Inihanda ni Ate H and Ate Queen ang mga fireworks namin. Si Ate Willow naman sa Camera na may stand. Si Ate D ay naunang sinindihan ang sparks-stick niya. Habang si Ate A ay nakatingala sa kalangitan.
5 seconds...
"Four..."
Sinabayan ko sa pag counting si Ate A.
"Three..."
Sinindihan na namin ang dala naming stick kaya nagliwanag kaagad ito. Ang ganda ng ngiti ko nang makita ito.
"Two..."
"One..."
"Zero..."
Pinakawalan na nila ang fireworks kaya sumabog kaagad ito sa kalangitan. Kasabay din nito na may sumabog din na ibang fireworks sa kalangitan na hindi galing sa amin.
"HAPPY NEW YEAR!!!" sabay-sabay naming sigaw at tumalon.
Bagong taon...
Sana wala paring magbabago...
Pero wala eh, kahit na magkasama kaming Anim, kahit na nakangiti kami, at kahit na ang saya-saya namin... Sa tingin ko... Temporary lang ito...
Parang ngayon lang dahil bagong taon. Or baka ngayon lang dahil sinusulit na ang pagkakataon na magkasama kaming Anim.
Tumingala ako sa nagliwanag na kalangitan,
Kenster Mark DeLa Fuente...
Kung ano man ang nagawa ng pamilya ko sa pamilya mo, sana naman...
Napailing ako sa iniisip ko.
Impossible...
"Because of my family, his future was stolen; I'll forever be haunted by their cruelty..."
Tapos ngayon hihilingin ko na mag 'move-on' siya?
Napakadaling sabihin, ngunit napakahirap gawin.
[ SOMEONE POINT OF VIEW ]
The night sky was a canvas of darkness, providing a perfect backdrop for the dazzling display of fireworks.
"Kuya, kaon." Narinig ko ang boses ng kapatid ko na iniimbitahan akong kumain gamit ang lenggwaheng bisaya.
But my eyes were just staring at the sky.
As the clock struck midnight, with a loud, resonant boom, the first firework shot up, leaving a trail of sparkling light behind it.
It reached its peak and exploded into a burst of vibrant red and gold, illuminating the faces of the onlookers with a warm, radiant glow.
"Okay. Bahala ka." Naramdaman ko na paalis na siya. "But ipaalala ko lang na hindi pa'rin magbabago ang plano ko. Para sa pamilya na'tin, I can be the villain in your love story."
TO BE CONTINUED .....