Chapter 2

1450 Words
Nanatili ako sa ospital kasama ang asawa ng aking anak. Maging siya ay hindi mapakali at hindi rin kami makatulog dahil sa kalagayan nito. Umaasa pa naman ako na magkakabati na kami, pero hindi ko naman akalain na magkikita kami ulit ng ganito. My daughter is fighting for her life at hinihintay namin siyang magising. Nasa loob siya ng isang kwarto kung saan nakikita namin siya sa salamin na nasa wall. Malapit ng mag-24 hours pero hanggang ngayon wala pa kaming nakikita na sign na magigising siya. Napatingin ako sa asawa ng aking anak at unang tingin ko palang sa kanya ay hindi ko na maipagkakaila na napahanga ako sa gwapo ng kanyang mukha. He is a big man, his body is sculpted perfectly at feel na feel ko ang matitigas niyang muscle nang magkabanggaan kami at hinawakan niya ako. I can sense that he is a good guy at ni minsan hindi siya umalis sa tabi ng anak ko. Well, minsan kukuhanan niya ako ng pagkain, o maiinom. Pero wala akong ganang kumain lalo na at nakikita ko na nasa bingit ng kamatayan ang aking anak. The only family that I have left. I have been praying all night na sana ay magising na siya. Masyado pang maaga para sa kanya at ayoko na mawalan ulit ng isang tao na mahalaga sa akin. Kahit na ba hindi maganda ang relasyon namin, anak ko pa rin naman siya. Natigilan ako nang makitang may papalapit na doctor sa pwesto namin. Hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha at alam ko na hindi maganda ang kanyang sasabihin. Tumayo ako sa bench at sabay kami ni Sylvius na lumapit rito. “We have been monitoring her progress at mukhang wala kaming nakikitang development sa iyong anak Mrs. Linezz. We have done everything that we can at ang magagawa na lang natin ngayon ay maghintay pa na magising siya.” sabi nito. Natutop ko ang aking bibig at hinbdi ko mapigilan na mapaluha. “Pero may chance pa rin siyang magising, hindi ba?” tanong ko. “There is a slight chance, and all we have to do is wait. My advice, umuwi muna kayo para makapagpahinga. Kami na ang bahala sa anak niyo at asawa mo. You need the rest and you can visit her anytime. Kung may maging problema man o magising siya, we will inform you immediately.” pagkasabi nito, iniwan na niya kami. “Sylvius…” tawag ko sa kanya dahil nanatili lang siyang nakayuko. “It’s going to be okay, alam ko na magiging si Ameryl. Ilang taon na nga niya akong natiis, pero sigurado ako na hindi niya matitiis na bumalik sa’yo.” “This is… uhm… just to much to take… May hindi kasi kami pagkakaintindihan kaya nag-away kami and we haven’t talk to each other after a few days. Kasalanan ko ‘to, eh.” inis niyang sabi at napakuyom ang kanyang kamay. Nilapat ko naman ang aking kamay sa kanyang likod at natigilan siya. Tumingin siya sa akin. “Wala kang kasalanan, Sylvius, aksidente ang nangyari. Patuloy tayong magdasal para sa kaligtasan ni Ameryl. Pero tama rin ang sinabi ng doctor na kailangan natin ng pahinga. Kailangan natin na alagaan din ang sarili natin. Ang mabuti pa umuwi na muna tayo.” “I don’t think kakayanin ko na umuwi sa bahay ngayon…” mahina niyang sabi at bumuntong hininga naman ako. “Hindi pwede na mag-isa ka, mag-stay ka muna sa place ko. Hindi ko rin naman hahayaan na pati ang asawa ng anak ko ay mapahamak. Well, kung okay lang naman sa’yo. Besides, mas malapit ang bahay ko sa ospital kaysa sa tinitirahan ninyo. Huwag ka ng mahiya at pamilya lahat tayo.” bahagya siyang ngumiti sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at naghatid ito ng kakaibang pakiramdam sa aking kaibuturan. “Salamat, Sia at nandito ka. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Mabuti na lang at nandito ka.” tinapik ko ang kanyang likod tapos ay humiwalay ako sa kanya. “As I said pamilya na tayo. Salamat rin at tinawagan mo ako. Matagal na rin kasi kaming walang communication ng aking anak.” tumingin ulit ako kay Ameryl na maraming nakakabit sa kanyang katawan. Malala ang tinamo niya sa aksidente dahil malakas ang pagkakatama ng kanyang sasakyan. “We should go, masyado na tayong pagod na dalawa.” tumango lang naman ito. With one last look on my daughter, lumakad na kami paalis. May dala siyang sarili niyang sasakyan kaya naman pinasunod ko na lang siya sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit ko siya inimbitahan na mag-stay muna sa bahay ko kung ganitong may iba akong nararamdaman para sa kanya. I’m just worried about him at baka maygawin siya sa kanyang sarili lalko na at sinisisi niya ang sarili sa pagkapahamak ng aking anak. Tinignan ko ang rearview mirror at nakita ko na nakasunod ang malaki niyang sasakyan. Ilang minuto ang nakalipas at dumating na rin kami sa subdivision. Kusang bumukas ang gate at pumasok ako. Nag-park na rin siya sa tabi ng aking kotse. Sabay kaming bumaba at pinatuloy ko siya sa aking bahay. “Wow… Your house looks so nice…” sabi niya nang makapasok siya. Napangiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. Napansin ko na may dala siyang carry on bag at napatingin din siya roon. “I was going on a business trip, pero dahil sa nangyari, hindi na ako natuloy.” paliwanag niya. “Kung gano’n may extra clothes ka na pala. Although may mg tinatago pa rin akong mga lumang dami ng aking asawa. Hindi ko alam pero masarap kasing pantulog ang mga tshirts niya. Pahihiramin na lang kita pag kailangan mo. Halika sa taas para makapagpahinga ka na. Or pwedeng kumain na muna tayo.” “It’s okay… Wala pa rin akong ganang kumain.” sagot niya. “Fine… pero bukas dapat kumain ka, ha? Pareho rin naman tayong walang kinain habang nasa ospital tayo.” tumango lang naman siya. Pumanhik kami sa taas at hinatid ko siya sa isang guest room. Binuksan ko ang pinto at binuksan ko ang ilaw. Twice a week kong nililinisan ang mga kwarto sa bahay in case lang na may bisita akong daraing at mag-stay rito. Pinakita ko sa kanya ang maliit na bathroom na may mga towels na at mga extrang essentials na naroon. “You can put your things in the cabinet. Gusto mo bang pumunta sa bahay ninyo at kumuha ng ilang gamit mo? Pwede naman kitang samahan.” “I think that’s a good idea. Thank you again, Sia at tinanggap mo ko kahit saglit pa lang tayo na magkakilala.” “Sabihan mo lang ako pag may kailangan ka pa. Sa kabila lang ang kwarto ko. Good night Sylvius.” pagkasabi nito, lumabas na ako ng kwarto at pumasok naman ako sa akin. Napahinga ako ng malalim nang maisara ko na ang pinto at sumandig ako roon. Napahawak ako sa aking dibdib na sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nilagay ko ang dala kong bag sa mini sofa na naroon tapos ay tinanggal ko ang aking shoes. Pumasok ako sa banyo at agad akong nag-take ng cold shower dahil ang init ng pakiramdam ko. Habang pinapatuyo ko ang aking buhok nang matapos ako, nakarinig ako ng katok sa aking pinto. Dali-dali akong nagsuot ng shirt at cotton shirts tapos ay binuksan ko ito. Nakita ko si Sylvius na nakangiti pero nawala ito nang makita niya ang suot ko. Humagod ang kanyang mga mata sa aking katawan at hindi ko na lang ito pinansin. Tumikhim siya at tumingin ulit siya sa akin. “Sorry, pwede bang makahiram ng damit? Wala kasi akong dala na damit pantulog.” sabi niya at umiwas rin siya ng tingin. “Sure, sandali lang.” mabilis akong pumasok sa walk in closet at hinalungkat ang mga damit ng aking asawa. Naglabas ako ng sweats, sando at tshirt na komportableng suotin tapos ay bumalik ako sa kanya at binigay ang mga ito. “Siguro naman kakasya yan sa’yo.” “Yeah, salamat ulit… good night, Sia.” ngumiti lang naman ako sa kanya at bumalik na ito sa guest room. Nagpalakad-lakad naman ako habang nasa loob na ako ng aking kwarto para kalmahin ang sarili ko. Magtigil ka, Ambrosia! Hindi dapat ako magkagusto sa asawa ng anak ko! Epekto lang siguro ito ng matagal na panahon na walang lalake akong nakakausap at nakakasama. I slap both of my cheeks at bumalik ako sa pagpapatuyo ng aking buhok. Nang makahiga ako sa malaking kama, doon ko na naramdaman ang pagod at antok. Kaya naman mabilis lang akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD