bc

Mommy In Laws

book_age18+
13.4K
FOLLOW
144.8K
READ
dark
family
HE
affair
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

Limang mga babaeng pare-parehong nawalan ng asawa ang nakatira ngayon sa isang subdivision. Magkakalapit pa sila ng mga bahay at tinatawag angkanilang space na widow's web. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, tumira sa kanila ang kanilang son-in-laws. Doon ay nagising ang natutulog na pagnanasa at damdamin na makakasira sa relasyon nila sa kanilang mga anak.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Ambrosia's Charm
Masaya kong dinidiligan ang aking magagandang halaman sa garden nang umagang ‘yon. Maaga akong nagisibng kanina which is not normal. Pero may nasama kasi akong napaginipan na bigla na lang akong ginsing kanina. Malakas ang kabog ng aking dibdib at pawis na pawis rin ako. Gusto kong tawagan ang aking anak para malaman kung okay lang siya. Pero hindi gaanong maganda ang relasyon namin simula nang mamatay ang kanyang ama, at ako ang kanyang sinisisi. Ilang beses ko na siyang sinusubukan na tawagan pero laging hindi niya ito sinasagot. Malungkot man at mag-isa na lang ako sa bahay, I still want to live a happy with the rest of my life. Simula nang mamatay ang aking asawa, wala ng lalake pa ang pumasok sa buhay ko. I have been celibate for a very long time. Wala rin talagang lalake ang nakakapagpabuhay sa malandi na katawang lupa ko. Sana pag sobrang tanda ko na talaga, mapatawad na ako ng aking anak. Siya na lang ang natitira sa buhay ko at hindi rin ako naka-attend sa kanyang kasal dahil hindi naman ako imbitado. Ang alam ko mag-iisang taon na siyang kasal. Kumusta na kaya siya? Buntis na kaya siya? I will be very happy pag nagkagano’n. Napalingon ako nang may bumati sa akin at nakita ko ang isa kong kapitbahay. Kumaway ako sa kanya at binati rin ito. She is also a widow like me at nag-iisa na rin siyang nakatira sa kanyang bahay. Actually, magkakapitbahay lang kami na namatayan ng asawa at tinatawag ng neighbors namin ang aming area na widows web. Whatever! Wala silang alam kung anong pinbagdaanan namin nang mamatay ang aming mga asawa. Kaya nga kami-kami na nga lang ang naging magkakaibigan. Nang matapos ko ang aking mga gawain sa aking garden na inaalagaan ko ng husto, pumasok na ako sa loob. I pour myself a cup of black coffee, at gumawa ako ng toast na pinahiran ko ng butter at garlic. I was reading a book on my k****e paperwhite nang mag-ring ang aking house telephone na pinagtaka ko. I still have one of those pero malimit na may tumatawag sa akin doon dahil karamihan ay ginagamit na ang cellphone. Tumayo ako at agad ko itong sinagot. “Hello?” sabi ko at nakarinig ako ng malakas na humihinga sa kabilang linya. “Hello, ito po ba si Ambrosia Linezz?” sabi ng lalake at natigilan naman ako. “Yes, this is she.” sagot ko naman at bigla akong kinabahan. “Mrs. Linezz, ako po ang asawa ng anak niyo, si Ameryl. Uhm, nandito po kami sa ospital at naisip ko na kailangan niyong malaman na… na maaring nasa panganib ang buhay niya. I just got here at sinabi ng doctor na maliit lang ang chances niya para mabuhay.” natutop ko naman ang aking bibig at hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng lalake. “Hi-hindi ko maintindihan… Si Ameryl…” sambit ko. Narinig ko na ang kanyang pag-iyak at tumulo na rin ang luha ko. Sinabi niya sa akin kung nasaan sila at agad naman akong kumilos. Hiningi ko rin ang kanyang cellphone number para matawagan ko siya pag nasa ospital na ako. Agad akong nagbihis tapos ay chineck ko ang lahat ng saksakan, ni-lock ko ang mga binatana at pinto at lumabas na ako. Sumakay ako sa aking lumang kotse at nag-drive na ako paalis. Habang nasa daan ako, nagdarasal ako na sana maligtas ang aking anak. Siya na lang ang natitira sa akin, hindi ko kakayanin kung mawala pa siya! Nang maka-park ako sa parking lot ng ospital agad kong tinawagan ang asawa ng aking anak. Bumaba ako sa aking kotse at mabilis akong naglakad papasok. Habang naglalakad ako may nakabanggaan akong isang malaking lalake at muntik na akong matumba. Mabuti na lang nahawakan niya ako kaagad at napayakap naman ako sa kanya para hindi ako bumagsak sa sahig. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagkatitigan at may naramdaman ko sa kanyang hawak at pagtitig sa akin. Pero para akong nagising at agad na humiwalay sa kanya. Lalakad sana ako ulit nang pinigilan niya ako. “Wait, are you Mrs. Ambrosia Linezz?” tanong ng lalake at natigilan ulit ako. “Yes, yes, ako nga! Teka, ikaw ba ang asawa ni Ameryl?” tanong ko rin at tumango siya. “Mrs. Linezz, I am so glad to get hold of you. Mabuti na lang at gumagana pa rin ang telephone number mo. Dadalhin kita kay Ameryl. Ako nga pala si Sylvius, pasensya na kung ganito pa tayo magkakakilala.” sabi niya. Kitang-kita ko ang pagod at lungkot sa kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya at nagulat siya nang bigla ko siyang niyakap. “Magiging okay din ang lahat, Sylvius.” sambit ko sa kanya at hinagiod ko pa ang kanyang likod. Humiwalay ako sa kanya at tumango siya sa akin. “Nasaan ang anak ko? She’s okay, right?” “Nasa OR pa siya, Mrs. Linezz…” hinawakan niya ang aking likod at iginaya niya ako papuntang OR. Sumakay kami sa isang elevator at nag-stop ito sa second floor. Lumabas kami at naglakad hanggang nasa harap na kami ng swinging doors kung saan may sign na operating room sa taas. “Please, Sylvius, tawagin mo na lang akong Sia. masyadong formal ang Mrs. Linezz at feeling ko ang tanda ko na.” sabi ko sa kanya habang magkatabi kaming nakaupo sa isang bench. “Pasensya na at nabangga kita kanina, Sia. Nagmamadali kasi ako na sunduin ka pero nakapasok ka na pala.” “Wala ‘yon, nagmamadali lang rin ako. Hindi ko kamukha si Ameryl, ‘noh? Mas kamukha niya kasi ang kanyang ama. Alam mo siguro kung bakit wala kaming contact sa isa’t-isa at hindi mo ko nakilala.” tumango ulit siya. “Yes, sinabi niya sa akin ang fallout niyo. Pero lagi kong sinasabi sa kanya nawala kang kasalanan at ikaw ang kanyang ina. Dapat hindi ka niya sisihin dahil aksidente lamang ang nangyari. Besides, ikaw na lang ang natitira niyang pamilya kaya hindi ka niya dapat itaboy.” “Salamat, Sylvius, hayaan na lang natin si Ameryl. Hinihintay ko na lang na one day mapatawad niya ako. Walang araw na hindi ko siya inisip. Maswerte ang anak ko at ikaw ang lalakeng naging asawa niya. Ngayon lang tayo nagkakilala pero magaan na ang loob ko sa’yo.” “Ako rin, Sia…” ngumiti siya at agano’n rin ang ginawa ko. Medyo nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong kailangan niya ng support at comfort ngayong araw. Ilang oras pa kaming naghintay sa labas ng operating room. Nag-usap pa kami at pinakita niya ang pictures ng kasal nilang dalawa. Madali lang kaming nakapagpalagayan ng loob at pareho rin kaming nagdasala sa kaligtasan ng aking anak. Gabi na nang may lumabas na doctor kaya naman agad namin siyang sinalubong. Pinakilala ako ni Sylvius na ina ni Ameryl. “We did what we can, there’s a lot of bleeding and brain injury. She’s alive, but she’s in a comatose state. Hindi ko alam kung kailan siya magigising.” sabi ng doctor at nanlumo naman ako sa aking narinig. “We will take her in the ICU at maghihintay tayo ng 24 hours kung magigising siya. Pag hindi, then we have to wait more.” huminga ako ng malalim at sinabihan ko ang doctor to do the best they can para pagalingin ang anak ko. Walang problema sa pera because I have a lot! Nagpaalam ito at lumakad na paalis. Napatingin ako kay Sylvius na naiiyak ang mukha kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ulit. Magiging mahirap ito para sa amin. Sana nga magising ang anak ko at sana mapatawad niya ako pag nakita niya ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook