Muling Nagkita

2302 Words
“Erza Silva,” narinig ko ang boses ng anak ng tito Jay-Jay. At base sa tono nito ay may pakasuplado ang dating niya sa akin. “Yes, ako po kuya, may kailangan ka ba sa akin at gusto mo akong makausap, brother?” tanong kong nakataas ang kilay ko. “No! Gusto ko lang makatiyak na pupunta ka rito bukas---” Sabay off ng cellphone ng lalaking ‘yun. Kakamot-kamot ako sa aking ulo na nahiga na lamang para matulog. Lalo at antok na antok na ako. Hindi nagtagal ay tuloy-tuloy na akong nilamon ng karimlan. Kaya naman sa sobrang sarap ng aking tulog ay hindi ko namalayan ang oras, kahit nga ang alarm clock ay hindi ko rin narinig. Nagising lang ako sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha at nakita ko ang number ni Inay. Agad ko itong sinagot at baka naghihintay na sa akin. Teka anong oras na ba? Sabay ikot ng aking paningin sa wall clock. Ngunit halos lumuwa ang aking mga mata nang makita kong alas-kwatro na ng hapon. Paktay ako nito kay Inay. “Inay---” kabadong anas ko. Tiyak na sermon ang abot ko sa aking Ina. Ano kayang ipapalusot ko? “Erza, wala ka bang balak pumunta, ha?!” tanong ni Inay at narinig ko ang galit sa tono ng pananalita nito. “I-Inay papunta na po ako riyan. Pasensiya na po kung medyo late akong makakarating---” Ngunit biglang nawala sa kabilang linya si Inay. Mukhang galit talaga ito sa akin. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Kailangan kong pumunta sa bahay nina inay at tito Jay-Jay. Kahit sobra late na. Baka lalong magdamdam sa akin si Inay. Nagmamadali akong bumangon sa kama. Agad akong pumasok sa loob ng banyo para maligo ng mabilisan. Wala pa yatang kalahating oras nang matapos akong maligo. Parang ipo-ipo akong nang magbihis. “Ms. Erza, may bisita ka po, si Mr. Fuentebella,” narinig kong anas ng aking kasambahay. Naman! Kung kailan nagmamadali ako saka naman dumating si boss Zach. Nakakaloko! Dali-dali ko na lamang kinuha ang aking bag na palagi kong dala-dala. Pagkatapos ay agad kong hinarap ang kasambahay ko na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa akin sa labas ng pintuan ng kwarto ko. “Pakisabi kay boss Zach. Susunod na ako.” Sabay ngiti ko sa babae. “Sige po, Ms. Erza.” At agad din itong tumalikod sa akin para muling balikan ang boss Zach ko. Ako naman ay nagmamadali rin na bumaba ng hagdan. “Boss, naligaw ka yata?” tanong ko agad nang tuluyan akong makalapit sa lalaki. “Hindi ako naligaw. Talagang dito talaga ang punta ko, Erza. At heto ang mga files ng kasong hahawakan mo. Pag-aralan mo iyang mabuti. Tatawagan na lang kita kapag oras na para simulan ang misyon mo, Agent Erza,” tuloy-tuloy na litanya ng boss ko. HINDI ako sumagot. Ngunit agad kong binuklak ang folder at tumambad sa akin ang picture ng mga studeyante. Wala na silang mga buhay. Kunot ang noo na tumingin ako sa aking boss Zach. “Kailangan ko bang alamin kung bakit sila namatay, boss?” “Yes, aalamin mo rin kung bakit nangyari iyan sa kanila o ano’ng mga dahilan. Nandiyan lahat sa loob ng folder ang dapat mong malaman. Pati na rin ang university na kung saan sila nag-aaral. Ipapatawag na lang kita kapag ayos na ang lahat, Ezra. At kung may mga fashion show kang dadaluhan ay ayosin mo ka agad para walang sagabal sa ‘yung misyo,” anas sa akin ni Boss Zach. Marahan akong tumango sa aking boss. Kailangan ko pa lang alamin kay Manager Elsa kung kailan gaganapin ang fashion show ko sa ibang bansa lalo at may bago akong misyon na paparating. Hindi naman nagtagal si boss Zach dito sa aking bahay. Ako naman ay muling bumalik sa aking kwarto para itago muna ang folder. Mamaya ko na ito pag-aaralan pagbalik ko. Hindi naman ako magtatagal sa bahay nina Inay at uuwi rin ako mamaya. Nang matiyak kong naitago ko na ng maayos ang files ay muli akong lumabas ng aking silid para umalis. Kahit medyo nagugutom na ay nagtiis na lamang ako ng gutom. Doon lamang ako kakain sa bahay nina Inay. Mabuti na lang paglabas ko ng gate ay may dumaang taxi kaya nagpahatid na ako sa address na ibinigay ni Inay sa akin. Agad kong kinuha ang aking cellphone para tingnan ang address na ipinasa ng Nanay ko. Pinakita ko na lang ito sa driver at baka alam naman nito. “Ah! Malapit lang pala ito, Ma’am,” anas ng driver. Sabay hinto ng taxi. “Kuya, bakit tayo tumigil?” tanong ko sa driver. Lumingon pa nga ako sa likuran ko at natatanaw ko pa ang gate ng aking bahay. Pagkatapos ay muli akong bumaling sa driver. “Ma’am, nandito na po tayo sa address na sinasabi mo sa akin,” sagot ng driver sa akin. “What?” Sabay tingin sa labas ng bintana. Kinuha ko rin ang aking cellphone para tiyakin ang address na pinasa ni Inay sa akin. Jusko po! Anak ng puting pating. Tama nga ang address. Ang masama pa’y ilang bahay lang ang pagitan sa aking bahay at bahay nina inay at tito Jay-Jay. Napahilamos tuloy ako sa aking mukha. “Magkano po, ang pamasahe ko, Manong?” tanong ko sa driver. “Ma'am, 50 pesos po---” “Ano? Pinagloloko ko ba ako? 40 pesos? Eh, diyan lang naman ang bahay na dapad kung puntahan, ah? Bakit 30 pesos ka agad ang hinihingi mo? Nagpapatawa ka ba?” Sabay kuha ko ng 20 pesos sa aking bag at inabot ko sa driver ng taxi. Hindi naman nakaangal ang driver dahil pinanlakihan ko rin ito ng mga mata ko. Ako pa ang gugulangan nito, eh, mas mautak ako rito. Lumapit na lamang ako harap ng gate at agad na akong nagdoor bell. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang maliit na gate. Dumungaw ang security guard. “Dito ba nakatira si Mrs. Ehelyn Hanson?” tanong ko sa security guard. “Dito nga po. Sino po sila, Ms?” “Pakisabi naman nandito ang anak niya si Ezra Silva---” “Ms, Erza. Pumasok ka na po dahil kanina ka pa po hinihintay ni Ma’am Hanson.” At agad na binuksan ang gate. Kahit nag-aalangan ay napilitan akong pumasok sa loob. Mabuti na lang at hinatid ako ng security guard. Masasabi kong malaki ang bahay ng asawa ni Inay. At kung ‘di ako nagkakamali ay bagong pagawa ito. Pagdating namin sa bungad ng bahay ay nakita ko agad si Ina. Nakatalikod ito at mukhang malalim ang iniisip. Napangiti ako dahil ang layo-layo na ni Inay sa dating Nanay ko ang laki ng pinagbago nito lalo na sa pananamit. “Inay!” patawag ko sa aking Ina. Agad namang lumingon ito sa akin. Mukhang gulat na gulat ito nang makita ako. Mayamaya pa’y mabilis itong lumapit sa akin at agad akong niyakap. “Erza anak, akala ko’y hindi ka na pupunta rito?” “Sos! Puwede na ‘yun, Inay. Matitiis ba kita?” At yumakap din ako nang mahigpit sa aking mahal na Ina. Agad naman akong niyaya ni Inay para papasok sa loob ng kabahayan nagpahanda rin si Inay ng makakain ko sa isang kasambahay. “Nasaan po si tito Jay-Jay, Inay?” “Pumunta lang doon sa bahay ng anak niya. Malapit lang naman dito. Baka mamaya ay nandito na rin ang mag-ama.” Marahan akong tumango kay Inay. Nagpalinawag din ako rito kung bakit ngayon lang ako dumating. At simpre katakot-takot na palusot ang aking ginwa. Sana’y balang araw ay maunawaan ako ni Inay kung bakit nagawa kong magsinungalin sa kanya. “Mahal.” Sabay kaming napalingon ni Inay nang marinig namin ang boses ni tito Jay-Jay. Tuwang-tuwa naman ang lalaki nang nakita ako. “Naku! Erza, mabuti at dumating ka dahil kanina pa malungkot ang Inay mo akala niya ay kinalimutan mo na siya,” natatawang saad ni tito Jay-Jay. Napangiti naman ako sa harutang ng mag-asawa. Nakikita ko ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Sana’y hindi magbago ang pagmamahal ni Tito Jay-Jay sa aking Ina. Huwag sanang mangyari ulit ang nangyari kay Inay noong kasama nito ang aking tunay na Ina. Ngunit sa aking nakikita ay mukhang mahal naman ni tito Jay-Jay ang Nanay ko. Mayamaya pa’y sabay kaming napalingon dahil sa pagsulpot ng kasambahay sa aming tabi. “Sir, Jay-Jay, nandiyan po sina Ma'am Tesla at ang anak niyang si Cam,” anas ng kasambahay. “Sige papasukin mo sila,” sagot ng asawa ni Inay. Hanggang sa bumaling ulit si tito Jay-Jay sa aking Ina. “Mahal, ayos lang ba na pangsamanla na rito muna magtigil ang mag-Ina? Habang naghahanap pa sila ng bahay na matitirhan nila. Balak kasi nilang bumili ng bagong bahay. Ngunit wala pa silang mapili,” narinig kong anas ni tito Jay-Jay sa aking Ina. “Oo naman, ayos lamang ‘yun. Saka, malaki naman ang bahay na ito,” mabait na sagot ng aking Ina. Bigla namang tumingin sa akin si tito Jay-Jay. “Maraming salamat, mahal ko,” anas ni tito Jay-Jay sa aking Ina. Hanggang sa ako naman ang balingan ng Ginoo. “Erza anak, pinaayos ko na ang magiging silid mo. At iyon na talaga ang silid mo kung gusto mong mag-stay rito para makasama ang Inay mo. Puwede rin kitang ipasok sa kompanya ko, sabihin mo lang kung gusto mo,” may ngiti sa labi na anas ni tito Jay-Jay sa akin. “Maraming salamat po, Tito Jay-Jay. Ngunit baka umuwi rin ako. Saka, hindi na po kailangan na ipasok mo ako sa kompanya ninyo,” anas kong nahihiya. Kitang-kita ko namang parang nalungkot ang aking Ina. Na-guilty naman ako dahil sa aking inasta. “Kahit ngayong gabi lang, Erza? Ayaw mo talagang matulog sa bahay namin ng tito Jay-Jay mo?” tanong ni Inay at may lungkot sa mga mata nito. Napangiwi akong tumingin sa mag-asawa. “Sige po, Inay. Dito po ako matutulog ngayon gabi,” sagot ko na lamang para hindi magtampo ang Inay ko. Tuwang-tuwa naman ito na yumakap sa akin. Pagkatapos ay agad akong niyaya sa magiging kwarto ko. Pagdating sa magiging silid ko’y agad na sinabi sa akin ni Inay na ito na raw ang silid ko kapag pupunta ako rito. May mga damit na raw ako rito kaya kahit hindi na ako magdala ng aking damit. “Erza anak, huwag kang mahiya kapag nandito ka sa bahay ng tito Jay-Jay mo. Saka, siya rin ang may gusto nito. Teka, talaga bang ayaw mong pumasok sa kompanya niya? Hindi naman sa minamaliit ko ang trabaho mo anak. Ngunit mas makakatulong ‘yun sa ‘yo.” Hinawakan ko ang kamay ni Inay at ngumiti ako ng matamis. “Huwag ninyo akong alalahanin Inay. Saka, mas gusto ko ang trabaho ko ngayon. Ayos na po ako roon.” Isang malalim na buntonghininga naman ang pinakawalan ni Inay. At bigla naman itong nalungkot. “Ayaw mo bang ipagpatuloy ang pag-aaral mo, Erza? Nabanggit din sa akin ni Jay-Jay na dapat mag-aral ka.” “Ang totoo po niyan ay nagbabalak akong mag-aral, ngunit ang gusto ko ay sariling sikap ko Inay. Hayaan mo na lang po ako,” tanging palusot ko. Naku! Kung alam lang ni Inay na tapos na akong mag-aral. Kaya lang hindi ko pa puwedeng sabihin sa Inay ko. Nakakatiyak akong katakot-takot na mga tanong ang ibabato nito sa akin. “Ikaw ang bahala, anak. Basta huwag kang mahiya na lumapit sa akin. Sige maiwan na muna kita rito. Dahil maghahanda ako ng ating hapunan. Magpalit ka na lamang ng damit diyan, Erza.” Pagkatapos ay agad nang tumalikod si Mama para lumabas ng silid na ito. Ako naman ay lumapit sa malaking cabinet. Binuksan ko ito at ang tumambad sa aking harapan ay ang mga damit na mga pambabae. Napangiti ako sa aking nakikita. Gusto talaga ni Inay na rito na lang ako magtigil sa kanila. Ngunit hindi naman puwede ‘yun. Baka hindi ako makakilos ng maayos lalo at may misyon akong haharapin sa sunod na araw. Nagdesisyon na lamang akong magpalit ng damit. Isang hanging blouse at maikling short ang napili kong suotin. Nang makapagbihis ay agad akong nahiga sa ibabaw ng kama at nag-isip ng malalim. Hanggang sa lumipas ang kulang-kulang isang oras. Narinig ko rin ang mga katok sa pinto ng kwarto na kinalalagyan ko. Patamad tuloy akong bumangon para buksan ang pinto. Tumambad sa aking harapan ang mukha ng isang kasambahay. “Ms. Erza, pinatatawag na po kayo ni ni Ma’am Ehelyn, kakain na po ng hapunan.” “Sige po ate, susunod na ako,” sagot ko sa babae. At magaan din akong ngumiti sa babae. Agad naman itong umalis sa aking harapan. Ako naman ay muling bumalik sa kwarto para ayosin muna ang aking buhok. Lumapit ako sa harap ng salamin para tingnan ang aking sarili. Sinuklay ko lang ang aking buhok. At hindi ko na inabala pa na ipusod ito. Hinawakan ko rin ang aking buhok na medyo light brown ang kulay. Pagkatapos ay makailang beses pa akong umikot sa harapan ng salamin. Nagdesisyon na akong pumunta sa hapagkainan at baka naiinip na sina inay at tito Jay-Jay. Agad akong binuksan ang pinto para lumabas. Ngunit maingat ko ring ini-lock ito. Kasalukuyan akong nakatungo habang hawak ko pa ang door knob ng pinto. Hanggang sa muli akong humakbang ngunit ang mga mata ko’y sa ibaba ng tiles nakatingin. Paano ba naman, gandang-ganda ako sa kulay ng tiles ng bahay nina Inay. Subalit, bigla akong napahinto sa paghakbang ko at tuluyan akong bumangga sa malaking pader na may kamay sapagkat naramdaman kong hinawakan ang aking beywang. Upang hindi ako bumagsak. “Hey, be careful, woman!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD