“TAMA NA. BUSOG na ako, Dior,” reklamo ni Yvony. “Hey! Ayaw ko masabihan na ginugutom kita. People knew na personal maid kita. Kung papayat ka, baka masabihan na ginagalaw kita. Gusto mo iyon?” sagot ni Dior. “Hindi lahat ng tao katulad mo mag-isip, okay? As long as I know truth, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba sa akin,” giit niya. Inakbayan siya nito sabay pisil sa braso niya. “Pero seryoso, kumain ka pa. I want you to keep healthy, Baby.” Hindi niya mapigilan na matawa sa sinabi nito. Damang-dama niya ang pagpapanggap nito. Hindi niya alam kung bakit ginagawa nito iyon. “Kinikilig ka, Yvonne?” tanong ni Dior. Napataas ang kilay niya. “Nandidiri siguro. Bakit naman ako kikiligin sa iyo? Kilala kita. One of the pinakanagpakatotoo na tao sq lahat ng kilala ko. Kaya kung magsis