KUYA?

2800 Words
Ngunit kailangan kong magtimpi lalo at hindi naman ako tagarito. Bahala na si Leda ang sumapok sa pinsan niyang maangas. Subalit lalong nagsalimbayan sa pagtaas ang kilay ko nang muling nagsalita ang pinsan ni Leda. Kitang-kita ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Leda. Mukhang nagtitimpi ito na umbagin ng pinsan niyang mahadera. “Kung maaari ay linisan mo na rin ang aking kwarto para naman may pakinabang ka sa bahay na ito. Saka dapat lang na kumilos ka rito, hindi ka isang bisita, noh! Hindi ka rin naman nakakatulong kay tito lalo na pagdating sa pera, eh, sa aking pagkakaalam ay wala ka namang trabaho sa lunsod, tama ba ako---?” “Hindi ko susundin ang gusto mo, saka, sino ka para utusan ako, eh, pamangkin ka lang ni Daddy!” Sabay sara ni Leda ng pinto ng silid nito. Gusto ko tuloy tumawa sa ginawa ni Leda. Akala ko talaga ay susundin nito ang gusto ng babaeng ‘yun. Oo nga pala! May pagkamaldita si Leda at hindi basta nagpapaapi. Agad na lumapit sa aking si Leda at pinag-umpog pa namin ang aming mga kamao habang nakangisi kami sa isa’t isa. Hanggang sa sumapit ang gabi at pinatawag na kami para maghapunan. Bukas pa naman ang kaarawan ng Daddy nila, kaya ang mga kapatid ni Leda ay bukas pa pupunta rito dahil busy ito sa trabaho. Kaya ang nandito lang ay ang pinsan nitong mahadera at kung nakaasta ay akala mo’y kanya ang bahay na ito. Ngunit kailangan naming tiisin ang pagmumukha ng babaeng ‘yun. Kaya lang huwag lang itong gagawa ng ‘di maganda kay Leda at may paglalagyan talaga ito sa akin. Pagdating sa hapagkainan ay naratnan namin ang mga magulang ni Leda. Maliban sa pinsan nito. Mukhang hindi sa amin sasabay kumain. Sana nga. Para naman makakain kami ng maayos. Ngunit hindi pa kami nagsisimulang kumain nang biglang dumating ang babae. Pa-importante pa ang babaeng ito, ah? Dahil dalawang beses pang tinawag ng kasambahay bago dumulog dito sa hapagkainan. Kumunot ang noo ko dahil ang isang mukha ng babae ay may takip na buhok nito. Ano kayang drama ng pinsan ni Leda. “Pamangkin ano’ng nangyari sa mukha mo?” tanong ng Daddy ni Leda. At base sa tono ng pananalita nito ay parang may amor pa ang Ginoo na ito sa pamangkin niya kaysa sa tunay na anak nito. “Kasi po, Tito. Naglinis po ako ng buong bahay kanina, gusto ko kasing tulungan ang mga kasambahay natin para malinis ating tahanan, lalo na’t mo bukas. Ngunit nadulas ako habang naglalampaso sa kwarto ni Leda.” Biglang tumaas ang isang kilay ko. Aba’t sinungaling din pala ang hayop na babae. Gusto ko sanang magsalita ngunit pinigilan ako ni Leda. At hinawakan nito ang aking kamay mula sa ilalim ng lamesa. Pa-simple rin itong umiling sa akin. “Leda, pati ba namang sariling kwarto mo pinalilinis mo pa sa pinsan mo? Ganiyan ba ang natutunan mo sa lunsod? Tingnan mo ang nangyari sa kanya? Imbes na tulungan mo ang pinsan mo’y nagfe-feelng reyna ka rito!” galit na sigaw ng Daddy ni Leda. Gustong-gusto ko nang sumagot. Ngunit pinipigilan ulit ako ni Leda. Tama naman ito, away pamilya. Ngunit mali naman yata