KULUNGAN

1216 Words
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng aking kasambahay, ngunit bakit naging boses lalaki ito? Hanip, ah, ang galing mag english. Talo pa ako. Napahagikhik tuloy ako habang paakyat sa hagdan. Nang makarating ako sa itaas ay agad akong lumapit sa bukas na kwarto, teka bakit kaya bukas ito? Marahas na lamang akong napahinga, bukas ko na lang tatanungin si Manang kung bakit bukas na bukas ang kwarto ko? Ganoon din ang gate. Antok na antok na akong bumagsak sa kama. Hanggang sa tuluyan akong lamunin ng karimlan. Ngunit nagising ang diwa ko na parang may nag-uusap sa paligid ko. Gusto ko sanang imulat ang aking mga mata ngunit ayaw namang sumunod ng talukap ko. Narinig ko pa nga ang sinabi ng isang lalaking tila hari ng sanlibutan kung magsalita. “Kilala ba ninyo ang babeng lasing na ‘ya?!” narinig kong bulalas ng lalaking hari yata. “Naku! Hindi po namin siya kilala, seniorita. Dahil kami rin po ay nagulat sa biglang pagpasok niya sa bahay mo,” narinig kong sagot ng babae. Aba! Bakit ang lakas naman ng sound ng tv. Hindi man lang pinahinaan ni Manang, alam naman nila na ako’y natutulog na. Agad kong itinaas ang aking kamay para kuhanin ang unan sa gilid ko. Pagkatapos ay agad ko itong inilagay sa tainga ko para hindi ko marinig ang mga pinag-uusapan nila. HANGGANG sa tuloy-tuloy na akong lumunin ng kadiliman, naramdaman ko pa nga na tila nakalutang ako sa ere o para bang may nagbubuhat sa akin. Ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyong at tuloy-tuloy na akong nakatulog dahil na rin sa kalasingan. Kinabukasan nagising akong sobrang ingay sa paligid. Bigla tuloy nag-init ang aking ulo. Ito pa naman ang ayaw ko sa lahat na natutulog ako ngunit nag-iingay sila. Kaya naman hindi na ako nakapagtimpi pa. “Huwag ninyong hintaying palayas ko kayo sa bahay ko!” sigaw ko sa mga tauhan ko at kasambahay. Ngunit hindi pa rin ako nagmumulat ng mga mata mo. “Papalayasin daw niya tayo?” narinig kong sabi ng isang babae. At saby-sabay rin silang nagtawanan. Na lalong kinainis ko. Dahan-dahan ko tuloy iminulat ang mga mata ko, umikot din ang paningin ko sa buong paligid at doon ko napagtanto na nasa loob ako ng selda. Marahas tuloy akong bumangon. Nag-iisip din ako kung papaano ako nakarating dito sa kulungan? Bakit wala yata akong matandaan? Saka, ibang kulungan pala ito? Hindi ito ‘yung kulungan na paborito akong ikulong ng mga pulis. Napaangat naman ang tingin ko nang lumapit sa harap ko ang dalawang babae. At kung hindi ako nagkakamali ay ito ang siga sa kulungan na ito. Tumingin din ako sa braso ng isang babae na may tattoo. Parang biglang kumati ang kilay ko. Ngunit hindi ko na lamang sila pinansin lalo at antok na antok pa ako. Wala rin ako sa mood makipag-away ngayon, sapagkat may hang over pa ako. Tangka na sana akong hihiga ulit nang biglang magsalita ang isang babaeng may tattoo. “Hoy! Bumangon ka riyan dahil hindi ka, Reyna rito?!” Hindi ko ito pinansin at umayos pa talaga ako ng higa. Bahala ito sa buhay niya. Ngunit bigla kong naramdaman na may tatama sa aking tanga, kaya naman singbilis nang kidlat na inangat ko ang aking kamay para saluhin ang kamao nito. Parteda nakapikit pa ang aking mga mata. Ngunit walang kahirap-hirap na nahawakan ko ang kamao ng isang babae. Gumalaw ang ulo ko para lumingon sa babaeng balak akong suntukin. Dahan-dahan ko ring iminulat ang mga mata ko, ngunit nakapaloob sa akin ang galit para sa taong basta na lang umataki sa akin ng walang paalam. Hanggang sa buong