KABANATA 24 (Part 1)

1446 Words

“ANG LIIT NG bahay ninyo, Ate! Paano kaya nagkasya rito?” nag-aalalang tanong ni Demitrica. Napagdesisyunan nina Dior at ng mga kapatid nito na sumabay kina Yvony at Ylo. Noong una, ayaw ni Yvony pero nagmamatigas si Demitrica kaya hindi niya ito natanggihan. Minsan lang din ito makikiusap sa kaniya kaya pinagbigyan niya. Pumayag din si Dwayne kaya wala ng problema. Ang plano ng magkakapatid ay isama na lang siya mamaya pag-uwi. Sinang-ayunan niya roon para makatipid ng pamasahe. Basta pinapaalahanan niya ang mga ito sa kung ano ang lagay ng bahay nila. “Sabi ko na sa iyo, ’di ba? Pwede ka pang umatras, Demi,” aniya. “Nope. Dito kaya lumaki ang lalaking para sa akin. Sasanayin ko na ang sarili ko,” sabi ni Demitrica. “W-Wait lang. Ipapakilala ko kayo sa pamilya ko,” sabi ni Yvony. Ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD