“DIOR, HINALIKAN AKO ni Hiro,” sumbong ni Yvony. Sa sinabi ni Yvony, agad siyang binitawan ni Dior mula sa pagkakulong niya sa braso nito. Sa pagbitaw nito sa kanya, napaluhod siya sa sahig. Nanlaki naman ang mga mata niya nang nasa harapan niya ang gitnang bahagi ng katawan ni Hiro. Tinakpan ni Hiro ang gitnang bahagi ng katawan nito kaya napakurap siya bigla. Hinawakan ni Hiro ang mukha niya at inangat para makita ang mukha nito. Napangiti ito kaya hindi niya mapigilan na mamula ang mukha niya. Naiilang siya ngunit kinikilig sa presensiya nito. Hindi niya maipagkakaila na kung magpapatuloy ito sa ginagawa nito ay lalo lang siyang magkakagusto rito. Napanganga naman siya nang biglang may kamay na dumaan sa harapan niya. Mabuti na lang ay nakaiwas si Hiro. Kung hindi, matatamaan sana