“TITA ERMA, TITO Yorme, Yas, Ysa, at Ylo. May sasabihin kami sa inyo ni Yvonne,” panimula ni Dior. Napatingin sina Erma, Yorme, at ang tatlong kapatid ni Yvony sa kaniya. Biglang nagsitayuan ang mga balhibo niya sa titig ng mga ito. Ito iyong titig nang may panghuhusga sa pagkatao niya. Para mawala ang kaba ng mga ito sa kaniya, agad siyang napatayo para linisin ang pangalan niya. “Hindi ako buntis, ha?” aniya. Napalingon si Dior sa kaniya. “’Wag mo ng itago, Yvonne. Aminin mo na ang totoo. Nandito na tayo, oh! Para lang sa anak natin.” “Hoy!” sigaw ni Yvony. Napatawa siya at nilingon muli ang pamila niya na nasa tapat niya. “Hindi po ako buntis at hindi ako mabubuntis hanggang sa hindi pa kami ikinasal. Pero Ma, Pa, mga kapatid ko, boyfriend ko na si Dior. Noong isang araw lang.” Na