Maaliwalas ang aking mukha dahil sa perang nakulimbat ko sa lalaking ‘yun, ngayon ay patas na kami dahil sa ginawa niyang pagpapakulong sa akin ng basta na lang. Akala siguro niya hindi ako makakaganti sa kanya, aba! Hindi naman puwede ‘yun.
Ngayon ay masasabi kong iba na talaga kapag mautak dahil nagkakapera ako. Ngumisi tuloy ako ng mala-demonyo. Kaya lang napatingin ako sa aking kasuotan na punit-punit na. Kailangan ko pa lang magpalit ng damit. Hindi naman ako puwedeng pumunta sa bar na ganito ang itsura ng damit ko.
Kaya naman bago pumunta sa bar ay naghanap muna ako ng tindahan na mga damit. Hindi naman kasi ako puwedeng pumasok sa loob ng mall na ganito ang ayos ng aking damit na punit-punit. Baka hindi ako papasukin.
Napangiti naman ako nang may matanaw ako nagtitinda ng mga damit. Agad akong lumapit dito. Inasikaso naman ako ng tindera. Hindi na rin ako nahiya na kung puwedeng dito na lang ako magpalit ng damit. Kaysa maghanap pa ako ng banyo.
Agad naman akong dinala ng babae sa loob ng maliit na kubo. Dali-dali akong nagpalit ng damit. Isang black na t-shirt ang napili kong bilhin. Hanggang sa lumabas na rin ako ng kubo at muling harapin ang matanda.
“Manang, marami pong salamat. Heto po ang aking bayad.” Sabay abot ko rito ng five hundred pesos. Balak pa sana niya akong bigyan ng sukli nang mabilis ko itong pinigilan. At sinabi kong ‘keep the change’ tuwang-tuwa naman ito dahil sa aking tinuran. Napag-alaman kong wala pala itong benta buong maghapon. Ngunit hindi raw ito nawawalan ng pag-asa.
Naawa naman ako sa lagay ni Manang. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na muling kumuha ng pera at agad kong inilagay sa palad nito. Kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa mga mata nito. Tangka pa sanang ibalik sa akin ang perang inilagay ko sa kanyang palad ngunit mabilis na akong umilis sa harap nito.
“Bye po, Manang. Mag-iingat ka po palagi,” anas ko rito. At malalaki na ang aking hakbang para umalis sa lugar na ‘to.
“Maraming salamat sa ‘yo, Ineng. Mag-iingat ka rin palagi!” pasigaw na sabi ni Manang sa akin. Muli akong bumaling dito at itinaas ko rin ang isang kamay ko para kumaway rito.
Hindi na naman kalayuan ang bar kaya naglakad na lamang ko. At nakakatiyak ako na sermon ang aabotin ko nito kay Leda. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Lagot talaga ako nito.
Pagpasok sa loob ng bar ay nakita ko agad si Leda. Naka-pwesto ito sa medyo madilim na lugar. Ngunit dahil kilala ko na ang pigura nito ay madali ko lang itong nakita. Minsan kasi ay kami ang magkasama sa misyon kaya kilalang-kilala ang bawat galaw ng babae.
“Pasensya ka na Leda kung ngayon lang ako dumating,” anas ko agad sa babae, saktong pagkaupo ko sa katapatan na kinauupuan ng kaibigan ko. Namumungay ang mga mata na tumingin siya sa akin.
“Ezra, kilala nakita. Kapag may usapan tayo ay palagi ka namang nahuhuli kung dumating kaya hindi na ako nagtataka sa ‘yo, hala! Inom na lamang tayo.” Sabay taas nito ng kupita para makipag-cheers sa akin.
Agad ko na lang dinampot ang bote ng alak na nasa aking harapan pagkatapos ay inalis ko ang takip nito hanggang sa nakipag-cheers na ako kay Leda. Hindi na rin ako gumamit ng baso at tuloy-tuloy ko tinungga ang alak na tila wala ng bukas.
“Ahh! Ang sarap talaga ng alak!” bulalas ko nang ibaba ko sa ibabaw ng lamesa ang bote ng alak na aking hawak-hawak.
“Ezra, huwag kang masyadong magpakainom, baka kung saan-saan ka na naman matulog niyan. At baka magulat ka na naman nasa loob ka na naman ng kulungan!” sermon sa akin ni Leda.
Bigla naman akong napakamot sa aking ulo. Oo nga pala nabanggit ko kay Leda ang nangyari sa akin. . . Ang ginawa kong pagpasok sa loob ng bahay ng lalaking nagpakulong sa akin. Kaya ayon puro sermon ang inabot ko sa aking kaibigan. Mabuti nga at sa cellphone ko lang sinabi sa kanya ang nangyari sa akin at hindi sa personal.
Tiyak na panay kurot ang aabotin ko sa babaeng ito. Ngumisi na lang ako kaya Leda. Minsan nga naiinis na rin ako sa aking sarili o ‘di kaya ay napapatanong ako kung--- babae ba talaga ako? Baka nagkamali lang ang Panginoon sa pagbigyan niya sa akin ng kasarian, baka lalaki talaga ako at hindi talaga babae. Dahil sa mga kilos ko na parang lalaki.
Wala rin akong pakialam sa aking sarili. Minsan nga kapag sobrang antok na natok talaga ako ay kung saan-saan na lang ako natutulog. Mabuti nga at walang naglalakas loob sa akin na gawan ako ng masama. Sabagay, paano mangyayari ‘yun, eh, kapag matutulog ako ay may hawak talaga akong kutsilyo o ‘di kaya ay samurai.
Aba kahit yata tulog ako ay alam ko kung may lalapit sa akin. Napapailing-ilang na lamang ako sa mga kalokohan ko. Hanggang sa muli kong tinungga ang alak at sunod-sunod ko itong nilagok at tuluyan ko itong naubos.
Muli akong kumuha ng alak. Katulad kanina ay basta ko lang itong tinungga. At halos mangalahati na ang laman ng bote na may alak.
“Hey, dahan-dahan lang ang pag-inom, hindi ka mauubusan, Erza,” pagsita sa akin ni Leda. Ngumisi lamang ako sa babae. Mayamaya pa’y nagpaalam sa akin si Leda, dahil balak nitong sumayaw. Hinayaan ko na lang ang aking kaibigan at ako naman ay patuloy lamang sa pag-inom ng humpay.
Ngunit hindi pa nagtatagal mula nang umalis si Leda para sumayaw ay may dalawang lalaki naman ang basta na lang naupo sa bakanteng silya. At base sa mga tingin ko sa kanila ay mukhang bangag na sila sa alak. Napapailing na tumingin na lamang ako sa mga lalaki, hanggang sa ibuka ko ang aking bibig dahil naiinis ako sa mga ito.
“Humanap na lang kayo ng magiging table ninyo! At huwag dito sa table ng iba. Para kayong mga kabet, mahilig makisasaw sa iba!” galit na pagtataboy ko sa dalawang lalaki. Bahala sila kung masaktan sila sa aking sinabi.
Subalit masalakas silang nagtawanan. Hinampas pa nga nila ang ibabaw ng table dahilan kaya kamuntik nang matumba ang isang bote na may lamang alak. Mabuti na lang at mabilis kong nahawakan ang bote.
Nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa dalawang lalaki na patuloy pa rin sa pagtawa. At dahil pikang-pika na ako sa ingay nila ay pasimple kong kinuha ang aking baril sa aking likuran. Sabay lagay sa ilalim ng table. Agad ko ring kinasa ang baril na aking hawak-hawak. Pagkatapos ay ngumisi ako sa dalawang lalaki ng mala-demonyo.
Bigla naman silang nahinto sa pagtawa at tumingin sa akin. Nagsalubong din ang kilay nila habang nakatingin sa akin na may pagtataka sa mga mukha nila.
“Tinatakot mo ba kami? Bakit ganiyan ka makatingin, ha? Akala mo siguro ay basta mo na lang kaming matatakot, babae? Saka, anong laban ng isang katulad mong babae sa amin? Wala ‘di ba? Dahil sa aking pagkakaalam ay ang isang babaeng katulad ko ay sadyang mahina---” Ngunit hindi na nito nataposa ang iba pang sasabihin nang walang habas kong kinalabit ng dalawang beses ang gatilyo ng baril na aking hawak.
Hindi ko namam sila pinatamaan sa mga paa nila kundi sa gilid lang. Saka, baka magkagulo pa rito sa loob ng bar, mayayari ako kay Leda. Dahil sinira ko ang birthday niya.
Nanlalaki ang mga mata nila dahil sa aking ginawa. Ngunit isang nakakamatay na ngisi ulit ang ibinigay ko sa dalawa.
“Huwag ninyong hintayin na umabot pa sa ilang putok ng baril ang gagawin ko bago kayo umalis sa table na ito. Kung mangyari ‘yun, titiyakin kong basag ang kargada ninyo…!” galit na bulong ko sa kanila.
Parang mga ipo-ipo namang umalis ang dalawang lalaki. Halos madapa pa nga sila para lang makalayo lang sa akin. Iiling-iling na lamang ako na sinusundan ko ng tingin ang mga lalaki. Pagkatapos ay muli kong kinuha ang bote na may lamang alak at tuloy-tuloy ko itong nilagok.
Mayamaya rin ay muling bumalik si Leda. At mukhang nagmamadali ito.
“Kailangan na nating umalis…” bulong na sabi sa akin ni Leda.
“May problema ba, Leda? Mukhang nakakita ka ng multo, ah?”
“Na-Nandito ang pinsan kong mahadera, tiyak na isusumbong ako noon kina daddy at mommy, oras na makita akong nandito sa loob ng bar. Hindi niya ako dapat makita rito. Alam mo naman ang aking ama ayaw na ayaw nito na pumunta ako sa ganitong lugar. Dahil ang tingin nila sa ganitong bar ay mga basura o mga pakawala lang daw ang mga tao rito…” pabulong na anas ni Leda sa akin.
Pagkatapos magsalita ni Leda ay dali-dali na itong umalisa aking harapan. Ngunit nakita kong nagbayad na rin ito nang mga ininom namin. Kaya no choice rin ako kundi ang tumayo sa aking pagkakaupo at agad nansinundan ang aking kaibigan.
Agad ko itong naabutan sa madilim na parti na lugar. Nauunawaan ko naman ito na nag-iingat lamang sa kanyang Ama. Lalo at sa aking pagkakaalam ay matapang ang Ama ni Leda. Lalo na’t hindi rin yata sinunod ni Leda ang gusto ng kanyang Ama. Ayaw ko namang mag-usisa kung ano ang gusto ng ama nito sa kanya.
“May kinakatakutan ka rin naman pala, Leda?” Natatawang tanong ko sa babae.
Nakita kong ngumiwi si Leda. Sabay kamot nito sa kanyang ulo.
“Ibang usapan na kapag si Daddy ang pinag-uusapan. Hindi siya katulad ng ibang Ama, na suport sa mga gusto ng mga anak nila. Dahil ang aking Daddy ay siya ang dapat masusunod. Alam mo bang kaya lalong nagalit sa akin si Daddy dahil sa sinabi kong siya na lang ang mag-aral at kuhanin din niya ang kursong gusto niya. Ayon halos ma-high blood sa akin at kulang na lang ay sipain ako papalabas ng bahay namin,” mahabang litanya ni Leda sa akin.
Gusto ko tuloy matawa sa sinabi nito. Kahit naman sinong Ama ay magagalit kung ganoon ang isasagot ng anak nila. Minsan kasi ay pasaway rin itong si Leda. Hindi ko rin naman masisisi ang aking kaibigan. Mahirap naman kasing kumuha ng kurso kung hindi gusto ng puso. . . Isang mahinang buntonghininga na lamang ang aking pinakawalan.
“Erza, kailangan ko nang umalis, magkita na lang tayo bukas. Saka, balak sana kitang isama bukas.”
“Saan, tayo pupunta, Leda?” tanong ko agad sa babae.
“Bukas mo malalaman, Erza. Basta huwag kang tatanggi. Saka, wala pa naman tayong misyon ngayon, kaya puwede pa tayong magbakasyon. Hintayin mo na lang ang tawag ko bukas, my bestfriend.”
“Okay, sabi mo, eh, basta ba libre mo ako at walang problema sa akin, Leda.”
Mabilis itong lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin. Ngunit ngumisi lamang ako rito.
“Mukha ka talagang libre, Erza. Sige na nga. Magkita na lang tayo bukas. Tatawagan na lang kita kung saan tayo magkikita. Teka, muna. Pauwi ka na ba, babae?” tanong sa akin ni Leda.
“Yes, uuwi na ako saka inaantok na rin ako,” sagot ko sa aking kaibigan.
Hindi muna ito nagsalita. Ngunit mataman niya akong pinagmamasdan habang nakakunot ang noo ni Leda.
“Baka kung saan-saan ka na naman matulog, Erza. Huwag mo ngang sanayin ang sarili mo na ganoon. Mabuti sana kung hindi ka babae!” sermon sa akin ni Leda. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Sabay ngisi ng nakakaloko.
“Natutulog lang naman ako sa kung saan-saan kapag antok na antok na talaga ako, Leda,” anas ko sabay himas ko sa aking ulo.
“Puwede mo namang pigilan ang antok mo, Erza. Hintayin mong makarating ka sa bahay ko. Kaysa naman kung saan-saan ka natutulog!” palatak na sermon sa akin ni Leda.
“Okay po, Inay. No worries dahil lahat ng bilin mo sa akin ay susundin ko,” anas ko na lang para hindi na ako kulitin ng babaeng ito.
“Tiyakin mo lang. Sige at mauuna na ako. Saka, magkaibang way naman ang ating tatahakin. Balak sana kitang ihatid sa bahay mo, kaso antok na rin ako. Saka, baka makita rin ako ng pinsan kong mahadera.” Agad na itong tumalikod sa akin. Ngunit muli itong lumingon sa akin para kawayan ako.
Ngumiti lamang ako sa aking kaibigan. Hanggang sa magdesisyon na rin akong humakbang para maghanap ng masasakyan ko na taxi. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay parang hinihila na ang aking mga talukap ng mata para matulog. Pero kailangan kong pigilan para makauwi ako sa aking bahay.
Inilibot ko ang aking mga matang namumungay sa buong paligid para maghanap ng taxi. Ngunit wala pa akong mamataan. Pero ang aking mga mata ay halos pumikit na. s**t naman, oh! Kung alam ko lang naaabutin ako ng antok dito sa kalye, sana’y isinama ko ang aking driver. Kung tatawag ko naman ito ngayon nakakatiyak akong natulog na ito.
Kaya ang ginawa ko’y para maalis ang antok ko habang naghihintay ng taxi ay nagtatalon ako. Subalit wa-epek pa rin. Parang mas lalo pa akong inantok. Hanggang sa matanaw ko ang kulay itim na kotse na nakahimpil at ito’y malapit lang sa aking tabi.
Bahala na nga! Kailangan kong maalis ang aking antok. Siguro mga kalahating oras lang akong iidlip dito. Kaya naman dali-dali akong lumapit sa kulay itim na kotse. At basta na lang sumpa sa ibabaw ng bubong. Pagkatapos ay agad na akong nahiga. Hindi pa naman siguro babalik ang may-ari ng kotse na ito. Kaya puwede pa akong maidlip. Sana’y mabait ang may-ari ng kotse at hindi ako itulak dito sa bubong ng kotse.
Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na nga akong nilamon ng karimlan at naglakbay na ang aking kaluluwa sa dako pa roon.