IMBES NA MAIIYAK na sana si Yvony ay nawala iyon bigla nang humirit ang amo niya. Napatawa na lang siya habang hinigpitan ang yakap dito. Pero agad niya rin binitawan ito para tingnan ang mukha nito. Tinitigan niya ito at masaya siya sa katotohanan na nagbagi ito sa kaniya ng personal na karanasan. Masasabi niya na halatang may magandang naidudulot dito ang pagkalasing nito. Naging bukas ito sa nararamdaman nito. “Tawagan mo na si Manong at baka makalimutan mo pa,” sabi ni Yvony. Iyon na lang ang tangi niyang pag-asa para ligtas sila sa disgrasya. “Kiss muna,” sagot ni Dior. Napangiti ito nang malapad. “Dior, umayos ka. May kasalanan ka pa sa akin at pag-uusapan pa natin iyon mamaya,” sabi niya rito. Napanguso ito. “A-Ano? W-Wala naman, ah!” “Basta. Sige na, tawagan mo na si Manong.”