Nagising ako ng maaga kinabukasan at ang una kong ginawa ay nagbihis ng aking workout clothes at lumabas para tumakbo. Naka-ilang ulit ako ng ikot sa buong subdivision at nang makabalik ako sa bahay, fully sunrise na. Hindi pa naman nagigising ang aking bisita na natutulog sa guest room. Si sylvius na sinabihan ko na dito muna siya mag-stay dahil ayoko naman na mag-isa lang siya sa kanilang bahay. Baka kasi may magawa ito sa kanyang sarili lalo na at nasa masamang kalagayan ngayon ang kanyang asawa.
Ang kaisa-isa kong anak na si Ameryl ay naaksidente nong isang araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Malala ang naging lagay niya kaya ngayon ay nasa ICU siya at ilang araw na rin kaming naroon ni Sylvius para magbantay. Kung hindi pa niya ako tinawagan baka hindi ko malalaman ang kalagayan ng anak ko. It;s a good thing that he has my landline number.
Hinayaan ko na lang siya na matulog pa dahil pareho din naman kaming pagod. Wala kaming tulog habang nasa ospital kami and I just woke up early dahil ‘yon na ang aking nakasanayan. Isa pang dahilan ay hindi nawawala sa isip ko ang asawa ng aking anak. Alam kong mali na makaramdam ako ng kakaiba sa kanya pero sa uwing magkakalapit kami o hahawakan niya ako, I am yearning for it. I should not feel this way lalo na at kakakilala pa lang namin.
Saktong tapos na akong magluto ng breakfast nang sumulpot si Sylvius sa kusina. He is still wearing my husbands clothes pero napansin ko na basa ang kanyang buhok. Ngumiti ako sa kanya at binati ko siya.
“I’m sorry for waking up late, Sia. I was just too tired.” sabi niya at binati niya rin ako. Lumapit siya sa mesa at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Did you cook all this? Hindi ka na sana nag-abala pa.”
“Lagi ko namang ginagawa ‘to. Niramihan ko na ng luto para makakain tayo ng mabuti. Are you still not hungry? You need to eat para na rin magkaroon ka ng lakas. Yo’ng work mo nga pala? Kailan ka babalik?”
“It’s my own company so I can go back to work whenever I want. Tsaka hindi ko naman ito pinababayaan. I have my trusted people around me, so it’s all good.”
“Wow… That’s kind of interesting. I guess my daughter was in good hands. I just wished na nakita ko kayo na kinasal na dalawa. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kasi natatanggal ang galit niya sa akin. Sana pag magising na siya, magkabati na kami.” tumingin siya sa akin at tinitigan niya lang ako. Nagsimulang mag-init ang aking pakiramdam lalo na at nakatitig sa akin ang grayish niyang mga mata. “M-may dumi ba ako sa mukha?” tanong ko.
“Sorry… You look beautiful, Sia at mukhang bata rin. Parang magka-edad lang kayo ng asawa ko.” bahagya naman akong ngumiti dahil parang compliment na ang sinabi niya.
“Well, masyadong napaaga ang pagkakaroon namin ng anak. We were both still in college then, I was 19 and he was 21, I’m just glad at tinanggap pa rin kami ng mga magulang namin. Thank you for telling me that I still look young kahit nasa 40s na ko.”
“Well, I’m older than your daughter. I’m turning 30 this year, and I was really expecting for us to have our own family. Gusto ko na magkaroon kami ng anak at sinabi niya sa akin na hindi pa raw siya handa para roon.”
“Yan ba ang pinag-awayan ninyo?” tumango siya. “Matagal ko ng hindi nakakausap si Ameryl at hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ayaw niya pang magkaanak. Having a baby is a great gift. Masayang-masaya nga ako at nabuo pa siya. We planned for a big family nang makasal na kami ng asawa ko, pero hindi na kami nakabuo pa. Nakunan pa ako ng dalawang beses and that was it for us dahil hindi namin kakayanin pa pag may nawala pang isa.
“Kayamanan namin si Ameryl and she was spoiled hanggang sa ng lumaki na siya, doon ko na sinabihan ang aking asawa na maging strict siya rito. Siguro ‘yon ang simula nang hindi namin pagkakaunawaan. Ayoko lang kasi na lagi siyang nakaasa sa amin.” malungkot kong sabi. Lumapit siya sa akin at bahagya akong nagulat nang lumapat ang kanyang kamay sa aking likod at tinaas baba niya ito.
“I understand, Sia… Nong magkarelasyon pa lang kami ni Ameryl she really is different from the other girls. Ewan ko ba, ayokong masamain mo ang sasabihin ko. Pero nang kinasal na kami, parang doon ko nakilala ang totoong asawa ko. She was spoiled and really hot tempered kung hindi nakukuha ang kanyang gusto. But, hindi ko naman ginusto ang nangyari sa kanya ngayon. Kung hindi kami nag-away, baka hindi na siya umalis pa at hindi nanagyari ang aksidente.” puno ng pagsisisi ang kanyang boses. Humarap naman ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mukha.
“Diba sabi ko huwag mo ng sisihin ang sarili mo? Normal sa mag-asawa ang hindi pagkakaintindihan. Ang mali niyo lang na dalawa ay hindi ninyo inayos kaagad ang pag-aaway ninyo. Sylvius, everything that happened was an accident. Kaya tama na ang pag-iisip mo na it’s your fault. I’m sure naman na inaalagaan mo ang anak ko ng husto. Nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa doon. Let’s keep our hopes up na magigising pa si Ameryl and by then, bumawi tayong dalawa sa kanya.”
“Thank you, Sia…” sambit niya at hinawakan niya rin ang aking pisngi. Nagkatitigan kami ulit and our faces were getting closer. Konti na lang ang pagitan ng aming mga labi nang natigilan kaming dalawa nang may nag-doorbell. Agad kaming humiwalay sa isa’t-isa.
“Uhm, sasagutin ko lang ‘yon. Mauna ka ng kumain.” tumango lang naman siya. Lumakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. My heart was beating so loud and fast pero hindi ko na lang ito pinansin. Lumakad ako patungo sa gate kung saan nakita ko ang aking supplier ng garden soil. Ngumiti ako sa kanya at pinapasok siya.
“Mukhang may bisita ka yata.” sabi nito sa akin habang nagbubuhat na siya ng mga sako ng lupa. He is quite a strong, young man and good looking too pero wala akong interes sa kanya katulad ng namumuo para sa asawa ng aking anak.
“Yeah, titira muna siya pansamantala sa akin.” sagot ko naman. Nag-usap pa kami attinanong ko siya ng ilang bagay tungkol sa mga halaman. May flower farm kasi sila sa may malapit lang at doon ako kumukuha ng supplies sa kanila. Inimbitahan ko ito na pumasok muna para kumain ng breakfast pero tumanggi ito at umalis na. Pagbalik ko sa bahay, nadatnan ko na nakapwesto sa bintana si Sylvius at umiinom ng kape.
“Sino ‘yon?” tanong niya sa akin na parang may halong inis ang kanyang boses.
“Hmmm? Supplier ko, nagdadala siya ng mga kailangan ko sa garden. May dineliver siyang garden soil sa akin na in-order ko noong nakaraang linggo. “May problema ba?”
“Wala, wala naman… Akala ko nanliligaw sa’yo.” napkurap naman ako tapos ay napatawa sa kanyang sinabi. Napakamot siya ng kanyang ulo at namula ang mukha nito.
“Ako? Liligawan? Matanda na ako para dyan, Sylvius. Besides, I don’t entertain men anymore. Wala na akong nakarelasyon na ibang lalake kundi ang asawa ko.”
“So, wala ka pang ibang nakakasama na ibang lalake simula ng mamatay siya?” tanong niya at tumango ako.
“I don’t know… walang lalake ang nakakapag-catch ng attention ko.” napataas ulit ang isa niyang kilay at lumapit na naman siya sa akin.
“Talaga? Kahit isa, wala?” tanong niya ulit. Hindi ako nakasagot dahil ibang-iba ang tingin niya sa akin na parang may kumurot sa aking kaibuturan. Ngumisi siya tapos ay hinawi niya ang aking buhok na tumatabing sa isang side ng aking mukha. “That’s good… kain na tayo.” pagkasabi nito, nauna siyang pumunta sa dining table at sumunod naman ako sa kanya kahit feeling ko ay gusto ko ng lamunin ng lupa sa kahihiyan.