ANO’NG GUSTO MO, AWAY O GULO?

1715 Words
Mabilis na lumingon sa akin ang pulis na nilapitan ko. May pagtataka sa mukha nito. “Ms. Humingi ka na lang ng sorry sa lalaking nagawan mo ng kasalanan para makalabas ka na rito sa kulungan,” anas ng pulis na kaharap ko. “Saka na lang, wala akong ganang magsalita ngayon, sige na ikulong mo na ako nang makapagpahinga na ako sa loob ng kulungan.” Nakita kong kakamot-kamot sa ulo ang pulis. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at nauna pa talaga akong naglakad para lang bumalik sa kulungan. “Grabe ka, Ms. Dahil ikaw lang yata ang nakilala kong nakulong na’t lahat-lahat ngunit mas gusto pa ring bumalik sa kulungan para lang makapagpahinga lamang,” narinig ko pang sabi ng pulis sa akin. Hindi ako lumingo rito. Ngunit nagkibit balikat na lamang ako. Nang tuluya akong makarating sa loob ng kulungan ay agad akong nahiga sa papag na nakalaan sa akin. Muli kong ipinikit ang mga mata ko para muling matulog. Ngunit hindi pa ako halos nakakatulog nang marinig ko na naman ang boses pulis. “Ms. Walang pangalan, bumangon ka na dahil malaya ka na, hindi ito pahingahan!” sigaw ng pulis mula sa labas ng selda. “Wait lang, chief, kahit mga isang oras, antok pa talaga ako!” malakas din ang boses ko nang sumagot dito. Muli ko na naman sanang ipipikit ang mga mata ko nang magsalita ang pulis. “Bumangon ka na riyan, Ms. Dahil nais kang makausap ng taong nagpakulong sa ‘yo!” Kakamot-kamot naman ako sa aking ulo na bumangon. Pinilit kong ibuka ang aking mga mata para tuluyan akong magising. Nagdadabog din akong tumayo para lumapit sa pinto ng selda. Surang-sura ako nang tumingin sa pulis na gumising sa akin. Ang sarap nitong sakalin sa totoo lang! Nilampasan ko na lamang ito at nagtuloy-tuloy na akong naglakad. Muli kong nakita ang lalaking nagpakulong sa akin. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa akin? Nakakasura talaga. Balabag akong naupo sa bakanteng silya. Tumaas ang isang kilay ko na tumingin sa lalaki. “Sabihin mo na ka agad ang mga sasabihin mo at nang makauwi na ako, Mr.” “Pagbibigyan kita ngayon, babae. Ngunit oras na pasukin mo pa ang bahay ko, hinding-hindi ka na makakawala sa loob ng kulungan!” galit na sabi nito sa akin. Tumaas naman ang kilay ko sa mga pinagsasabi ng lalaking kaharap ko. “Okay,” maikling sagot ko rito. Hanggang sa nagmamadali na akong tumayo para iwan ito at tuluyang umalis dito sa loob ng prisento. Dumaan muna ko sa mini's store para bumili ng maiinom ko. Nang makabili na ako ng inomin ko’y naupo muna ako. Mabuti na lang at may pahingahan dito sa mini's store. Subalit talaga binabalot ako ng antok. Kaya naman basta na lang akong sumubsob sa bilog ng table. At natulog na ako ng tuluya, wala akong pakialam sa mga taong makakakita sa akin. Saka, sana’y na naman akong ganito. Kahit saan natutulog kapag inabot ng antok. Huwag lang talagang abalahin ang masarap na tulog ko. At maghahalo ang balat sa tinalupan. Nagising lang ako nang may tumatapik sa aking braso. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tingnan ang taong istorbo sa masarap kong pagkakatulog. Nag-angat ang kilay ko nang tumambad sa harap ko ang mukha ng isang babae. “What?!” pasinghal na tanong ko sa babae. Hindi rin maipinta ang tabas ng aking mukha lalo at antok na ako. “Pasensya na po, Ma’am. Ngunit hindi po tulugan ang pwesto na ito. Baka po kami ang pagalitan ng may-ari,” anas ng babae. Ngunit nakikita ko sa mukha nito ang tila natatakot. Pasakdol na lamang akong tumayo. Saka, nauunawaan ko naman ito at baka dahil sa akin ay matanggal ito sa trabaho. Tuloy-tuloy na lamang akong humakbang para umalis. Nag-abang na lamang ako ng taxi na mamasasakya ko. Hanggang sa narinig kong nag-iingay ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Nakita kong si Inay. Malalim muna akong nagbuntonghininga bago ko sagotin ang call ko. “Inay,” bungad ko agad. “Nandito kami ngayon sa lunsod, puwede ka ba bukas pumunta rito sa bahay ng tito Jay-jay mo? Para naman nagkakilala na rin kayo ng anak niya?” nakikiusap na anas ng Inay ko. “Inay, hindi ko po sigurado, kailangan ko po munang magpaalam sa aking Amo. Nakakahiya naman po na muli na naman akong mag-day off, eh, kailan lang akong nag-day off.” “Kahit saglit lang, Anak? Para naman magkakilala kayo ng magiging kapatid mo rin?” muling anas sa akin ng Nanay ko. Napangiwi na lamang ako? Para sa aking ay malabong matanggap ko ito na maging kapatid ko. “Bahala na po, Inay. Magte-text na lamang po ako sa ‘yo, kapag pinayagan na ako ng Amo ko,” anas ko sa aking Inay. Ngunit ang puso ko’y punong-puno ng pagsisisi dahil nagsisinungalin ako sa Inay ko. “Sana’y makarating ka, Erza,” anas ng Inay ko, bago ito mawala sa kabilang linya. Napahinga na lamang ako ng malalim. At muling itinago ang cellphone ko. Hindi ko talaga puwedeng sabihin kay Inay kung anong trabaho ko, dahil isa ‘yun sa patakaran ng grupong kinabibilangan ko. Saka, may point din sila. Upang hindi mag-alala ang mga pamilya namin kapag nasa gitna kami ng misyon. Kahit gustuhin ko man na dalhin si Inay sa aking bahay at ilibot sa Mall na pagmamay-ari ko, hindi ko magawa dahil ang alam nitong isa lamang akong dakilang kasambahay rito sa lunsod. Gusto ko rin sanang ipagsigawan at ipagmalaki sa aking Ina na isa na akong sikat na modelo sa ibang bansa, ngunit paano? Hindi ko masabi sa kanya ang lahat ng mga tagumpay ko sa buhy, dahil nakakatiyak akong magtatanong si Inay ng katakot-takot sa akin. Nakakasiguro rin ako na magtatampo ito sa akin oras na malaman nito ang lahat-lahat ng mga tinatago ko. At baka dahil doon ay kasuklaman ako ng Inay ko at iyon ang hindi ko matatanggap. Iiling-iling na lamang ako. Hanggang sa may humintong taxi sa aking tabi. Dali-dali naman akong sumakay at agad kong sinabi ang address ng bahay ko. Pinilit kong hindi matulog dito sa loob ng taxi, baka magising na lamang ako na nasa malayong lugar na o ‘di kaya ay ginahasa na ako. Aba! Iyon ang hindi ko mapapayaga. Makikipaglaban talaga ako ng p*****n kapag nangyari. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng gate na bahay ko. Nang makapagbayad sa taxi driver ay nagmamadali na akong bumaba ng sasakyanm Bumukas ang gate nang mag-doorbell ako. Ngumiti pa nga ako sa security guard na nakatalaga gate. Tuloy-tuloy na akong pumasok sa kabahayan at pumanhik sa kwarto ko. Basta na lang akong nahiga sa kama at tuluyan na akong nakatulog. Nagising lamang ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Ngayon ko lang naaalala na hindi pa pala ako kumain. Kaya naman nagmamadali na akong bumangon at agad na pumunta sa kusina. Pagdating sa hapagkainan ay nakita kong may mga nakahain na mga pagkain. Agad akong naupo para simulan ko nang kumain. Dahil sobrang gutom na gutom ako ay halos maubos ko ang pagkaing nasa hapagkainan. “Ms. Erza, nandiyan po si Ms. Leda, nandoon po sa sala,” pagbibigay alam sa akin ng kasambahay ko. “Sige, sabihin mo pupunta na ako.” Agad na akong tumayo para puntahan ang babae. Ano kayang problema ng babaeng ito? At bakit niya ako pinuntahan dito? Mukhang yayayain na naman akong mag-inom, ah? Pagdating sa sala ay nakita ko agad ito. Tumaas pa nga ang kilay ko nang makita kong nakatudo lipstick pa ang babae. “Saan ang duty mo, Leda?” pabirong tanong ko sa babae. “Sa bar, sama ka ba, Erza? Maraming mga gwapo roon,” mabilis pa sa alas-kwatrong sagot nito sa akin. Malakas naman akong tumawa sa mga pinagsasabi niya. Hanggang sa naupo ako sa katapat na sofa. “Birthday ko ngayon, gusto ko sanang mag-celebrate, kaya samahan mo ako, Erza.” “Ano libre mo?” nakangising tanong ko sa aking kaibigan. “Yes, itutulad mo pa naman ako sa ‘yong kuripot!” mapang-asar na sagot sa akin ni Leda. Bigla naman akong napa-ingos ngunit malakas ding humalakhak si Leda. Hanggang sa muling nagsalita si Leda. “Hintayin na lang kita mamayang alas-sais ng hapon. Dumaan lang ako rito para sabihin sa ‘yo ang aking plano. Paano, aalis na ako. Magkita na lang tayo sa bar.” Agad din itong tumayo para umalis na rito sa bahay ko. Nasundan ko na lamang ng tingin si Leda. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na akong bumagsak sa sofa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sofa. Nagising lamang ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa alarm lock. Agad ko itong tiningnan kung anong oras na. At nakita kong alas-kwatro na pala. Nagmamadali tuloy akong tumakbo papunta sa aking kwarto. Pumasok ako sa banyo para maligo ng mabilisan. Para tuloy akong ipo-ipo sa bilis ng galaw ko. Kaya naman pagsapit ng alas-singko ng hapon ay lumabas na ako ng bahay. Talagang inagahan ko ang punta sa bar na kung saan kami magkikita ni Leda. Mabuti na lang may taxi na dumaan kaya nakasakay ako. Kaya bago mag-alas-sais ng hapon ay nakarating na ako sa aming tagpuan ni Leda. Ngunit kailangan ko pang tumawid sa kalsada para tuluyang makalapit sa bar. Tumingin ako kanan at kaliwa bago ako tumawid. At nang makita kong puwede na akong tumawid ay humakbang na rin ako. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sunod-sunod na busina na sasakyan. Wala na akong sinayang na oras, maliksi akong tumambling upang hindi mahagip ng kotseng humahagibis. Agad din akong napalingon upang tingnan ang kotse lalo at bigla itong huminto. Parang susugod ako sa digmaan na lumapit sa kotse na kamuntik na akong sagasaan. “Tarantado ko! Lumabas ka riyan! Balak mo pa akong banggain! Gago ka!” walang prenong sabi ko. Ganito talaga ako matalim ng bibig minsan. Pinagsisipa ko rin ang gulong ng kotse. Sa totoo lang ay gigil na gigil ako sa driver ng kotseng muntik nang bumanga sa akin. "Ano! Lumabas ka riyan! ANO’NG GUSTO MO? AWAY O GULO?" At muli kong sinipa ang gulong ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD