Mental Hospital

3014 Words
Nagising ang aking diwa nang marinig kong may nag-uusap sa paligid ko. Ngunit ayaw namang magmulat ng aking mga mata at para bang lalo akong hinihila papunta sa mas malayong lugar. At simpre mas sinunod ko ang gusto ko ang matulog lalo at antok na antok pa ako. Ngunit bago ako lamunin ulit ng kadaliman ay narinig ko pa ang sinabi ng isang lalaki. “Boss, mukhang baliw yata ang babaeng iyan? Saka, sinong matinong babae ang basta na lang matutulog sa ibabaw ng bubong ng kotse. Siya lang ang nakita ko. Parang pamilyar rin siya.” “Yeah, pamilyar talaga siya at ang mukha niya ay hindi ko malilimutan!” narinig kong anas din ng isang lalaki mukhang galit na galit ito sa akin. At base sa tono ng pananalita ng lalaki ay mukhang kilala ko rin siya. Hindi ko lang matandaan kong saan. Ah! Bahala sila riyan. Basta ako matutulog na muna. Kahit mag-ingay pa sila kapag antok talaga ako hindi ako basta magigising. Buhatin na lang nila ako kung gusto nila, bahala sila sa buhay nila. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong nakatulog. Lumipas ang mahabang sandali. Muling nagising ang diwa ko nang maramdaman kong parang dinuduyan ako, naramdaman ko rin ang malamig na hangin sa na dumadampi sa aking balat. Kaya naman agad kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit puro bituin ang tumambad sa akin mula sa kalangitan. Kumunot ang aking noo. Teka na saan ba ako. Bakit parang tumatkbo itong hinihigaan ko? Tangka sana akong babangon para alamin kung na saan ako. Ngunit hindi ko maikilos ang buong katawan ko. Kaya naman dali-dali kong hinawakan ang nakalagay sa aking katawan. At doon ko napagtanto na may tali ako. Nandito pa rin pala ako sa ibabaw ng bubong ng kotse na kung saan ako bumagna kanina dahil sa labis na kalasingan at antok. Sinong siraulo kaya ang naglagay sa akin ng tali? Anak ng tukwa, oh. Siguro’y hihintayin ko na lang na huminto ang kotse. Tinatamad pa kasi akong tanggaling ang aking tali sa katawan ko, kahit ang totoo ay kaya ko namang alisin. Mayamaya pa’y biglang huminto ang kotse. Dali-dali ko namang ipinikit ang aking mga mata para magkunwaring natutulog. Pinakinggan ko rin ang mga pinag-uusapan ng dalawang tao. Kahit ‘di ko kikita ang isang lalaki ay kilala ko na pala ito. Naku naman! Kapag inaabot nga ng kamalasan! Dahil sa dami-daming tao sa mundong ibabaw ang lalaking ito na naman ang aking makakasagupa. “Boss, sigurado ka na ba na rito mo dadalhin ang babaeng ‘yun? Baka kung magkita kayo ulit ay gumanti ulit sa ‘yo at mas malaking halaga naman ang hingin niya sa ‘yo,” narinig kong anas ng isang lalaki. “Hindi ko na hahayaang mangyari ‘yun na basta na lang akong mautakan ng babaeng ‘yan!” galit na sabi ng lalaking kilalang-kilala ko ang boses. Bigla ring napataas ang aking kilay dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking ‘yun. Mariin ko tuloy ikinuyom ang aking kamao. “Boss, tatanggalin ko na ba ang tali noong babae?” narinig kong tanong ng lalaki. At kung ‘di ako nagkakamali ay driver nito ang lalaking ‘yun o ‘di kaya ay boby guard. “Ako na lang ang mag-aalis ng tali sa katawan ng babaeng ‘yan!” galit pa ring napag-ako ng lalaking pamilyar sa akin. Napataas naman ang kilay ko. Ngunit hindi ako gumalaw at hinintay ko ang paglapit sa akin ng lalaking maangas. Mayamaya pa’y naramdaman kong lumapit sa akin ang lalaki at inaalis na nga ang tali