“CONGRATS, YVONNE! WE are so proud of you!” sigaw ng mga kamag-anak at kapit-bahay nila. Kabababa lang ni Yvony mula sa sasakyan ng mapapangasawa niya at labis ang saya niya nang sinalubong siya ng mga ito ng isang matinding pagbati. Iginiya niya ang tingin sa kaniyang paligid at hindi niya maitago ang saya sa mukha niya. Natutuwa lang siya na masaksihan ang saya sa mukha ng mga ito. “Salamat po sa inyo!” masiglang sagot niya. Pagbaba ni Dior mula sa sasakyan nito, nagsigawan na ang iilang kababaihan na kapit-bahay nila. Alam niya na guwapo ang mapapangasawa niya kaya inaasahan na niya na marami talagang nagpapakita ng interes dito. Hindi naman siya nakaramdam ng anumang takot dahil alam niya kung gaano siya kamahal nito. Napatunayan na niya iyon nang ilang beses. “Hello po sa lahat,”