CHAPTER THIRTEEN:
•••
•••
[ DITE HURT POINT OF VIEW ]
MATAPOS ang pagsalubong sa bagong taon, ay balik pasukan nanaman kami. Bagong taon, kaya bagong buhay ang Ilan sa mga kaklase ko. Maraming nagbago, lalo na sa mga looks. May ilan na nag pa rebond, may ilan naman na nagpa-kulay at nagpa kulot.
Months ago, kusa nang sumuko si Kuya Darren Jay ScheZinger sa pulis'ya. Hindi ko alam kung Ilang taon siya makukulong, pero sa tingin ko naman ay hindi siya aabot ng sampung taon. Because the length of imprisonment for a rape case can vary depending on the jurisdiction or the strength of the evidence and the severity of the crime.
Sa kaso ni Kuya Darren Jay ScheZinger, walang ebidensiya na may ni-rape siya. Pero nagsalita ang biktima na ni rape nga siya nito, pero hindi sapat iyon para masabi niya nga na ni-rape siya. Una, walang CCTV para mag-patunay. Pangalawa, wala siyang witness at pangatlo hindi sapat ang sinasabi niya. Kaya, makukulong lang siguro siya ng Ilang taon, at hindi lumalagpas sa sampung taon.
Nagsimula ang Class E sa 32 Student's, nabawasan sila ng Isa dahil namatay SIYA, si Ate Mary Faith Del Monte.
Nakaramdam nanaman ako ng lungkot.
Sunod namang nawala si Kuya Darelle Jayson ScheZinger dati kasi na comma ito.
Kaya ngayon, 30 na lang ULIT sila 15 girls and 15 boys. Pero dumating man kami, Ako at si Ate A, kaya naging 32 ulit sila.
Kaso, last year, kagaya ng nangyari noon, ay NABAWASAN nanaman kami. Dalawa ULIT ang nabawas sa section namin.
Si Kuya Darren Jay ScheZinger ay nakakulong ngayon. Hawak siya ng pulis'ya. At may Isa pa, si Kuya Diego Samuel Lakson Del Monte ay nag decide na umalis na sa University. Tapos na ang pakay niya, ang mahanap at malaman ang pumatay sa kapatid niya, iyun lang ang rason kung bakit nandito siya sa ScheZinger High University. Kaya ngayong nakuha niya na ang hinahanap niya, wala na daw siyang rason pa para manatili pa.
Kaya, hinayaan na lang namin. Nirespeto namin ang desis'yon niya, kung 'yun ang gusto niya.
Balik ulit kami sa 30 Students. Sa 30 Students, wala na sina Ate Krissy Mae Puertovilla and Kuya Darelle Jayson ScheZinger. Si Krissy ay nalaman ko kay Ate A na nasa Mental Hospital habang si Kuya Darelle naman ay hindi ko talaga alam kung nasaan na.
NAKALIMUTAN kong banggitin na nung Month of November, nag plan ang buong Class E na mag outing, kaso hindi kami sumama. Si Ate A kasi ayaw sumama kaya hindi na'rin ako sumama. HUHUHUH.
PAGDATING ng FEBRUARY, Isang magandang announcement ang uma-lingaw-ngaw sa buong university. Gamit ang nagsisilakihang speakers na nakapalibot at naka dikit sa dingding sa buong campus, ay tumunog ito ay doon sinabi ang announcement.
"Good Morning Students and Faculty, I am thrilled to announce that our highly anticipated Senior High Prom is just around the corner! This memorable evening is set to take place on February 14, at Garden Orchids Hotel from 7:00 at the evening to 12 Midnight."
Sabay kaming napahinto nina Ate Sheena, Charline and Jasmine sa paglalakad nang marinig ito sa Isang malaking speaker sa gilid na nakalagay sa itaas dito sa hallway papunta sa building namin.
"It promises to be a night of elegance, joy, and celebration, as we come together to honor the accomplishments of our senior classes. The Prom is more than simply a dance; it is an occasion to make long-lasting memories, strengthen friendships, and honor our students' achievements."
Napasimangot ako nang maalala na wala pala si Ate A ngayon. Lumabas siya ng University, umuwi, hindi ko din alam kung bakit. Kaya wala siya ngayon, hindi niya narinig ang magandang announcement HUHUHU.
"This year's theme, 'A Night of Timeless Elegance' invites everyone to step into a world of beauty, sophistication, and the timeless appeal of classic formal wear, making it a perfect choice for our Seniors Prom where everyone is dressed in their finest evening attire."
Napansin ko na marami din ang mga studyante na napapahinto at napakinig ng wala sa oras sa announcement.
"Sabihin na lang siguro na'tin kay May pagbalik niya."
Tumango lang kami kay Ate Sheena bilang pagtugon.
"I look forward to seeing you all dressed in your finest attire, ready to dance the night away and create cherished memories. Let's make this year's Senior Prom a night to remember!"
Nang matapos ay nag-sipag balikan na ang iba sa kani-kanilang mga classroom. Ganun din naman kami. Pagkapasok pa lang namin sa classroom namin ay tilian kaagad sina Ate Eurika ang narinig sa buong classroom. Excited sila sa malalapit na prom.
Excited din naman ako, akala nila sila lang, ako din noh. HEHEHEH.
Pagdating ng hapon, bumalik na si Ate A kaya sinabi na sa kan'ya ng buong Class E kung ano ang magaganap sa February. Si Ate A naman ay Isang tango lang ang sinagot. Ewan ko lang kung nakikinig ba siya or labas nanaman sa kabilang tainga.
'Yun lang.
FEBRUARY 14. Nagising ako sa tatlong katok sa pintuan ng k'warto ko dito sa HQ at sa biglaang pagpasok ni Ate Willow.
"Our little Aphrodite, wake up."
Mabilis kaagad akong napabangon nang maalala ang araw ngayon. "Ate Willow! Anong oras na po?"
Napatawa siya ng mahina. "Three o'clock in the afternoon."
"Haluhh ka!"
Dali-dali kaagad akong tumayo at tumakbo papunta sa CR. Naligo ako ng maayos. Kailangan malinis dahil minsan lang ang ganito event sa buhay ko.
Ang sabi ko kanina, higa muna ako, kasi parang inaantok ako. Inaantok ako kakahintay sa oras na mag hapon na. Hindi ko siguro namalayan na nakatulog pala ako. Akala ko ba higa lang, ba't paggising ko hapon na? HUHUHU.
MATAPOS kong maligo, pagkalabas ko ng CR at bumungad kaagad sa'kin ang Isang kulay Blue na mahabang dress na nakalagay sa mannequin.
"A Royal Blue Floral Dress... Perfect for you, Aphrodite." may ngiti sa labing wika ni Ate Willow.
Napanganga ako sa sobrang ganda ng damit.
"This gown is crafted from a luxurious fabric like silk, chiffon, or satin, which drapes beautifully and offers a soft sheen under the lights." paliwanag niya. "The combination of the deep blue color and the floral motif creates a harmonious blend of elegance and nature, making it an exquisite choice for any formal occasion."
Pinasadahan ko ito mula itaas hanggang paibaba.
The bodice of the gown is fitted. It features a sweetheart an off-the-shoulder neckline. The floral pattern, composed of delicate blossoms in varying shades of blue and hints of white, is embroidered across the bodice.
The dress is cinched at the waist, with a satin belt waistline. The floral pattern becomes more sparse as it moves down the skirt.
"Wear it."
"Eh?"
Mabilis ang naging galaw ni Ate Willow, namalayan ko na lang na hinila niya na ako at pinasuot ang damit. Nang maisuot niya na ay kaagad niya namang inayos ang likuran parte.
"The back of this gown have a V-neck design, adding an element of allure. But, I know na hindi ka sanay."
Tumango naman ako bilang pagtugon dahil ramdam na ramdam ko pa nga lang ang kamay ni Ate Willow na dumampi sa likuran ko ay tumaas na kaagad ang balahibo ko. HUHUHU.
"Today is a special event, Aphrodite. Pilitin mo na lang suotin, kahit ngayon lang. Okay?" kalmado niyang wika at Iniharap ako sa kan'ya.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Beautiful, you are truly beautiful."
NAPANGITI na lang ako sa sinabi ni Ate Willow. Mas'yadong sincere. Kaya magaan sa pakiramdam. Kahit na dati pa naman niya akong sinasabihan ng maganda, s'yempre may parte pa'rin sa'kin na medyo alanganin. Napapatanong kung maganda nga ba talaga ko? Parang hindi naman ihhh.
"Thank you po Ate Willow."
"Next, your hair." Pina-upo niya ako at inayos ang buhok ko.
Her hands move deftly, fingers skillfully weaving and twisting my hair. With a gentle touch, she begins to braids my hair. She starts at the crown, gathering sections of hair and weaving them together with a steady rhythm.
The braids are small and intricate, intertwining smoothly and adding a delicate texture. As the braid takes shape, Ate Willow adorns it with delicate hairpins, each decorated with tiny gems and intricate designs that catch the light and add a touch of divine sparkle. The pins are placed strategically, enhancing the braid’s elegance without overpowering its subtlety.
Maganda ang ngiti ko nang titigan ang reflection ko sa salamin. I watches with admiration as my hair is transformed into a series of elegant, woven strands, secured with the shimmering pins. The braided style frames my face beautifully, accentuating my delicate features.
Nang matapos na si Ate Willow, she steps back to admire her handiwork, I saw a soft smile of satisfaction on her lips. I finally then reaches up to touch the braids, feeling the smooth texture and the gentle weight of the decorated pins.
"Salamat po talaga Ate Willow." mangiya-ngiyak kong wika.
"Hindi mo na siguro kailangan ng make-up, because your natural beauty shines perfectly on its own." wika niya. "It's almost four o'clock. Let's go!"
Sumunod ako kay Ate Willow palabas ng HQ. Napatingin pa ako sa gawi ng nakasaradong pintuan sa k'warto ni Ate A, nagbabakasakali na lalabas din siya. Kaso, wala man. Sarado pa'rin.
Haluhh, alam kaya ni Ate A? Or baka nakalimutan nanaman niya?
"Don't worry, Hestia is there." wika ni Ate Willow nang makalabas na kami.
Nagulat ako nang Isang mahaba at puting limousine ang pumarada sa harapan ko.
"Si Ate H po ba ang nag-ayos kay Ate A?" tanong ko.
"Yes." sagot niya.
TO BE CONTINUED .....