ko sa aking katawan. Hanggang sa bigla akong buhatin nito para alisin sa ibabaw ng bubong. Nagtaka rin ako kung bakit hindi pa niya ako ibinababa sa lupa. Sabagay ang alam nito ay natutulog pa ako. Kaya ang ginawa ko’y dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para alamin kung saan kami papunta. Hanggang sa biglang kumunot ang aking noo dahil papunta kami sa mental hospital. Anak ng tinapa, oh! Ano’ng tingin nito sa akin baliw? Dali-dali ko tuloy itinulak ang dibdib ng lalaki para bitawan ako. Agad naman akong ibinaba ng lalaki. Ngunit nang maibaba na niya ako’y maliksi kong inangat ang aking kamay para upakan ang lalaki. Ayos sapol na sapol ito sa nguso niya. “Ano’ng tingin mo sa akin baliw at diyan mo ako dadalhin sa mental!” nanggagalaiti sa galit, habang nanlalaki ang mga mata ko. Mabilis namang pinahid ng lalaking baliw ang gilid ng labi nito dahil may umagos na dugo roon. Sobrang dilim din ng mukha ng lalaki at parang gusto akong lamunin ng buhay. “Sinong matinong babae ang basta na lang matutulog sa ibabaw ng bubong ng sasakyan, ha?!” pasinghal na tanong nito sa akin. “Ano’ng bang pakialam mo, ha? Hindi porket dito ako natulog sa ibabaw ng bubong ng kotse mo, eh, ituturin mo na akong baliw!” “May problema ba rito, Dortor Prince?” Sabay kaming napalingon sa babaeng lumapit sa amin. At basa ko sa suot nito ay doctor ito sa loob mg mental hospital. “Yes, may problema nga! Doctor. Kayo na ang bahala sa babaeng iyan. Mukhang matindi ang pagkaluwag ng turnilyo sa ulo. Mahirap na at baka makasakit pa siya ng mga tao!” Sabay talikod ni pesteng lalaki. Gigil na gigil na sinundan ko ng tingin ang lalaki. Hanggang sa makita ko ang plastic bottle ay walang habas ko itong sinipa papunta sa butt ng baliw na lalaki. Kitang-kita ko naman ang pagtama ng plastic bottle roon. Wala na rin akong sinayang na oras at mabilis na tumakbo papalayo at baka habulin pa ako ng lalaki. How dare you, woman!” narinig kong sigaw ng baliw na lalaki. Isang malakas na halakhak naman ang aking pinakawalan habang papatawid ako sa kabilang kalsada. Mayamaya pa’y may dumaan ng taxi kaya agad akong sumakay rito nang huminto ito sa aking tabi. Agad ko namang sinabi sa taxi driver ang address ng aking bahay. Lumipas ang mahalaga sandali nang huminto ang taxi sa harap ng bahay ko. Pagkatapos magbayad ay agad akong bumaba ng sa sakyan. At tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng gate. Saktong pagpasok ko sa aking silid ay biglang nag-ingay ang aking cellphone. Agad kong tiningnan kung sino ang caller ko. At nakita kong si Manager Elsa ang tumatawag sa akin. “Busy ka ba ng next week, Er?” tanong ka agad sa akin ni Manager Elsa. “Medyo-medyo lang, sakto-sakto,” baliw na sagot ko sabay upo sa aking kama. Inalis ko rin ang sapin sa aking paa. Ngunit ang isang kamay ko may hawak pa ring cellphone. “Ano’ng sagot ‘yan, Er? Halos isang buwan ka nang bakasyon, marami nang naghahanap sa ‘yo. Kailan ka ba babalik sa pagmomodelo mo? Huwag mo namang kaming iwan sa ere, Er,” anas ni Manager Elsa. “Manager Elsa, hindi ko naman kayo iiwang sa ere. Talagang magpapahinga lamang ako. Medyo tambak din ang trabaho ko sa aking opisina. Saka, hindi ko naman puwedeng pabayaan ang aking companies.” “Nauunawaan kita, Er. Ngunit sana’y huwag mo kaming bibiglain sa pag-alis mo,” malungkot na sabi ni Manager Elsa sa akin. Malakas na lang akong tumawa. “Okay! Okay! Alam ko na ang ibig sabihin ng tono mo sa pagsasalita, Manager Elsa. Saang bansa ba gaganaping ang fashion show?” tanong ko habang umiiling ang ulo. “Canada, puwede ka ba next week, Er?” Hindi muna ako nagsalita nag-isip ako kung ano’ng gagawin ko next week. Wala pa naman akong misyon. Kaya naman agad akong sumang-ayon kay Manager Elsa. Tuwang-tuwa naman ito dahil pumayag ako para irampa ko ang mga iba’t ibang desinyo ng mga damit at bag. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin. Pagbagsak akong nahiga sa kama at isa-isa kong inalis ang aking damit. Hanggang sa tanging bra at panty na lang ang naiwan sa aking katawan. Napangiti din ako dahil parang kailan lang, isa lang akong kasambahay sa bahay ni Aria Fuentebella. Ngunit ngayon isa na akong modelo sa ibang bansa at isa na rin akong kasapi ng secret weapon ng bansa. Hindi ko talaga ito lubos akalain na mangyayari sa akin. Akala ko dati na hanggang pangarap na lang ng gising ang mangyayari sa akin. Ngunit ngayon ay nagkatotoo na. At ngayon nga ay isa na rin akong negosyate. Ilang kompanya na rin ang aking hawak. Lalo na pagdating sa mga damit, bag at mga sapatos na ako mismo ang nag-drawing. May mga pinagkakatiwalaan naman akong mga tao. Kaya hindi ko kailangan na pumunta sa mga kompanya ko at alam kong hindi nila ako gagaguhin. Kailangan ko ring mag-ingat sa mga galaw ko. Hindi rin ako basta nagpapa-interview kahit isa akong modelo sa ibang bansa. Mahirap nang may makakilala sa akin lalo na si Inay. Sabagay, kapag rumarampa na ako ay ibang-iba na ang aking mukha. Lalo at may malaki akong nunal sa aking noo. Saka, kayang-kaya namang itago ng makeup ang tunay na si Ezra Silva. Hindi pa rin ako handa na malaman ni Inay ang tunay kong trabaho at nakakatiyak akong magagalit ito sa akin ng husto baka itakwil ako nito, dahil si Inay pa naman ang tipo ng tao na galit sa mga sinungaling na tao. At baka hambalusin pa ako ng kahoy. ISANG marahas na paghinga na lamang ang aking ginawa. Hanggang sa mataman akong tumingin sa kisame ng aking bahay. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na akong dinalaw ng antok. KINABUKASAN nagising ako dahil sa nag-iingay ang cellphone ko. Kahit antok na antok pa ako’y pinilit kong abutin ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang caller ko at nakita kong si Leda ito. “Ang aga namang mangbulahaw ng babaeng ‘to…?” bulong ko pa. At agad kong sinagot ang caller. “Leda---” paos ang boses ko nang sambitin ko ang pangalan ni Leda. Ngunit ang mga mata ko’y unti-unti na namang nilalamon ng antok. “Maghanda ka na Erza, dahil sasamahan mo akong umuwi sa amin sa Probinsya. Huwag kang mag-alala dahil dalawang araw lamang tayo roon,” tuloy-tuloy na litanya ni Leda. Biglang nawala ang aking antok nang marinig ko ang sinabi ni Leda. “Hindi ba ako katayin ng Daddy mo roon?” tanong ko sa babae. Isang malakas na tawa naman nang pinakawalan ni Leda. Pagkatapos ay muli itong nagsalita. “Hindi naman ganoon si Daddy. Saka, kahit matapang ‘yun ay marunong pa rin iyong tumanggap ng mga bisita. Sige na, susundin na lamang kita riya sa inyo. Bye.” Napakamot na lamang ako sa aking ulo nang mawala na sa kabilang linya si Leda. Kahit tinatamad pang bumangon ay napilitan ako. Dalawang araw lang naman kaya ayos lang na sumama ako sa babaeng ‘yun. Hindi pa naman siguro tatawag sa akin ni Manager Elsa para sa gaganaping fashion show. Nagmamadali na lamang ang mga kilos ko para ayosin ang aking mga gamit nadadalhin. At nang makita kong nailagay ko na sa aking bag ang mga dadalhin ko’y mabilis ko namang inayos ang aking sarili. Tiyak na malalagot ako sa babaeng ‘yun kapag pinaghintay ko siya. Nang matapos akong maligo ay isang pantalon ang akig suot at hanging blouse at kitang-kita talaga ang aking pusod. Umikot pa nga ako sa harap ng salamin at nakita kong ang sexy ko talaga. Oo nga pala, hindi ako magiging isang modelo kung pangit ang aking katawan. Naglagay rin ako ng kaunting lipstick para naman mas lalo akong gumanda. Ang aking buhok ay inilugay ko lamang lalo at basa pa ito. Hanggang sa tumalikod ako para lumabas ng aking silid. Agad kong kinuha ang aking bag nadadalhin at nagmamadali na akong lumabas ng aking kwarto. Nasa hagdan pa lang ako ay narinig ko na ang boses ni Leda at kausap ang kasambahay ko. Ngunit nang tuluyan ko itong masilayan ay biglang akong napahinto sa paghakbang nang makita ko ang suot nito. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi humalagpak ng tawa. “Leda, naka-drugs ka ba? Bakit ganiyan ang suot mo? Mukhang banal na banal ka ngayon, ah? Nagbago ka na ba?” tuloy-tuloy na usisa ko sa babae. Ngunit may nakapaskil pa ring ngisi sa aking mga labi. Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin. Ngunit muntik na akong masamid dahil nakasuot din ito ng malaking salamin sa kanyang mga mata. Para tuloy itong si Miss Tapia. Paano naman, isang mahabang palda ang suot nito at naka-long sleeve polo rin ang babae. Ang init-init ng panahon. Tapos summer pa ngayon at buwan ng April. Tapos ang suot nito sobrang init din. Nahihibang na ba ang babaeng ‘to? Nasobrahan yata ng alak kagabi. “Huwag mo akong tawanan, Erza, dahil hindi lang ako ang magsusuot nito, pati ikaw rin, huh! Binilhan din talaga kita ng ganitong damit, iba nga lang ang kulay ng sa ‘yo---” “What?” Halos lumuwa ang aking mga mata nang ipakita ni Leda sa akin ang damit na susuotin ko. Kitang-kita ko naman ang pagngisi nito sa akin. Hanggang sa dahan-dahan itong humakbang papalapit sa akin. “Erza honey, hindi puwede ang ganiyang suot. Remember, may pagka-old fashion ang daddy at mommy ko. Kaya hindi puwedeng ganiyang ang suotin mo, dalawang araw lang naman bestfriend kaya pagbigyan mo na ako, please,” nakiki-usap na sabi ni Leda sa akin. Isanag buntonghininga ang aking pinakawalan, pagkatapos ay agad kong kinuha ang damit mula sa mga kamay ng babae. Nagpaalam muna ako rito para suotin ang damit na parang sa sinaunang panahon pa. Nang tuluyan ko nang masuot ang damit ay napangiwi na lamang ako. Kinuha ko rin ang salamin sa mata at inilagay ko ito. Mukha na rin akong si Miss Tapia, katulad ni Leda. Ngunit ayaw ko namang tanggihan si Leda at tiyak na magtatampo ito sa akin. Saka, dalawang araw lang naman ang pagiging Santa namin. At babalik na kami sa dati. Hindi na ako tumingin sa harap ng salamin at agad na akong bumalik kay Leda. Kitang-kita ko naman ang pagngisi nito sa akin. Kaya pinanlakihan ko ito ng mga mata. “Bagay rin pala sa ‘yo, Erza.” Sabay abot sa akin ng isang paper. “Ano ‘to, Leda?” “Iyan muna ang pansamantala na susuotin mo habang nasa Probinsya tayo,” sagot nito sa akin. Iiling-iling na inilagay ko na lang sa aking bag ang paper bag. Hanggang sa yayain na ako ni Leda na umalis. Agad kaming sumakay ng taxi