ang pagbibintang ng Daddy nito si Leda. At mas pinaniwalaan pa nito ang hayop na babae. “Mahal, pagod ang anak mo. Kaya siguro inutusan niya ang pamangkin mo. Saka, wala namang may gusto na madulas siya…” Subalit biglang pinutol ng babaeng mahadera ang iba pang sasabihin ng Mommy ni Leda. “Tita, ang totoo pa niyan. At hindi ko na sana sasabihin ito. Dahil minsan lang naman kung umuwi si Leda rito. Ngunit hindi naman yata tama ang ginawa ng kaibigan nito sa akin. Itinulak po ako ng kaibigan ni Leda kaya nadulas ako---” “What?!” bulalas ko at talagang napalakas ang aking boses. Nanlilisik din ang mga mata ko sa pinsan ni Leda. Hindi ko rin mapigilan ang tumayo dahil sa labis na inis. Ngunit muli akong pinigilan ni Leda ay marahan na umiling. Tila ba sinasabi nito na hayaan ko muna sila. Mayamaya pa’y muling nagsalita ang babaeng mahadera. “Tito, kilala ko ang pinsan kong si Leda, mabait siya at hindi palasagot. Ngunit nagiging ganiyang lang siya dahil sa mga kaibigan niyang dinadala siya sa maling daan---” Ngunit biglang nabaling papunta sa kaliwa ang mukha ng pinsan ni Leda. Nagulat din ako nang biglang sapakin ni Leda ang pinsan nito. “Leda!” Malakas na sigaw ni Ama nito. “Ano Dad, mas paniniwalaan mo pa rin ba ang babaeng iyan, nakakahiya ang kasamaan ng ugali ng babaeng ‘yan lalo na sa ibang tao!” galit na sigaw ni Leda. “Ikaw ang nakakahiya Leda. Lalo na ang ugali mo. Wala kang respeto sa magulang mo lalo na sa pinsan mo. Alam mo bang mas may tiwala pa ako sa pinsan mo kaysa sa ‘yo!” galit na sigaw ng Ama ni Leda. Kitang-kita ko naman ang sakit sa mukha ng aking kaibigan. “Kung ganoon naman pala, hindi ko na kailangan magtagal dito sa bahay ninyong puro plastik ang mga nakatira. Let’s go, Erza,” pagyaya sa akin ni Leda. At nauna nang umalis. “Anak Leda, teka lang muna---” Balak sanang habulin ng Ginang si Leda ngunit pinigilan ito ng asawa niya. “Hindi mo kailangan sundan si Leda. Dahil ayaw kong malaman ng mga tao rito na may suwail akong anak! Hayaan mo siya!” galit na sabi ng Ama ni Leda. Iiling-iling na lamang ako na humakbang. Ngunit bigla akong humarap sa pinsan ni Leda at huling-huli ko ang pagngisi nito. Kaya lalo akong pakikon sa mahaderang ito. “Sir, nakakasiguro ka ba matino ang kinampihan mo kaysa sa sarili mong anak?” Sabay iling ng aking ulo. “Wala kang alam sa pamilyang ito, babae. Kaya huwag kang magsasalita riyan kung wala ka ring maitutulong!” mapang-uyam na sagot ng Daddy ni Leda. Nagkibit balikat na lamang ako. “Yes, wala nga akong alam, Sir. Ngunit kilala ko ang pagkatao ni Leda. Ahh! Whatever! At ikaw na pinsan niya! Akala mo siguro hindi ko tanda ang mukha mo, ano. Ilang beses ka na kayang tumakas para pumunta lang disco bar!” Kitang-kita ko sa mukha ng babae na nagulat ito. Ngunit saglit lang ang pagkagulat nito. “Hindi totoo iyan. Saka hindi ako basta pumupunta sa ganoong bar, huwag kang gumawa ng kwento! Lapastangan ka!” “Okay sabi mo, may mga cctv camera naman ang loob ng bar na pinuntahan mo kagabi. Saka, bestfriend ko ang may-ari ng disco bar. . . Huwag kang mag-alala, Sir. Ipapadala ko sa ‘yo ang mga kuha sa cctv camera na kung papaano sumayaw ang babaeng pinapanigan mo. Di ba, ayaw mo sa mga sinungaling, Mr. Vega?” Sabay baling ko sa pinsan ni Leda at kitang-kita kong namumutla ito. Pagkatapos ay agad akong umalis. Saharap nila para sundan ang aking kaibigan. Ngunit narinig ko pa ang malakas na sigaw ng Daddy ni Leda. “Alam na alam mong ayaw kong pumupunta kayo sa mga bar, ‘di ba? Wala akong kaalam-alam na pumupuslit ka sa gabi!” “Tito, patawad, nagkataong birthday ng isa sa kaibigan ko. Saka, sasabihin ko rin naman sa ‘yo, please! Huwag ka na magalit sa akin. I love you, tito,” narinig kong anas ng babae. Masyado itong sipsip. Pweee! SABAY ilang ng aking ulo. Hanggang sa pumanhik na ako kwarto ni Leda at nakita kong papalabas na ang aking kaibigan sa silid habang dala-dala ang mga bag namin. “Sure ka na bang aalis na tayo, Leda? Hindi mo ba hihintayin ang mga kapatid mo?” tanong ko sa babae at agad na kinuha ang aking bag na dala-dala nito. “Hindi na kailangan. Hindi ko kayang magtigil sa bahay na ito na punong-puno ng mga kaplastikan sa loob ng bahay,” sagot nito sa akin. Ngunit bigla itong lumiko ito papunta sa kwarto. Nagtataka tuloy akong sumunod sa babae. At nang tuluyang itong makapasok sa loob ay nagulat ako dahil pinaggugulo nito ang buong kwarto. Pati ang lamang ng cabinet na puro damit ay pinaghahagis din ni Leda kaya nagkalat ito’y sa ibaba ng tiles. Pati kama at tinikangkang din ni Leda. Pumasok din ito sa loob ng banyo. Mayamaya pa’y lumabas ulit ito ng banyo at may dala-dala na isang timbang tubig at walang habas na pinagbubuhusan ang mga damit. Kung ‘di ako nagkakamali ay mga gamit ito ng pinsan niya. Pati ang kawawand kama ay binuhusan din ni Leda ng tubig. Para tuloy dinaanan ng bagyo ang kwarto. “Let’s go, bestfriend.” Sabay ngisi sa akin ni Leda. At tuloy-tuloy na kaming lumabas ng kwarto. “Ano’ng ginagawa ninyo sa kwarto ko?!” Napahinto kami ni Leda sa paglalakad dahil nasalubong namin ang pinsan nito. Kaya huling-huli rin nito na lumabas kami ng silid niya. “Pinigilan lang namin ang bagyong nakulong sa kwarto mo---”baliw na sagot ko sa pinsan ni Leda. Subalit mabilis itong lumapit sa pinto ng silid nito para alamin kung ano’ng nangyari sa kwarto nito. “Walanghiya ka talaga Leda!” malakas na sigaw ng pinsan niya. Ngunit agad akong hinawakan ni Leda sa aking kamay at mabilis kaming tumakbo. Hanggang sa tuluyan kaming nakalayo sa bahay ng pamilya nito. Ngayon ay nakasakay kami ng bus papunta sa lunsod. Narinig kong panay ang buntonghininga ng aking kaibigan. “Erza, ngayon nakita mo na kung gaano kagulo ang aking pamilya. Kung baga sila ang mga taong plastik. Alam mo bang ayaw nilang inaalam sa mga tao sa lugar namin na ipaalis talaga ako ni Daddy. At ang alam ng mga tao ay nagtatrabaho ako. Simpre ayaw ni Daddy na masira ang pangalan niya sa mga tao. Ang akala rin ng mga tao mabait si Daddy. Alam mo bang kagalang-galang ang tinig ng mga tao sa pamilya namin, eh, kung hindi ko pa alam minsan sinasaktan niya si