PARANG magbubuga ako ng apoy habang sinisipa ang gulong at kinakalampag ang bintana ng sasakyan na kamuntik na akong sagasaan. Hindi ko talaga ito titigilan hangga't hindi nakikipag-usap sa akin ng maayos.
Mayamaya pa’y pinatakbo nito ang kotse para dalhin sa tabi ng daan dahil nagsisimula na ang trapik. Sapagkat hindi ako umaalis sa gitna at hindi ko talaga tinigilan ang driver ng kotse.
Nang huminto ang kotse sa gilid ng daan ay dahan-dahan namang bumukas ang pinto ng sasakyan. Hanggang sa tumambad sa aking mukha ang bulto ng lalaking nagpakulong sa akin nang walang pahintulot ko.
“You?!” galit na bulalas ko sa lalaki at nanlalaki rin ang mga mata ko habang dinuduro ang ilong nito na mabilis naman itong lumayo sa akin.
Wala naman akong narinig na salita mula rito. Bagkus ay nakatitig lamang ito sa akin habang ang mga mata ay may nakapaskil na inis. Ngunit wala akong pakialam dito.
Tutal naman nakaharap ko itong muli. At kamuntik na akong mabangga nito o mapatay niya mabuti na lang at mabilis ang kilos ko. Kaya dapat yatang gumanti ako sa lalaki. Ito na ang pagkakataon ko para makabawi rito dahil sa ginawa niya sa akin.
Umikot muna ang mga mata ko sa buong paligid, hanggang sa matanaw ko ang dalawang pulis. Ngumisi rin ako ng mala-demonyo sa aking isipan. Hanggang sa mabilis kong kinuha ang aking kutsilyo.
Pagkatapos ay basta ko na lang pinagpupunit ang laylayan ng damit ko at ganoon din ang manggas. Hindi ko rin pinalampas ang gitna ng damit ko na malapit sa may tiyan ko at ilang beses ko itong hiniwa. Gamit ang kutsilyong hawak ko.
“Hey! What are you doing, woman?!” narinig kong tanong sa akin ng lalaki.
“Secret,” baliw na sagot ko rito. Ngunit hindi pa rin ako tumingin sa lalaki dahil busy ako sa aking ginagawa. At nang makita kong punit-punit na ang damit ko ay mabilis kong itinago ang kutsilyo ko.
Pagkatapos ay mala-ipo-ipo rin akong lumapit sa lalaking nagkapakulong sa akin. Pasensyahan na lamang kami, dahil ako ang tipo ng tao na gumaganti kapag inapi ako.
Ngumisi muna ako sa lalaki nang makalapit na ako. Hanggang sa mabilis kong kinuha ang dalawang kamay nito at inilagay sa aking beywang. Naramdam ko ang pagkagulat nito. Ngunit wala na akong sinayang na oras, sinamantala ko ang pagkakataon habang nasa gitna pa ito ng pagka-shock.
Agad ko ring ikinawit ang dalawang braso ko sa batok nito. At ang dalawang hita ko naman ay basta ko na lang din pinulupot sa beywang ng lalaking hindi ko kilala.
“Ahhh! Ohh! Gosh! Tulong-tulungan ninyo ako mamang pulis! Ginagahasa ako!” Malakas ng sigaw ko. At ginulo-gulo ko rin ang aking buhok.
“Fvcking s**t!” narinig kong bulalas ng lalaki. At pilit nitong inaalis ang katawan ko sa kanya. Ngunit pasensyahan na lamang kami dahil daig ko pa ang linta kong makadikit.
“Ahh! Huwag po! Tulong-tulungan ninyo ako! Virgin pa ako! Hindi ko kaya ang laki ng lalaking ito!” muling sigaw ko, alam kong galit na galit na ito sa akin, so what? Sino ba ang nauna? Ito naman, eh, kaya pasensyahan na lamang kami.
“Bitawan mo ako, crazy woman!” At naramdaman kong pilit niya akong inaalis mula sa pagkakasaklang ko sa katawan niya. Ngunit hindi ako nagpatinag at mas lalo pa akong sumigaw ng malakas.
“Ano’ng nangyari rito?” narinig kong usisa ng pulis na dumating. Agad akong bumitaw sa lalaki at nagmamadali na lumapit sa dalawang pulis.
“Tulungan ninyo po ako, mamang pulis, dahil gusto akong pansamantalahan ng lalaking iyan. Mabuti na lang po at dumating kayo. Kung hindi baka rito lang sa gitna ng kalsada ako gahasahin niya!” Sabay turo ko sa lalaking halos magbuga ng apoy sa galit.
“Dortor Prince, may problema ba rito? Puwede po kayong magsalita kung tunay ang sinasabi niya.” Sabay turo sa akin ng pulis.
Inis akong tumingin sa pulis at mukhang ayaw nitong maniwala sa akin. At sa lalaking iyon pa rin yata maniniwala. Bulag na ito? Hindi ba niya nakikita na punit-punit ang aking damit? At mukhang magkakilala pa yata ang dalawa.
“Itanong mo lang sa kanya Chief, kung magkano ang gusto niyang bayad, dahil nagmamadali ako! Masyado niya akong inaabala!” masungit na turan ng lalaki. Pagkatapos ay agad itong pumasok sa loob ng kotse.
”Ms. Sabihin mo na kung magkano ang kailangan mong halaga?” tanong sa akin ng pulis.
Iwan ko ba, ngunit parang nagliwanag ang kapaligiran ko dahil sa tanong sa akin ng pulis.
“Ahmmm! Limang daang libong piso, kapalit ng ginawa niya sa aking pang-aabuso, aba, never been kiss at never been touched pa ako. Ngunit sinamantala niya ang aking kahinaan at p********e. Kaya dapat lang na bayaran niya ako!” bulalas ko sa pulis.
Nakita kong tumango-tango ang pulis, hanggang sa lumapit sa lalaking nasa loob ng kotse. Alam kong narinig din nito ang aking mga pinagsasabi dahil bukas ang bintana ng kotse nito.
Ngunit wala akong pakialam dito. Basta makaganti ako sa kulugong ito. Mayamaya pa’y lumapit sa akin ang pulis at agad na binigay ang maliit na papel.
Mabilis kong kinuha ang cheque mula sa mga kamay ng pulis. Pagkatapos ay agad kong tiningnan kung magkano ang halaga para makatiyak ako. At nakita kong limang daang libong piso nga. Mas lalong nagliwanag ang mukha ko dahil walang kahirap-hirap na nagkaroon ako ng pera. Kaunting drama-drama lang. Mas okay pala ito. Dapat ang target ko ay ang mga mayayaman katulad ng lalaking ‘to.
Subalit biglang nawala ang magandang ngiti ko nang mag-sink in sa utak ko na baka talbog ang cheque. Nagmamadali tuloy akong humakbang para lapitan ang lalaking nagpakulong sa akin.
Bukas ang bintana nito kaya madali ko lang nasabi sa lalaki ang aking pakay.
"Hindi ba talbog ang cheque na ito?” nakataas ang kilay nang tanungin ko ang lalaki.
Bumaling ito sa akin habang ang mga mata ay nagbabanta ng tingin. Ngunit hindi ako nagpaawat. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. At binuksan ko ang camera.
“Kukuhanan muna kita ng picture para kapag talbog ang cheque na binigay mo sa akin ay ikaw ang ituturo kong puno’t dulo ng lahat, lalaki.”
Hanggang sa narinig ko ang pag-click ng camera.
“Damn you! You crazy, woman!”
“Damn you to, honey,” baliw na sagot ko sa lalaki.