ng may dumaan sa aming harapan at nagpahatid papunta sa terminal ng bus. Pagdating sa terminal ng bus ay agad na kumuha ng ticket si Leda para sa aming dalawa. Kung sasamuhin ay puwede kaming sumakay sa aming mga private helecopter. Ngunit hindi namin ginawa lalo na’t walang alam ang daddy ni Leda na sobrang yaman na pala ng anak niya. Ang sabi ni Leda ay kailangan daw naming magpanggap na isang mahirap lamang. Naisip ko rin, ano kayang sinabi ni Leda sa kanyang mga magulang na trabaho niya rito sa lunsod? Napangisi na lamang ako. Malalaman ko rin iyon pagdating namin sa kanila. Hanggang sa lumipas ang mahabang oras. Sa wakas ay nakarating na rin kami sa tapat ng gate ng bahay ni Leda. Masasabi kong may kaya ang pamilya ng babae. Ngunit masyado namang mahigpit ang Ama nito. “Ma’am Leda!” anas ni security guard nang makita si Leda. Agad din kaming pinapasok sa loob. At tanging pagbuka na lang ng aking bibig ang ginawa ko dahil ang masasabi ko lang ay maganda ang bahay ni Leda. “Anak Leda!” mabilis akong lumingon sa babaeng tumawag sa kaibigan ko. Nasundan ko na lang ang mga galaw ng Ginang. Hindi ba sila naiinitan sa suot nila? Sabagay kung nasa aircon naman palagi ay puwede rin na ganiyan ang suotin nila. “Akala ko’y hindi ka na darating, anak,” anas ng Ginang. Pagkatapos ay niyakap nito si Leda. “Puwede ba ‘yun, Mom? Eh, birthday ni Daddy, bukas,” sagot ni Leda sa Ina niya. Pagkatapos ay agad akong pinakilala ni Leda sa Mommy nito. Buong puso na tinanggap naman ako ng Ginang. Mayamaya pa’y may lumabas na isang lalaking wala man lang kangiti-ngiti sa labi nito. “Dad,” anas ni Leda nang makalapit ang lalaking Daddy pala nito. Hanggang sa pinakilala rin ako nito sa kanyang Ama. Tanging pagtango lang ang ginawa ng Ginoo. Pagkatapos ay agad na itong umalis kasama ang Ina ni Leda. “Nakakatakot ang Daddy mo, Leda. Parang gusto ko nang umuwi na lamang.” “Hey! Huwag naman! Saka, pagtiisian mo na kahit dalawang araw lang, Erza.” Isang malalim na buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Hanggang sa yayain na ako ni Leda na pumasok sa bahay nila. Ngunit nasa bungad pa lang kami ng pinto ay may humarang sa amin na isang babae. “Ano’ng ginagawa mo rito, Leda?!” mabalaksik na tanong ng isang babae. Mahaba rin ang kasuotan nito. “Wala kang karapatan na tanungin ako kung anong ginagawa ko rito. Lalo at bahay ito ng mga magulang ko!” sagot ni Leda sa babaeng ingrata. Sino kaya ito? Hanggang sa hawakang ni Leda ang aking kamay at tuloy-tuloy na kaming umakyat sa hagdang at tuluyang makarating sa kwarto ng kaibigan ko. “Kapatid mo ba ‘yun, Leda?” “No! Pinsan ko siya na kinupkop ni Daddy. Plastik ang hayop na ‘yan. Tingnan mo mamaya kapag nagkatipon-tipon na,” sagot ni Leda sa akin. Tangka pa lang akong uupo sa sofa. Nang marinig kong may kumatok sa pinto ng silid ni Leda. Agad na humakbang ang aking kaibigan para buksan ang pintuan. At nakita ko ang pinsan ni Leda ang kumatok. “Tamang-tama ang dating mo Leda. Tutal naman, magiging palamunin ka rito sa bahay, puwede bang ikaw na lang ang maglinis ng buong bahay. Upang makapagpahinga naman ang mga kasambahay. Isama mo na rin ang kasama mo. Parihas lang naman kayong mga palamunin!” Biglang kong naikuyom ang mga kamao ko dahil sa sinabi ng pinsan ni Leda. Paduguin ko kaya ang nguso nito? Masyadong masakit sa tainga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD