CHAPTER SEVEN

1313 Words
CHAPTER SEVEN: ••• ••• NAPA-ISIP ako kung anong dapat gawin. Tiningnan ko sila at ang mga dala nila. Napansin ko 'rin na may kanya-kanya silang dalang mga gamit, like paper bag. Tapos may mga balloons na nakapalibot sa buong classroom . Napunta ang tingin ko sa banner nila. Isang tarpaulin na ang background ay plain, pero may Ilang Moon crescent at heart-heart. "AHA!" Napatingin sa gawi ko ang lahat. "Su-surpresahin na lang na'tin si Ate A po!" NAG-AGREE naman ang lahat sa ideya ko. Tutal hindi pa naman huli ang lahat, may pinuntahan lang naman si Ate A kaya may change pa ang surprised nila dahil babalik pa naman siya. "Sino po may bondpaper sa inyo?" tanong ko. "Si Shen Shai!" sagot ng iba at itinuro ang babaeng mukhang manang ang itshura. Sa pagkakatanda ko, mukhang manang man ang itshura niya, pero wild 'to dati sa likuran. Grabe kung makagiling, lalo na kung maka-ung*l. Napailing ako. Naalala ko pa talaga 'yun? HUHUHU. "H-h-here D-dite..." Nanginginig ang kamay niyang iniabot sa'kin ang Isang pad na bondpaper. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat. Nagtataka 'rin kung bakit nanginginig siya. Pero hindi ko na lang 'yun pinansin pa. Nang hiram din ako ng plastic tape. Ginamit ko iyon para idikot ang bondpaper sa nakasulat sa tarpaulin. Tinakpan ko ang pangalan ko, which is ang 'Dite Hurt'. Pati na'rin ang mga heart-heart sa ibaba banda. Kaya ang naiwan na lang ay ang "Welcome Back May Moon!" At ang design nito na moon crescent. "Okie!" "Wow! Perfect Dite." "Here Dite." Nagtaka ako nang may inabot sa'kin ang Ilang mga kaklase kong paper bag at plastic bag. Tapos medyo mabigat ito kaya halatang may laman. "Sa'kin po?" Tumango sila. "Yes." "Bakit?" Nag-aalinlangan ko naman itong tinanggap. "Pasasalamat sa pagligtas sa'min." Nginitian ko naman sila at nagpasalamat din. Haluh grabe! Ang bait nila HUHUHU. May pa regalo pa sila sa'kin. Sana may kidnapping ulit para may regalo ulit kami—Charoottt lang pala. "Meron din naman kay May Moon." wika nila. Ti-next ko si Ate A. "Ate A, saan ka na po? Kasi kailangan mo na daw pong pumunta dito sa classroom." then send. Ilang Minuto lang ay naramdaman ko na ang presensiya ni Ate A sa labas ng classroom, at ang mga yabag ng boots niya. PAGKAPASOK niya sa pintuan ay pinaputukan kaagad siya ng confetti nina Ate Jasmine and Ate Charline. Nagulat siya sa mga nakikita niya. "WELCOME BACK MAY MOON!!!" sabay-sabay nilang sigaw. Nilapitan ko siya. "Welcome back sa atin Ate A!" Masaya kong wika sa kan'ya. BINATI si Ate A ng lahat. "May, tara!" Hinila ni Sheena si Ate A papunta sa gitna na kung saan may nakalagay na Isang upuan. At pina-upo siya doon. "May, para sa'yo'. Hindi ko kasi alam kung ano ang hilig mo, kaya sana, magustuhan mo ang laman niyan." nakangiting wika ni Sheena sabay iniabot ang regalo niya kay Ate A. Kagaya ng sa'kin, ay may mga regalo din sila para kay Ate A. Thanks giving gifts siguro para sa'min na niligtas sila sa kapahamakan. Nagtataka at naguguluhan man, tinanggap niya ito. "Salamat Sheena." Nalaglag ang panga ni Sheena sa narinig mula kay Ate A. Kahit ako ay medyo nagulat din. 'Haluh ka! Nagpasalamat si Ate A sa stranger!' Lumapit ako ng konti. Pumunta ako sa harapan, malapit sa black board. Tumabi ako kay Ate Sheena at pinanood sila. "Ehemmm! Hurry up Sheena!" "Aww, sorry." Sumunod naman na nagbigay ng regalo ay si Ate Ericka. Hindi pa'rin nagbabago ang expression sa mukha niya, maldita pa'rin talaga. Pero... Nakangiti naman ng totoo ang labi niya. Kaya masasabi ko na'rin na maldita man ang itshura niya, pero mabait naman pala siya sa kaloob-looban niya. "Hi May! I know that I'm a b*tch at first, but I want to apologized. I'm sorry kung naging maldita ako sa paningin mo. I was just annoyed when you came. Lahat kasi ng attention nila ay nasa iy—" "Hoyyy! Hindi totoo 'yan Ericka." "Oo nga. Na-curious lang talaga kami kay May nung una, dahil..." "Ano?" "Dahil... maganda siya!" "So I'm not pretty?" "Wala akong sinabing gan'yan." "Pareho pa'rin 'yun. Tsk!" "Hindi! Magkaiba 'yun." "No! It's the same!" "No! It's not!" "It's yes!" "It's not nga Ericka!" "It's yes Sophia!" "Ericka Yu Kein and Sophia Secont," Isang malamig na boses ang narinig namin. "Can you two please shut your mouth?" Tumayo ang balahibo ko nang mapansin na medyo malapit ako sa kan'ya. Dahan-dahan akong napatingin sa gawi niya, at sakto naman na tumingin din siya sa gawi ko kaya nagkasalubong ang mga tingin namin. P*ktay! Kaya agad ko namang iniwas ang paningin ko sa kan'ya. "Continue." ma-autoridad niyang wika. Nakita ko ang pag-irap ni Ate Ericka kay Kuya Darren Jay ScheZinger. "So ayun nga, natakot kasi ako na baka maulit ang nangyari noon. Kaya sa bloody athlete game, isinali kita sa Archery without your permission. I thought my plan would be successful, but it wasn't. I didn't expect you to be good at Archery. Napahiya lang tuloy ang sarili ko. Tch!" "Ano bang nangyari noon?" kunot-noong tanong ni Ate A sa kan'ya. "Ahmm... Ano kasi..." Ang tingin ni Ate Ericka ay palihim na napatingin sa gawi ni Kuya Darren Jay ScheZinger. Pinapahiwatig sa mga titig niya na humihingi siya ng permission. "Tell her. Everything. She deserves to know." Binalingan niya ulit ng tingin si Ate A. "You reminded me of Mary Faith, so I thought, if I'd put you in Archery, kapag napatay mo ang taong nakatayo sa archery board, we can kick you out of the university." "Bakit? Anong meron sa'kin at ayaw niyo akong manatili dito sa university?" "May, na trauma kami sa nangyari kay Mary Faith noon. Kapag napalapit ka sa amin, at may mangyaring masama sa'yo', mas lalong lumala ang sitwasiyon namin ngayon." May lungkot sa mata niyang paliwanag. "Kaya humihingi ako ng sorry. I'm so sorry, sorry for everything that I've done to y—" "Puro ka sorry! Tanggap na'yan ni May. Diba May?" Napasimangot ako nang sumabat ang mga lalaki kong kaklase. Hindi pa nga tapos magsalita si Ate Ericka tapos sumasabat na kaagad sila. Mga wala pa'rin silang respeto HUHUH. "Tigilan mo na ang kaka-sorry mo Ericka, hindi kami sana'y na nakikita kang gan'yan. Kaya bilisan mo diyan para kami nanaman. Doon ka na sa thank you." "Oo na! Tse! Nagmamadali? May date?" Inirapan niya sila. "So fastforward na May. Basta! Sorry sa lahat—" "Sinabing sa T—" "Oo na nga sabe eh! THANK YOU MAY! Oh ano? Masaya ka na Benmar? Bw*s*t ka! Panira ka ng moment! Nakalimutan ko tuloy yung sasabihin ko—" Akmang sasampalin niya si Benmar nang mabilis itong lumayo sa kan'ya. "Hoyy! Comeback here you idiot!" MAS lalo akong napasimangot sa inaasta nila. "May, sorry talaga sa mga nagawa namin." Habang nag-hahabulan sina Kuya Benmar at Ate Ericka sa labas ng classroom, ay dito naman sa loob ay sunod-sunod na sila na humingi ng mga 'Sorry'—Sorry daw sa lahat ng inaasta nila kay Ate A nung umpisa, sa kagagawan nila, sa kadumihan nila, sa lahat ng kasalanan na nagawa nila. Pero napa-isip ako, kung tutuusin, hindi dapat sila kay Ate A humihingi ng sorry ihh. Kasi dapat kay Ate Mary Faith Del Monte. Namatay siya—pinatay pala—tapos nang dahil sa kabaliwan ni Kuya Darren Jay ScheZinger ay binuo niya ang Bloody Athlete Game. Isinali niya pa ang dating mga Class A na naging Class D. Nandamay sila ng ibang tao, idinamay nila. Nang dahil lang sa pagkamatay ng Isang babae. Naging parte talaga ng Class E si Ate Mary. Namatay lang siya, kung ano-ano ng kabastusang ginawa ng mga classmates niya. Lalo na si Kuya Darren, na nalaman ko na patay na patay sa kan'ya. Grabe ma-inlove, sagad na sagad. Kaso, sa mali nga lang na paraan. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD