“Talaga? Ano’ng gagawin mo, ha? Kakagatin mo ulit ang tainga ko, Erza? Hindi na mangyari!” mariing sabi ng lalaki sa akin. Pagkatapos agad na pumasok sa loob ng kotse at isinarado ang pinto ng sasakyan. Galit na galit na tumingin ako sa lalaking Kurimaw na ito. Sumandal lang ito sa upuan at hindi na nagsalita. Kinuha nito ang kanyang cellphone dahil narinig ko ring may nagtext dito. Nakita kong binasa lamang nito. Pagkatapos ay muling tumingin sa akin. “Binabalaan kita, babae. Subukan mo ulit akong kagatin, hahalikan kita!” pagbabanta nito sa akin. Umirap lamang ko rito. Mayamaya pa’y muli niya akong hinawakan at agad na inilabas ng kotse nito. Pagkatapos ay inalis din ng lalaki ang tali ko sa aking katawan. “Oh! Puwede ka nang pumasok sa bahay ninyo. Tapos na tayo mag-usap, Erza!”