lakas kong pinilipit ang kamay nito na kinasigaw ng babae dahil sa labis na sakit. Sa totoo lang ay gigil na gigil ang nakapaskil sa aking mukha. Subalit bigla rin akong napatingin sa kasama nitong babae at nakita kong balak din akong suntukin. Kaya naman walang pagdadalawang isip na inangat ko ang aking paa at ubod lakas ko itong sinipa dahilan kaya tumalsik ito papalayo at sumadsad papunta sa ilalim ng papag. Nanlilisik ang mga mata ko na muling bumaling sa babaeng hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang kamao. Mabilis din akong tumayo para tuluyan na itong harapin. “Hindi mo ba nakikitang natutulog ako? O, baka naman bulag ko? Kailangan ko bang mas palakihin ang mga mata mo, ha?” Pinitik ko rin ang noo nito. At nakikita kong hindi maipinta ang tabas ng mukha ng babaeng may tattoo. “Patawad, hindi na mauulit,” nagmamakaawang pakiusap nito. Balak ko pa sanang pitikin ang noo nito nang maramdaman kong may paparating dito sa kulungan na kinaroroonan ko. Mabilis kong binitawan ang kamay nito at hinaplos-haplos ang balikat ng babae. “Ano’ng nangyari rito?” narinig kong tanong ng pulis. “Wala po, chief, medyo nagkakamustahan lang kami, hindi ko kasi akalain na nandito rin pala sa kulungan ang dating ka-klase ko noong day care ako,” sagot kong malupit. Hindi ko puwedeng sabihin sa pulis na ito na nagkakagulo kami rito sa loob, nakakatiyak akong ikukulong kami sa bartolina. Ngumiti pa ako ng matamis sa lalaking pulis para maniwala ito sa aking mga pinagsasabi. Nakita kong tumango-tango ang pulis. “Siya nga pala, Ms. Dumating na ang tao na nagdala sa ‘yo rito sa prisento, gusto ka niyang makausap. Sumunod ka sa akin.” Binuksan din nito ang selda upang makalabas ako. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. So, may nagdala talaga sa akin rito sa kulungan? Anak ng tinapa, oh! Kaya naman nagmamadali ang mga hakbang ko para lang makarating ka agad sa tao na nagpakulong sa akin. Malayo pa lang ako’y nakikita ko na ang isang lalaking nakatalikod. Kahit likod lang nito ang nakikita ko’y alam kong mayaman ito. Naisip ko rin--- ano kaya ang maging kasalanan ko rito noong lasing ako? Ngunit sa aking pagkakaalam ay umuwi talaga ako gabi? Kaya paano ako napunta rito? Naman! Bakit wala akong matandaan? Agad akong pinaupo sa harap ng lalaking nagpakulong sa akin. Inis akong tumingin dito. Medyo umangat pa ang kilay ko nang masilayan ko ang mukha nito, dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Ngunit hindi ko na iyon ininda, lalo at binabalot ng inis ang aking puso. “Ano’ng dahilan mo’t pinakulong mo ako, lalaki?!” Hindi ito nagsalita, ngunit kinuha nito ang cellphone niya. Hanggang sa may ipakita ito sa akin na video. Nagrambulan sa pagtaas ang kilay ko nang makita ko ang aking sarili na naglalakad papasok sa loob ng bahay, namataan ko rin ang mga lalaking nakaupo sa sala na parang may pinag-uusapan na mahalaga. “Tell me, woman, akyat bahay ka ba? O, baka naman isang magnanakaw, ngunit may nakainoman ka sa kanto, kaya lasing kang pumasok sa bahay ko, tama ba ako?!” Inis na tumingin ako sa lalaking kaharap ko. “Wala akong dapat na ipaliwanag sa ‘yo, Mr. Dahil hindi naman kita kilala. Kung ayaw mo akong palabasin sa kulungan na ito, hindi ko na kunsensiya ‘yun. At wala akong pakialam sa ‘yo!” “Arrogant woman!” biglang sabi ng lalaki. Hindi ko na lang ito pinansin, nagmamadali na akong tumayo at lumapit sa isang pulis. “Chief, ikulong mo na nga ako, dahil antok pa ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD