Nandito ulit kami sa ospital at kinakabahan ako dahil nakapag-decide na akong magpakita sa aking anak na si Ameryl. It’s been a week already at okay naman ang nagiging recovery niya. Sa totoo lang mas preferred ko na hindi lang siya makapagsalita. My daughter has been running her mouth this past few days at nahihiya ako sa mga nurses at doctor na naka-assign sa kanya. Humihingi na lang ako ng pasensya at minsan dinadalhan ko sila ng food para humaba pa ang kanilang pasensya. Walang pinagbago ang aking anak at nakikita ko na tinitiis talaga siya ni Sylvius at dahil ‘yon sa akin. Ameryl is acting like she owns the hospital at maging ako rin ay hindi na matiis ang kanyang attitude. Kaya naman oras na para magharap kami and I will smack her out from reality kahit magalit pa siya sa akin ulit.