“PEACE,” MAGKASABAY NA sabi ng mga mananampalataya sa Diyos sa loob ng simbahan. Nilingon ni Yvony si Ylo at inalalayan niya ito nang malapad na ngiti. Inakbayan naman siya ng kapatid niya at inalayan ng halik sa noo. Napangiti siya at napayakap dito. “I love you, Ylo,” sabi niya. “Amen.” Nagpipigil si Yvony sa tawa nang marinig ang sagot ni Ylo. Pero para hindi siya tuluyan na magkasala, nagpokus na lang muna sa misa hanggang sa matapos iyon. Sila lang muna dalawa ni Ylo ang nagsimba. Kahit gustuhin man na sumama nina Yassi at Ysabel, hindi iyo magagawa ng mga ito. Naglalaba ang mga ito ng mga damit nila. Paglabas nila ng simbahan, nanlaki ang mga mata niya nang makita si Demitrica. Nakatalikod lang ito pero sigurado si Yvony na kapatid ito ng amo niya. Sa magandang tindig nito, hind