Mommy!” galit na sabi ni Leda. Kitang-kita ko rin ang pagkuyom ng dalawang kamao nito. Hindi ako nagsalita lalo at naalala ko rin ang nangyaring sinapit ni Inay mula sa mga kamay ng aking Ama. Bata pa ako noon nang makita ko ginawang pambubugbog ni Itay sa aking Ina. Dahil nahuli ni Inay ang aking Ama na may babae ito at sa ultimong bahay pa namin dinala ng Ama ko ang babae nito. Nang saktan ng Inay ko ang babae ni Itay ay galit na galit ang Amo ko at iyon ang dahilan kaya bugbog ng sobra si Ina. Mabuti na lang at may mga mababait na kapitbahay ang umawat. Simula nang makita ko ang nangyaring ‘yun ay tumatak na ito sa aking utak. Simula rin nang magdala ng babae si Itay sa bahay namin ay hindi na rin ito nagpakita sa amin nang umalis ng hapon na ‘yun. Pinagdadasal ko palagi na sana’y hindi na bumalik ang aking Ama dahil magiging kawawa lang ang aking Ina. Mabuti na lang at malakas ako sa Panginoon at hindi na nga nagpakita ang aking Ama. Hindi rin naman kasal sina Inay at Itay kaya hindi na rin naghabol ang Ina ko. Kaya simula nang umalis ang walang kwentang kong Ama ay kinalimutan ko na rin ito. Hindi na naman siya kailangan sa aming buhay. Saka, masaya na si Inay sa bagong asawa nito. Magkasunod kong pinilig ang aking ulo para kalimutan ang mga ala-alang pinatay ko na sa aking isipan. Muli akong tumingin may Leda at nakikita ko ang lungkot sa mukha ng aking kaibigan. “Alam ba ng mga kapatid mo na sinasaktan ng Daddy mo ang Mommy mo, Leda?” “Hindi, dahil palagi naman silang wala. At ako lang ang nakahuli sa ginagawa ni Daddy kay Mommy. Gusto kong isama si Mom dito sa lunsod ngunit ayaw niyang iwan si Daddy at ang katwiran nito ay mahal niya ang aking Ama. Kasa ang sabi niya away mag-asawa lang daw ‘yun. Iwan ko ba kay Mommy. Masyadong nagtitiis sa kasamaan ng ugali ng aking Ama!” galit na sabi ni Leda. Hindi na lamang ako nagsalita. Dahil kahit si Inay ay ganoon din ang katwiran dati. Sapagkat labis niyang mahal ang aking Ama. Kahit ilang beses na nitong nahuli na may babae si Itay ay mahal pa rin ng Inay ko. Katwiran ng Inay ko dati ay magbabago rin daw si Itay. Ngunit para sa akin ay malabo na ‘yung magbabago. Kung talagang babaero ay always babaero na talaga. Sabay na lang kaming napailing ni Leda. Ngunit bigla naman nag-ingay ang aking cellphone. Dali-dali ko itong kinuha at nakita ko si Inay ang tumatawag sa akin. “Inay,” bungad ko agad sa aking Ina. “Anak Erza, papunta kami sa lunsod ngayon. Puwede ka tayong magkita bukas? Saka, nagdesisyon kami ng tito Jay-Jay mo na sa lunsod na manirahan para malapit sa iyo at sa kanyang anak. Free ka ba bukas, anak?” Bigla akong napakagat labi. Lalo at hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto ni Inay. Ngunit kung tatanggi ako ay baka tuluyan nang magtampo ang Inay ko sa akin. “Sige po, Inay. Ibigay mo na lang sa aking ang address ng bahay ninyo at ako na lang ang pupunta riyan.” “Naku! Tiyak na matutuwa ang tito Jay-Jay mo. Para magkakilala na rin kayo ng anak niya o ang maging kapatid mo. Puwede mo siyang tawagin na kuya,” tuwang-tuwa sabi ni Inay. Medyo napangiwi naman ako dahil sa sinabi ni Inay na puwede ko raw tawagin na kuya ang anak ni tito Jay-Jay? Para sa akin ay nakakahiya naman yata ‘yun? NGUNIT hindi ko na isinatinig at baka magdamdam si Inay. Agad din naman akong nagpaalam kay Inay at sinabi kong busy pa ako. Panay naman ang bilin nito sa akin na palagi akong mag-iingat sa bawat pupuntahan ko. Napahinga ako na nang tuluyan kong pinatay ang usapan namin ng Inay ko. Tumingin ako kay Leda at nakita kong malungkot itong tumingin sa bintana. Hindi ko na lamang ginambala ang malalim na pag-iisip ng aking kaibigan. Alam kong balang araw ay malalampasan din nito ang mga problema tungkol sa mga magulang niya. Lumipas ang ilang minuto nang tuluyan kaming makarating sa lunsod. Pagbaba namin ng terminal ay naghiwalay na kami ni Leda. Lalo at ibang way ang daraanan namin pauwi sa aming bahay. Kanya-kanya na rin kaming sakay ng taxi. Hanggang sa muling dumaan ang mahabang sandali at tuluyan na akong nakarating sa tapat ng gate ng aking bahay. Nang makapagbayad sa taxi driver ay agad akong bumaba ng taxi. Hindi pa ako nang-do-door bell sa gate ay bumukas na ‘yun. “Good Morning po, Ms. Erza,” pagbati sa akin ng security guard ko. “Good morning na ba, Manong?” “Opo, Ms. Erza. Sa katunayan po ay alas-kwatro na po ng madaling araw.” Nang marinig ko ang sinabi ng security guard ko ay agad kong tiningnan ang aking relong pambisig at tama nga ang sinabi nitong madaling araw na. Kakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo na pumasok sa loob ng aking kwarto. At para ma-preskuhan ay naligo muna ako para masarap ang tulog ko. Ngunit bago mahiga sa kama ay pinatuyo ko muna ang aking buhok. Subalit biglang hindi maipinta ang aking mukha nang marinig kong nag-iingay ang cellphone ko. “Sino na naman kayang istorbo ito…?” bulong ko pa. Hanggang sa makita kong si Inay ulit ang tumatawag. “Inay,” anas ko at nagkunwaring antok pa. Pero ang totoo ay matutulog pa lang ako. “Anak, pinasa ko na sa ‘yo address ng bahay namin ng tito Jay-Jay mo. Siya nga pala anak. Nararating lang namin. Medyo matagal ang naging biyahe namin. Mabuti nga at sinundo kami ng Anak ni tito Jay-Jay mo sa pantalan. Kung pumayag siguro ako sa hiling ng tito mo na sumakay na lang kami sa private helecopter ay baka maaga kaming nakarating dito sa lunsod,” tuloy-tuloy na litanya ng Ina ko. “Ganoon po ba, Inay. Mas mabuti po siguro kung magpahinga ka muna.” “Oo, anak. Basta hihintayin kita bukas, ganap ng alas-diyes ng umaga rito ka na kumain ng tanghalian, ha?” “Opo, Inay, pupunta po ako riyan.” “Maraming salamat, Erza. Hihintayin kita. Teka, balak ka pa lang kausapin ng anak ng tito Jay-Jay mo.” “Po? Bakit daw ho, Inay?!” “Hindi ko alam, Anak. Oh, heto na siya. Kausapin mo na lang ang kuya mo.” Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Bahala na nga! Hindi ko naman puwedeng basta ko na lang i-off ang cellphone ko. Baka isipin nito na bastos ang Anak ni Inay. “He-Hello po, K-Kuya---”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD