CHAPTER 11: Achilles Bautista

1731 Words
NAKATINGIN lamang ako sa aking kʼwarto. Isang linggo naʼng makauwi ako galing sa hospital. Na-aksidente ako ayon kay mommy, pero wala akong matandaan ni-isang nangyari sa akin nang araw na iyon. Unti-unti na rin akong nakakapag-adjust ngayon pagkatapos ng aksidente. Iyon nga lang kahit isang linggo na ako rito sa bahay ay hindi pa rin nila ako pinapagalaw, hindi nila ako pinapalabas sa room ko kung hindi ko pa oras para pumunta sa secret door ko kung nasaan ang aking mga manok. Nagulat nga sina mom and dad, hindi ko kasi maalala na bahay namin ito pero alam ko kung saang direksyon ang secret door kung nasaan ang mga alaga kong manok. Alam mo, hindi ko rin alam kung paano ko nalaman. Ganoʼn siguro kung mahal mo ang mga alaga mo. Kaya hinayaan na lamang nina mom and dad ang tungkol doon. “Miss Xanthi, gising na po ba kayo? Si Myra po ito.” Napatingin ako sa pinto ng aking room. Sinara ko ang librong binabasa ko ngayon at tumayo sa aking sofa, may sarili akong living room sa loob ng aking kʼwarto. “Ate Myra, hello po! Ano pong kailangan niyo?” nakangiting tanong ko sa kanya nang buksan ko ang pinto. Tinignan niya ako. “Nakaligo na pala kayo, Miss Xanthi. Akala ko po tulog pa po kayo,” saad niya sa akin. “Oo nga po pala, nasa ibaba po si Sir Achilles po. Gusto kayong kausapin nang malaman niyang na-aksidente kayo.” dagdag niyang sabi sa akin. Nangunot ang aking noo sa narinig kong pangalan. “Achilles po? Sino po siya?” takang tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata at bigla rin naglaho iyon. “Mr. Achilles Bautista po, Miss Xanthi. Best friend niyo po. Isa rin po pala siya sa nakalimutan niyo,” mahinang sabi ni ate Myra sa akin. “Best friend ko po? Lalaki po ang best friend ko?” Wala talaga akong maalalang Achilles Bautista. Tumango siya sa akin. “Yes po, Miss Xanthi. Nag-iisang best friend niyo po. Matalik na magkaibigan po kayo ni Sir Achilles simula noong bata pa po kayo, magkaibigan ang parents niyong dalawa. Ganoʼn po kayo ka-close, Miss Xanthi. Hindi lang po siya nakadalaw sa inyo dahil sa Europe siya para sa work niya,” paliwanag ni ate Myra sa akin. Oh, magkaibigan kami simula bata. Same sa parents namin. So, marami siyang alam about sa pagkatao ko, gusto kong magtanong sa kanya. Tumango ako kay ate Myra. “Sige po, babaan ko na po siya. Nakakahiya naman po kung maghihintay siya nang matagal. Nasaan po pala siya, ate Myra?” pagtatanong ko sa kanya at sinarado na ang pinto ng room ko. “Nasa patio po siya ngayon, Miss Xanthi, hinihintay na niya kayo,” sagot niya sa akin. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Thanks, ate Myra!” Mabilis akong bumaba at nakita ko ang ilang kasambahay naming nililinis ang vase ni mommy, ningitian ko lamang sila at nilagpasan na rin. Lumakad ako papunta sa patio at doon ay may nakita akong isang lalaking nakatalikod sa akin. Base pa lamang sa likod niya ay matipuno na siya, sa kanyang batok ay nakita ko agad ang ugat niya roon. Kaya natin ito, Xanthi. Hindi natin kasalanan kung bakit nawalan tayo ng alaala at isa siya roon sa hindi natin maalala. “Hello... Kanina ka pa ba?” nakangiting sabi ko sa kanya at lumakad palapit pa sa kanyang pʼwesto. Nakita ko ang kabuuan niya. Moreno, may pagkasingkit ang kanyang mga mata, ang kilay niya ay sobrang kapal, ang matangos niyang ilong, ang buhok niyang barbers cut at ang tindig niya ay matipuno talaga. Nakaka-intimidate ang kanyang tingin niya sa akin ngayon. “I'm sorry, Xanthi. I just found out yesterday that you had an accident. Mom and dad didn't tell me because I was taking care of our company in Paris. Maybe they know that once they tell me that you had an accident, I will immediately come home to the Philippines to see you..” sabi niya sa akin habang nakatingin ang mapuwing niyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya. “Itʼs okay, Achilles. Okay na rin naman ako sa loob ng isang buwan ko at nakauwi na rin ako, isang linggo na ako rito sa bahay namin. Kinda bored dahil hindi pa ako pʼwedeng lumabas muli or mag-alaga ng mga manok ko nang matagal, tanging isang oras lamang ang binibigay nila sa akin para alagaan sila... And, hindi rin kita maalala,” mahinang sabi ko sa kanya, na siyang pagkagat ko sa aking ibabang labi. “I know about that too, Xanthi. Tita Kyla told me about you having selective amnesia... At least, that's all you got from the car accident that happened to you, you didn't have anything else serious in your body. And, you didn't die, Xanthi,” seryosong sabi niya sa akin. Totoo ang sinabi niya. Wala akong natamong malala mula sa car accident, lalo na sa side ko tumama ang malakas na impact na galing sa van na bumangga sa amin. Hindi lang iyon, hindi rin talaga ako namatay. Kaya isang himala na nabuhay talaga ako. Ngumiti ako sa kanya. “Baka binantayan ako ng guardian angel ko, Achilles, kaya wala aking natamong malala sa car accident na iyon. Maging ang doctor ay nagulat nang mabuhay ako. Second life ko na ito kaya pahahalagahan ko talaga nang mabuti. And, gusto ko sanang... Humingi ng tulong sa iyo, gusto kong bumalik ang mga alaala ko talaga, lalo na tungkol sa iyo, ikaw lang daw ang best friend ko sabi ni ate Myra. Kaya pʼwede mo ba akong tulungan?” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakarinig ako nang malakas na pagtawa mula sa kanya. “Silly, Xanthi. Of course, tutulungan kitang bumalik ang alaala mo, okay? Yes, I'm only your best friend because you're shy. I'm also your knight in shining armor but we can't be together, because we promised we're best friends forever. And, we both dislike each other.” Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang kilay habang sinasabi niya iyon. “Thank you, Achilles! Aasahan ko niyan, ha? Pakiramdam ko kasi ay may kulang pa sa sarili ko. Per, wala naman akong mapagtanungan dahil sina mom and dad ay ayokong mag-alala sa kanila. Nahihiya rin ako dahil sobrang busy nila sa business namin, hindi na nga ako makatulong sa kanila dahil pinagpapahinga pa nila ako, pero okay naman ako, Achilles. Kaya bagot na bagot na ako rito!” sabi ko sa kanya at napatingin ako sa dalawang paper bag na nasa gilid niya. Nakarinig na naman ako nang malakas na tawa mula sa kanya. “Hindi pa rin nagbabago ang ugali mo kahit nawalan ka ng alaala, Xanthi,” nakangising sabi niya sa akin. “You saw the paper bags I brought, right? I got you pasalubong, Xanthi. I never forgot you, okay?” Binigay niya iyon sa akin kaya kinuha ko naman. Biyaya na ito kaya bakit tatanggihan ko. “Thanks, Achilles! Kahit hindi kita maalala sa ngayon... But, soon, right?” nakangiting sabi ko sa kanya at binuksan ang unang paper bag. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. “Akin ito?” pagtatanong ko sa kanya. Ngumisi siya at tumango. “Yes, Xanthi. Sa iyo ang bag na iyan. When I saw that, I immediately remembered you. Be thankful that I don't have a girlfriend yet, even though dad and mom are forcing me to get married, same with you, Xanthi. Tita Kyla is the same, right? Kaya ilang beses ka ng nagcha-chat sa akin about doon,” sabi niya sa akin. Forcing to get me married? “Base sa tingin mong niyan mukhang maging iyon ay hindi mo naalala.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang iyon. Hindi ko naman talaga maalala. Tumango ako sa kanya sinabi. “Hindi ko nga maalala. Nakakailang meeting na ba ako para magkaroon ng mapapangasawa?” mahinang tanong ko sa kanya at napalihis ang aming tingin. Ayan na naman ang tawa niyang malakas. “Sinasabi ko na nga ba hindi mo maalala ang mga blind dates na prinepare sa iyo ni tita Kyla, Xanthi. Naka-ilang blind dates na si tita Kyla sa iyo, pero ni-isang pina-blind dates sa iyo ay wala kang tinanggap... Ang sabi mo sa akin mayabang, hambog, walang respeto, at higit sa lahat ay feeling gwapo... Ganoʼn ang mga sinasabi mo sa akin kaya ang lahat ng blind dates mo ay ekis,” mahabang sabi niya sa akin. Kahit pilitin kong alalahanin ay wala akong maalala. Wala, as in wala. “Hindi ko talaga maalala ang mga iyon,” sagot ko sa kanya habang nakaiwas ang tingin ko sa kanya. “Okay lang iyon, Xanthi. Sinabihan din kita na once may red flag kang nakita, umalis ka sa date na iyon.” Napatingin ako kay Achilles. “Katulad mo?” ani ko. Napasandal siya sa kanyang upuan. “Wow, Xanthi. You don't remember anything but ang sakit mong magsalita sa akin, ha?” Napangiti na lamang ako sa kanya. “Sorry. Ang alam ko kasi ay mismong kapwa nila ang nakakaintindi sa kanya. Kaya paniguradong ganoʼn ka rin?” nakangiting sabi ko sa kanya. "Judgmental... Hindi ka pa rin nagbabago. Anyway, ang sinasabi ko lang ay makinig ka sa akin para hindi ka masaktan.” Naging seryoso na ang boses ni Achilles. Napanguso ako sa kanya. “By the way, maibalik tayo sa sinasabi mo... Kailangan ko na ba talaga mag-asawa? Paano kung ayoko pa talaga, lalo naʼt nawalan ako ng alaala.” Iyon talaga ang iniisip ko. Nagkibit-balikat siya sa akin. “Hindi ko lang alam kay tita Kyla. But, for me, kausapin mo na lang ang mom mo at sabihin ang tungkol dʼyan. Kasi kung tutulungan pa kita, maging ako ay damay... Maaalala muli ni mom na need ko na rin mag-asawa,” nakangiting sabi niya sa akin at nakita ko ang pagsipol niya. Napangiwi ako sa kanya. “Akala ko ba best friend kita?” “Of course, Xanthi! Pero, need ko ring maging ligtas sa arrange marriage na iyan.” Magiging ligtas din kaya ako sa arrange marriage na ito, o, sa blind dates na sinasabi ng Achilles na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD