Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. Kaya naman dahan-dahan akong tumingala para tingnan kung tama ang aking hinala. Nang masilayan ko ang mukha ng taong nagpakulong sa akin at ito rin ang lalaking gusto akong dalhin sa mental hospital at iniisip na baliw ako. “You?!” halos panabay na bigkas namin ng lalaki. Kitang-kita ko rin ang pagtataka sa mukha nito. Siguro iniisip nito na isa akong magnanakaw at basta na lang pumasok sa bahay na ito. Hanggang sa bigla akong hawakan nito sa aking braso at agad na isinandal sa pader. “Ano’ng gingawa mo rito sa bahay ng Daddy ko, ha?!” mapang-uyam na tanong sa akin ng lalaki. Hindi mo ako nagsalita. Dahil gusto ko munang makawala mula sa pagkakahawan niya sa akin. Tumingin din ako sa mga mata ng lalaki at kit