Ang Lasing Na Babae

1167 Words
Hindi maipinta ang mukha ko habang pinapanood ko si Inay habang kinakasal sa lalaking iniibig nito sa totoo lang ay nagtatampo pa rin ako sa aking Ina. Ang sabi niya noon sa akin ay hindi na raw siya mag-asawa, dahil natatakot na raw ito sa unang naging asawa nito na aking ama, dahil palagi itong sinasaktan. Bata pa lang ako nang iwan nga kami ni Itay at sumama sa ibang babae. Kaya si Inay lang ang nagtaguyod sa akin. Lahat yata ng trabaho ay pinasok nito upang maibigay ang lahat ng pangangailan ko. Pati ang paglalabandera ay pinasok nito. At doon niya nakilala ang lalaking pinakakasalan nito ngayon. Hindi naman kasal sina Inay at ang Itay ko kaya puwede pang magpakasal ito. Parang nakakasama lang ng loob, dahil ginawa ko rin naman ang lahat upang matulungan si Inay. Kaya nang sabihin sa akin ni Ma’am Aria na dating Amo ko ang tungkol sa secret weapon na hawak ng pinsan nitong si Zach Fuentebella ay hindi ako nagdalawang isip na sumama rito, kahit mahirap sa umpisa ay nagsikap ako upang maibigay ko rin ang pangangailan nito, saka nais kong magpahinga na rin ito sa pagtatrabaho. Alam kong magagalit ito oras na malaman nito ang aking tunay na trabaho, kaya nga ingat na ingat ako sa mga galaw ko. At ang tanging alam ni Inay na trabaho ko sa lunsod ay isa akong kasambahay kaya madalang akong makauwi rito sa Isla Selia. At kung na saan man ako naroroon ngayon, ito ay dahil sa tulong nina Ma’am Aria at boss Zach Fuentebella. Sila ang nagbigay sa akin kung saan ako naroon ngayon. Walang kaalaman-alam si Inay na nakapagtapos ako ng pag-aaral dito sa lunsod, dahil sa tulong ni boss Zach. Marahas na lamang akong nagbuntonghininga, wala na akong magagawa pa kundi tanggapin na lamang na may bagong asawa na si Inay at mayroon na akong pangalawang Ama, na si Tito Jay-jay. Tumingin ako sa mukha ni Inay at nakikita ko naman na masaya ito sa lalaking napili nito. Nag-aalala lamang ako, dahil ayon sa kwento ni Inay, ay may anak si Tito Jay-jay. Paano kung ayaw nito kay Inay bilang stepmother nito. Aba! Hindi puwedeng masaktan ang Inay ko! “Ezra, anak!” Bigla akong nagulat at napatingin kay Inay, nakita kong papalapit na ito sa akin. “Inay,” tanging nasabi ko na lamang. “Hindi mo pa rin ba tanggap na nagpakasal na ako, Erza?” malungkot na tanong sa akin ni Inay. “Nag-aalala lang ako, Inay. Lalo at iba ang katayuan natin sa buhay. Hindi lang basta mayaman si Mr. Hanson. Lalo na’t may anak din siyang lalaki.” “Ano ka ba, Erza. Nakausap ko na ang anak ni Jay-jay at kahit sa video call lang kami nag-usap ay alam kong mabait na bata ‘yun. Hindi siya tutol sa amin ng Ama niya. Hindi lang siya nakarating sa araw ng kasal namin dahil nasa ibang bansa siya. Lalo at isa itong doctor roon,” mahabang salaysay ng Inay ko. Tumungo-tango na lamang ako sa aking Inay. Ayaw ko namang sumama ang loob nito sa akin, kaya kinimkim ko na lamang ang pagtatampo ko rito. “Anak, babalik ka pa ba sa lunsod? Ayaw mo bang manatili na lamang dito? Ang sabi ng tito Jay-jay mo ay puwede ka raw niyang ipasok sa kumpanya niya.” “Inay, hindi naman po ako puwedeng basta na lang umalis sa aking Amo, dahil sobrang laki nang tulong niya sa akin.” Narinig ko namang nagbuntonghininga si Inay. At nakikita ko sa mukha nito ang lungkot. “Sana, palagi mo pa rin akong dalawin kahit na may asawa na ako, Erza.” Ngumiti ako rito. At niyakap ko na lamang ito nang mahigpit, kahit hindi ako magsalita ay gusto kong ipaalam dito sa pamamagitan ng yakap ko na mahal na mahal ko ito. Pagkatapos ng kasal ay nagpaalam na rin akong umalis kay Inay para pumunta sa lunsod. Panay lang ang buntonghininga ko sa biyahe, lalo at hindi pa rin ako makapaniwala na kinasal na si Inay at may asawa na ito ngayon. Hay buhay! Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa lunsod. Ngunit hindi muna ako umuwi sa bahay ko, dahil nagbabalak pa akong dumaan sa bar upang makipag one on one sa alak. Kailangan kong uminom upang maalis ang tampo ko sa aking Inay. Kaya naman pagpasok ko sa loob ng bar ay naghanap ka agad ako ng table na puwede kong ma-pwestuhan. At nang makakita ay sabik akong nag-order ng alak. Pagkababang-pagkababa pa lang ng alak ay agad ko itong tinungga at tuloy-tuloy na nilagok. At nang maubos ko ang laman ng bote ay muli akong nag-order ng alak. Katulad kanina ay basta ko na lamang itong tinungga na parang tubig. Nang alam kong lasing na ako ay roon lamang ako umalis sa loob ng bar at nagdesisyon na akong umuwi. Tumingin din ako sa suot kong relo at nakikita kong alas-otso pa lang ng gabi. Hindi pa pala ako nagtatagal sa loob ng bar pero lasing ka agad ako. Ngunit kailangan ko nang umawi sa bahay ko. Kaya naman nang may tumigil na taxi sa aking harapan ay agad akong sumakay. Sinabi ko sa driver ng taxi na kung saan ako bababa. Lumipas ang ilang sandali nang biglang magsalita ang driver ng taxi. “Ms, kulay maroon ba ang kulay ng gate mo?” “Oo, kuya, sa banda pa roon,” sagot kong namumungay ang mga mata, pinilit kong hindi natulog sa biyahe at baka kung saan ako dalhin ng driver na ito. “Nandito na tayo, Ms.” Agad naman akong kumuha ng pera at ibinigay ko sa driver. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng taxi. Agad akong lumapit sa tapat ng gate ng bahay ko. Kumunot ang aking noo, bakit nag-iba yata ang kulay ng gate ko? Kulay pula ang kulay ng aking gate, ah? Siguro’y lasing lamang ako. Kaya naman nagdesisyon na akong buksan ang gate, ngunit mas lalo akong nagtaka dahil bukas din ito, teka hindi ba sinarado ng security guard? Bukas na lang ako magtatanong dito, lalo at gusto ko na talagang matulog. Kaya naman tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob, kahit medyo nanlalabo na ang mga mata ko’y nakikita kong maraming kotse ang nandito sa garahe ko. Anak ng tinapa! Nag-dodoble na talaga ang tingin ko. Iiling-iling na lamang ako at muling nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kabahayan at pasuray-suray pa na maglakad papasok sa loob. Bigla naman akong tumingin sa sala at nakita ko na para dumami yata ang mga kasambahay ko? Saka, bakit nag-anyong lalaki yata sila? Magkakasusunod ko tuloy pinilig ang ulo ko. Ngunit ganoon pa rin ang nakikita ko. Lasing na talaga ako. “Manang, Undeng, kayo na ang bahala rito, aakyat ako,” anas ko pa. Hanggang sa muling akong naglakad nang pasuray-suray. Napansin din ng mga nanlalabo mga mata ko na sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kasambahay ko. “Bro, who is that girl?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD