CHAPTER EIGHT:
•••
•••
HABANG nag-hahabulan sina Kuya Benmar at Ate Ericka sa labas ng classroom, ay dito naman sa loob ay sunod-sunod na sila na humingi ng mga 'Sorry'—Sorry daw sa lahat ng inaasta nila kay Ate A nung umpisa, sa kagagawan nila, sa kadumihan nila, sa lahat ng kasalanan na nagawa nila.
Pero napa-isip ako, kung tutuusin, hindi dapat sila kay Ate A humihingi ng sorry ihh. Kasi dapat kay Ate Mary Faith Del Monte. Namatay siya—pinatay pala—tapos nang dahil sa kabaliwan ni Kuya Darren Jay ScheZinger ay binuo niya ang Bloody Athlete Game. Isinali niya pa ang dating mga Class A na naging Class D. Nandamay sila ng ibang tao, idinamay nila. Nang dahil lang sa pagkamatay ng Isang babae.
Naging parte talaga ng Class E si Ate Mary. Namatay lang siya, kung ano-ano ng kabastusang ginawa ng mga classmates niya. Lalo na si Kuya Darren, na nalaman ko na patay na patay sa kan'ya. Grabe ma-inlove, sagad na sagad.
Kaso, sa mali nga lang na paraan.
Maliban sa mga Thank You Gift at Message nila kay Ate A. Nag-kuwento din sila tungkol sa past nila. Kung paano dumating sa buhay nila si Ate Mary, kung paano sila binago ni Ate Mary, kung pa'no naging mabait sa kanila si Ate Mary, kung pa'no naging parte sa kanilang Class E Family si Ate Mary. Lahat-lahat ng naging experience nila kay Ate Mary ay ikinuwento nila.
Nagkaroon din kami ng Confession. Inamin nila kung anong nagustuhan nila kay Ate Mary. May ilan din pala dito sa Class E na nagkagusto din kay Ate Mary, pero sa nasaksihan nila na nagkakagulo dahil sa dalawang magkapatid na ScheZinger, ay itinigil na nila ang nararamdaman nila. Mabuti nga at temporary lang daw ang feelings nila para sa kan'ya, dahil ayaw nilang madamay sa gulo ng magkapatid.
Ang haba naman ng buhok ni Ate Mary. Grabe! Andami pa lang nagkagusto sa kan'ya.
Pati baka si K—Kenster Mark DeLa Fuente may feelings pala sa kan'ya. Tinatago niya lang.
Nagsimula silang ma-adik sa S*x, dahil kay Kuya Darren. Hindi—Mali, dahil kusa silang pina-adik ni Kuya Darren. Pinalabas nila na nagbakasyon lang si Ate Mary dahil utos ng pamilya nila. Pero may nagpakalat na na-rape ito kaya ito nag-bakasyon, at 'yun ay si Krissy Mae Puertovilla. Hindi napigilan ni Kuya Darren ang kan'yang emotion sa panahon na iyon, nagpakalasing siya, isinama ang Ilan sa mga Class E, at nauwi sa hindi inaasahang pangyayari.
Isang taon ang lumipas, may bagong studyante ang dumating sa Class E, simpleng babae lamang ito, ngunit, wala siyang alam sa rules ng Class E, kaya nauwi sa hindi inaasahang pangyayari ang kan'yang buhay. Ginahasa siya ni Darren Jay ScheZinger at pinilit ang iba na gawin ito, dahil kung hindi, may mangyayaring masama sa kanila.
Tiningnan ni Ate A si Kuya Darren at tinanong, "Masaya ka ba sa ginawa mo noon?"
Tinitigan niya rin ito pa'balik. "I am not happy. I regret it now."
"Dapat lang. Dapat nga matagal ka ng kinasuhan ng Rape." seryoso niyang wika.
Sumeryoso nanaman si Ate A. HUHUHU.
"I know."
May kinuha si Ate A sa bulsa niya, Isang cellphone. Sinagot niya ito nang hindi tinitingnan kung sinong tumatawag. "Hmm?"
Sino kaya'ng tumawag?
"Okay." Iniharap ni Ate A sa'min ang speaker ng cellphone niya.
"Hello Class E!" Isang familiar na boses ang narinig ko sa kabilang linya.
"Is that..."
"Yung nasa speaker? Nung time na kinidnapped tayo? Siya 'yan diba?"
"I think so? Familiar kasi ang boses niya."
"And she called May, ibigsabihin magkakilala sila?"
"May number pa sila sa isat-isa."
"She helped us right? Siya yun eh. Sure na sure ako."
"Ehem ehem! Listen Class E, I want to inform this, that your Class President, Darren Jay ScheZinger has committed a crime."
Si Ate Willow!!!
KATAHIMIKAN ang namayani sa buong Classroom. Lumipas ang Ilang minuto ay walang nagsalita sa amin. Walang bumasag sa katahimikan. Lahat ay napasinghap sa gulat.
"You will be charged with the crime of rape."
Nagulat ako sa narinig. Hindi lang naman ako, dahil lahat kami. Tiningnan ko ang magiging reaction ni Kuya Darren, at wala akong makitang pagkagulat sa reaction niya. Nananatili lang itong kalmado.
Para bang alam niya na na mangyayari ang araw na ito?
Haluhh ka! Bakit wala lang sa kan'ya?
"A-a-ano? N-no! Hindi pwede!" basag ni Ate Ericka sa katahimikan.
"Ericka is right! Walang kasalanan si Darren!"
"By using force and threats, Darren Jay ScheZinger, forced a woman to engage in s****l activity. Republic Act 8353, also known as the Anti-Rape Law of 1997, is a Philippine law that defines and penalizes the crime of rape. The law imposes penalties ranging from reclusion perpetua or imprisonment for 20 to 40 years to death, depending on the circumstances of the crime."
Lahat ay nagulat sa narinig. Salubong na ang kilay ng iba habang ang iba naman ay parang walang naiintindihan. At ako naman ay nalaglag ang panga.
"Tu-tuwenty years?!"
"S-seryoso?!"
"And now she's not helping us..."
"Nagsisinungaling lang siya diba?"
"I don't think so,"
"Is she an attorney?" tanong ni Ate Ericka kay Ate A.
"Hindi siya Attorney." sagot ni Ate A. "Pero may kasama siyang Law Student ngayon."
Law Student...
Nalaglag ang panga niya. "W-what?! Seryoso ka ba May?!"
"Kailan pa ako hindi naging seryoso, Ericka Yu Kein?" seryosong tanong ni Ate A sa kan'ya.
"D*mn!"
May Law Student ba kami? Hindi ko alam na may law student kami. Eh sino 'yung nabanggit ni Ate A na may kasamang Law Student si Ate Willow? Ehh???
Wala akong alam...
"So, what will you do, Class president?" tanong ni Ate Willow sa kan'ya. "You want the police to come after you or will you surrender yourself to them? You choose."
"N-no Darren..."
"Hey you! Kung sino ka man nandiyan! Sumosobra ka na!"
"Ayusin mo buhay mo! Hindi ka na nakakatuwa!"
"Lumabas ka nga diyan! Bakit palagi ka na lang nagtatago diyan! Hah!"
"May! Palabasin mo nga 'to!"
"Pasensiya na, pero hindi ko siya kontrolado." kalmadong sagot ni Ate A.
"Sh*t!"
"Darren! Don't listen to her. You decide. Huwag kang maniwala sa babaeng 'to!"
"May! Akin na'yan!" Tinangka niyang agawin ang cellphone ni Ate A, pero inilayo niya naman kaagad ito sa kan'ya.
"Hayaan mong mag desis'yon si Darren Jay ScheZinger." wika ni Ate A sa kan'ya.
Kung kanina ay maganda ang atmosphere sa buong classroom, ngayon ay hindi na maipinta. Hindi na sila masaya ngayon. Lahat ay napa-isip sa narinig. Kahit ako ay napa-isip 'rin.
May nagawa ngang kasalanan si Kuya Darren, pero nagbago naman siguro siya ngayon diba? Pero kahit na, may nagawa pa'rin siyang kasalanan.
"She's right."
Uma-lingaw-ngaw ang boses ni Kuya Darren sa buong classroom. Sa wakas ay nagsalita na'rin siya.
"I will pay for my crime."
Natahimik ang lahat. KATAHIMIKAN nanaman ang namayani sa buong classroom.
Hindi ko napigilan na pagmasdan sila Isa-isa. Kanina, ang saya-saya lang namin. Tapos ngayon, napunta sa ganito. Naging malungkot ang atmosphere.
Si Ate A naman ihhh. Bakit niya pa sinagot ang tawag nang hindi man lang tiningnan kung sino ang tumawag. Iyan tuloy, nasira ang magandang moment namin.
"Darren Jay ScheZinger is guilty."
Mabilis pa kay flash akong napatingin sa LCD screen ni Ate A nang marinig ang hindi boses ni Ate Willow. Kundi boses ni Ate Queen ang narinig ko.
Magkasama ngayon sina Ate Willow at Ate Queen?!!!
"N-no..."
"D-darren..."
"T-this isn't r-real, right?"
NATAPOS ang usapan sa pag 'Agree' ni Kuya Darren na pagbayaran ang kan'yang kasalanan. Matapos 'yun ay nag kanya-kanya na ng alis ang ibang mga Class E. Si Ate A ay lumabas kaya sumunod ako.
Hanggang sa nag-uwian. Ang lahat ay hindi nagkikibuan. Lahat ay palihim na tinitingnan si Kuya Darren na balewala lang sa nangyayari.
Desis'yon niya naman. Kusa na siyang nag decide, kaya wala na silang magagawa pa.
TO BE CONTINUED .....