CHAPTER ELEVEN:
•••
•••
"X! Tigilan mo na nga 'yan?! Sino ba kasing nag-utos sa'yo' na tumulong ka diyan!?" pasigaw na tanong ni Ate Li.
"Heyyy! X! Can you stop that? Who the h*ll—"
"Li, Milly. I'm fine." wika ni Kuya X habang lumalapit sa gawi nila.
Haluhhh! Si Kuya X! Tumutulong sa pagputol ng mga puno! Oo nga naman, anong ginagawa n'ya d'yan?! Sino ang nag-utos sa kan'ya na tumulong diyan?
Wala namang masamang tumulong, pero kasi, nakakapanibago, bakit siya tumutulong diyan? Eh studyante naman siya, hindi mangangahoy?
Dahan-dahan akong umatras. Sinisiguro na hinding-hindi nila ako makikita or mararamdaman man lang ang presensiya ko. Ngunit nahagip ng mga mata ko ang pag-alis ng Isa sa kanila, si Kuya Cipher. Kaya sinundan ko siya ng tingin. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nasa maling daan siya dumaan.
Ang akala ko ay babalik siya sa classroom nila, pero ibang daan ang tinatahak niya. Imbes na ang daanan niya ay sa kabila na kung saan may corridor papunta sa building nila, pero ang kan'yang dinaanan ay papunta sa abandonadong building. Pumasok siya sa pintuan at sa tingin ko ay Inakyat ang haba nito.
Anong gagawin niya diyan?
Tumingala ako para tingnan ang nasa dulo ng building, sa rooftop. Nagbabakasakali na makita ko ang dalawa kong Ate. Eh kasi naman, ang building na pinasukan ni Kuya Cipher ay ang building na kung saan pumwesto sina Ate Willow at Ate D noong unang araw ni Ate A Dito sa ScheZinger High University. Habang kami naman ni Ate Queen ay nasa Classroom ng Class E. Nasa bintana sa likuran, nagtatago.
Nakakapagtataka ang pagpunta ni Kuya Cipher sa abandonadong building... Pero baka naman may gagawin lang—Pero ano naman ang gagawin niya? Baka m*gp*k*m*t*y?
Natigilan ako sa pumasok sa isip ko. Haluhh ka!
Biglang gumalaw ang mga paa ko. Kusa itong gumalaw hanggang sa namalayan ko na lang na umaakyat na'rin ako sa hagdanan papunta sa itaas ng building. Sinundan ko na ngayon si Kuya Cipher ng palihim. Baka kasi tama pala ang hinala ko, na magp*k*m*t*y siya. Edi p*kt*y talaga! HUHUHU.
Naabutan ko na kakapasok pa lang ni Kuya Cipher sa rooftop. Hindi niya naisara ng maayos ang pintuan sa rooftop, kaya medyo nakabukas ito ng konti. Kagaya ng ginawa ko doon sa building ng principal, na kung saan nag-uusap sina Ate A at Teacher Morena, ginawa ko 'rin ito ngayon—nasa labas ng pintuan, nakikinig.
Certified Chismossa ang person today.
"Who are you?" ang bumungad kaagad. "I'm asking you Miss."
Nagtaka tuloy ako kung sino ang kinakausap niya. Baka sarili niya? Dahil nagtataka na ako, wala na akong nagawa kundi ang sumilip sa medyo nakabukas na pintuan para matingnan kung para kanino ang tanong ni Kuya Cipher.
At nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang kausap n'ya. Dali-dali naman kaagad akong umalis sa pagkakasilip at mas pinili na lang na sumandal sa pader at makinig. Keysa ang sumilip, baka makita nila ako. HUHUHUH.
Kahit na nakatalikod siya, ay nakilala ko pa'rin siya. Familiar na familiar ang babaeng likuran niya. HUHUHU.
"Ikaw ba ang nag-utos kay X na gawin 'yun?" tanong ulit ni Kuya Cipher.
Pangalawang tanong niya na'yan, hindi pa'rin nasasagot ang unang tanong niya. Sa bagay, Isang Wisdom Willow nga naman pala ang kausap niya.
"Tinatanong kita Miss. Ayoko ng paabutin pa ng tatlo." dugtong niya.
Ramdam ko ang seryoso sa boses ni Kuya Cipher. Pero kalmado. Hindi siya mataas, hindi 'rin mababa at mahina. Normal na voice niya lang. Sakto.
"Yes." simpleng sagot ni Ate Willow.
Sa wakas. Nagsalita at sinagot 'din ni Ate Willow ang tanong niya. Pero ehhh??? Si Ate Willow ang nag-utos kay Kuya X na gawin 'yun? Na magputol ng mga Puno? Na maging mangangahoy? At bakit naman 'yun ginawa ni Ate Willow? Anong nakain niya at inutusan si Kuya X? Close ba sila? Ito din naman si Kuya X, sinunod kaagad si Ate Willow.
"Why?"
"Because that's what he wants."
"What? What does he wants?"
"He wants to know May Moon's real name. However, in exchange, he will help cut those trees." direktang sagot ni Ate Willow.
"May Moon? From Class E?"
"Yes."
"At bakit gusto niyang makuha ang real name ni May Moon? Hindi pa ba niya real name 'yan?"
"Ask him. Wala akong balak sagutin 'yan."
"Pwede ka bang humarap? Gusto kong makita ang mukha mo."
"Why?" tanong ni Ate Willow na sa tingin ko ay nakatalikod pa'rin. Hindi niya pa'rin siguro nililingon si Kuya Cipher.
"I dont know. I just want to see your face... Hindi ko alam kung bakit ikaw talaga ang hiningan ni X tungkol sa totoong pangalan ni May Moon... I guess you know May from Class E."
"Why do you think so?"
"Hindi siya magtatanong sa'yo' kung wala kang alam."
"I see... But I have a question."
"What?"
"I know there's another reason why you want to see my face... I want to hear it."
KATAHIMIKAN ang namayani sa kanilang dalawa. Bakit natagalan si Kuya Cipher na sagutin ang tanong ni Ate Willow? Ano nanaman kaya 'yang another reason na tinutukoy niya na gusto niyang marinig?
Napaamang ang labi ko nang ma-realized ang inaasta ni Ate Willow. Haluh ka! Ngayon ko lang na-realized na lalaki pala ang kausap ni Ate Willow. First time ko siyang makita na may kina-usap siyang lalaki na hindi niya kadugo.
BINILANG ko pa kung Ilang segundo at minuto ang katahimikan sa kanila. Naging instant clock ako ng dahil sa kanila. HUHUHU.
"I think, I've seen you before." boses ni Kuya Cipher.
Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin na tumama sa pintuan kaya dahan-dahan itong naitulak. Hinawakan ko ang hawakan para hindi tuluyang sumara.
"Before... 10 years ago."
Nagtataka akong napatitig sa pintuan. Kunwari ay nakikita ko silang dalawa, sina Ate Willow at Kuyang Cipher. Ang nakatalikod na si Ate Willow at ang nakatingin sa kan'ya na si Kuya Cipher.
10 years ago...
Ate Willow is already 19 years old. Kung nakita na siya ni Kuya Cipher 10 years ago, ibigsabihin ang edad niya ay nasa 9? So Ate Willow was 9 years old that time?
"How are you sure you've seen me before?" tanong ni Ate Willow.
"Your hair... I've seen that hair before... I know someone who's hair was like that."
Ate Willow has a golden brown hair that cascades in soft, wavy locks down to her waist. The waves have a loose, carefree quality, as if they've been shaped by a gentle breeze or the touch of the sea.
Literal na rare ko lang makita ang ganiyang klaseng buhok dito sa Pilipinas. In-born kasi ang buhok ni Ate Willow, hindi katulad sa iba na pinagawa talaga sa salon.
Limang segundo ang namayaning katahimikan sa pagitan nila. Napapagod na akong magbilang. Pero dahil sa curiosity ko, go na lang. Atshaka gusto ko mang umalis sa lugar na'to, huwag muna. Gusto ko'rin kasing malaman kung talaga bang nakita na ni Kuya Cipher si Ate Willow noon.
"Wisdom Willow..."
Sa wakas ay nagsalita si Ate Willow.
'Wisdom Willow...'
Boses niya ang narinig ko. Siya ang bumasag sa katahimikan na namayani. At ang mas nakakagulat doon ay dahil ito ang unang pagkakataon na siya mismo ang nagbanggit sa fake name niya.
'Call me Willow...'
Kaya Ate Willow ang tawag ko sa kan'ya, imbes na Ate Wisdom, ay dahil ayaw niya na tawagin siya sa first name niya. Gusto niya Willow lang or 'Athena', sa real name.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit, hindi ko na'rin naitanong. Matagal na'rin 'yun nawala sa isip ko, hindi ko na pinag-tuunan ng pansin. Kahit na nagtataka din ako. Pero ngayon, baka malaman ko pala ng wala sa oras ang reason.
"Wisdom..." boses ni Kuya Cipher na ramdam ko ang pagkagulat sa boses nito.
"It's good to hear your voice saying my name again. It brings back so many memories... Caesar Decipher Morales."
Nalaglag ang panga ko.
dO____________Ob !!!!!!!
Whhhaaaaatttttt????!!!!!!
Kilala 'rin ni Ate Willow si Kuya Cipher?
Kilala n'ya si Kuya Cipher ???
Kilala ni Ate Willow ang Kuya ni Sheena ???
Magkakilala silang dalawa ???!!!
"Your hazel eyes are still like a complex code—each time I look, I discover something new."
NAG DESIS'YON na ako na iwanan silang dalawa. Confirmed na magkakilala sila.
Habang bumababa ako ng hagdanan, napapa-isip at napapatanong rin ako. Kung magkakilala sina Ate Willow at Kuya Cipher, ano kaya sila noon? It's been 10 years na, pero naalala pa'rin nila ang isat-isa... Baka friends sila dati? Childhood friends?
Grabe naman kung ganun, kasi imagine na'tin na friends nga sila dati, tapos after 10 years pa bago sila ULIT na nagkita. Mas'yado ng mahaba ang sampung taon.
Buti... Nakayanan nilang dalawa?
Pero sa tingin ko, ang mas mahalaga, ay nagkita na ulit sila.
Ano kaya ang reason kung bakit after 10 years pa bago sila nagkita? Nagkahiwalay kaya silang dalawa noon?
Ano kaya'ng nangyari...
Na curious nanaman ako.
TO BE CONTINUED .....