Ramdam kong napaunat ang likod nito dahil sa aking ginawa. Gulat na gulat din ang lalaki dahil sa pagsulpot ko mula sa likuran nito. Umikot din ang mga mata ko sa buong paligid at nakita kong halos wala ng mga tao rito. Hanggang sa makita kong gumalaw ang lalaki paharap sa akin at balak akong suntukin sa aking mukha? Ngunit pasensiya na lang siya dahil mas maliksi ang kilos ko. Sapagkat agad kong nasalag ang kamay nito. Gumalaw rin ang isang kamay ko na may hawak na kutsilyo at walang habas na sinaksak ang puwet nito. Natumba naman ito dahil sa sakit ng pagsaksak ko rito. Mabilis akong lumapit sa lalaki at basta ko na lang hinila ito papunta sa mas malaking puno para makatiyak na walang makakakita sa amin. Agad kong inalis ang face mask at salamin na suot nito. Pagkatapos ay muli kung