CHAPTER 12: Titser Xanthi

2147 Words
NAKAALIS na rin si Achilles matapos ng dalawang oras naming nag-kʼwentuhan about sa blind dates sa pagitan naming dalawa. Parang akong naubusan ng energy sa kanya, ang ligalig niya. “Miss Xanthi, ako na po,” saad ni ate Myra at binigay ko ang dalawang paper bags sa kanya. “Thank you po, ate Myra. Pupunta lang po ako sa mga manok ko,” sabi ko sa kanya. “Isang oras lamang po, Miss Xanthi. Pinapaalala ko po sa inyo.” “Alam ko po, ate Myra,” nakangiting sabi ko sa kanya at lumakad na ako papunta sa gilid ng bahay namin, nandoon ang secret door kung nasaan ang aking mga alaga. Naglalakad na ako papunta sa mga manok ko nang maalala ko ang sinabi ni Achilles kanina babalik siya bukas. Paniguradong ubos na naman ang energy ko nito. Lalo naʼt nangako siyang tutulungan niya akong bumalik ang aking alaala. Ano naman kaya gagawin niya para bumalik paunti-unti ang alaala ko? Hindi ko na lamang pinansin iyon at pumasok na ko sa secret door kung nasaan ang mga manok kong naghihintay sa akin. “Hello sa mga alaga kong manok! Nandito na ang maganda niyong amo na si Xanthi!” malakas na sabi ko sa kanila nang makita ko ang manok kong nakakalat sa paligid. “Bwak! Bwak!” “Titilaok!” sabay nilang ingay at lumipad-lipad sa paligid ng kanilang bahay. “Oopss, hindi ko na kayo bibigyan ng pagkain. Nakita ko si Gio, tapos na raw niya kayo pakainin.” kausap ko sa kanila. Hindi ko alam pero sobrang mahal ko ang mga alaga kong manok. “Kumain lang kayo nang kumain, akong bahala sa inyo! Hindi kayo magiging fried chicken. Hindi ko hahayaan.” Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ko ang twenty kong chickens. “Darling, I heard from Myra that Achilles visited earlier. did you two talk? Bago pala iyon, nakilala mo ba siya?” tanong ni mom sa akin. Nasa hapag-kainan na kaming tatlo at kumakain ng dinner. “Um, actually, mom, hindi ko po siya nakilala. Sinabi ko rin po sa kanya talaga na hindi ko siya matandaan... Then, sinabi niya na sinabi niyo na I have selective amnesia, kaya hindi na siya nagulat pa,” sabi ko sa kanya. “Yes, darling, sinabi ko sa kanya iyon. Para hindi na siya mabigla kapag nagkita na kayong dalawa.” Tumango ako sa kanya. “Hindi nga po siya nagulat, mom. And, sabi niya tutulungan niya akong ibalik ang ibang memory ko po... Kaya dadalaw ulit siya bukas,” saad ko sa kanya. “Hindi pa rin talaga nagbabago si Achilles, anak. Nag-aalala pa rin siya sa iyo. Iba rin talaga ang pagpapalaki nina Aries and Leona sa kanya, mahal.” Si daddy ang nagsalita. “Alam mo naman sina Leona and Aries ay mahigpit ang mga iyon pagdating kay Achilles, lalo naʼt nag-iisang anak din nila.” Parehas pala kaming only child ni Achilles kaya pala naging mag-bestfriend kaming dalawa. “Darling, kailangan mo nga ng tulong mula kay Achilles, paniguradong matutulungan ka naman niya dahil simula pagkabata ay sanggang dikit na kayong dalawa. And, busy rin kami ng dad mo sa business natin kaya hindi ka namin matutukan,” saad ni mom sa akin at hinawakan niya ang aking kamay. “Kaya kailangan mo si Achilles para malaman ang iba pang need mong matutunan at bumalik ang ibang memories mo. Pasensya na, darling, ha?” Ngumiti na lamang ako kay mommy at hinaplos din ang kanyang palad. “Huwag po kayong mag-alala, mommy. Kaya ko na po ito,” paninigurado ko sa kanila at ningitian siya. Natapos na rin kaming mag-dinner at nauna na akong umakyat sa room ko. Sinabihan ko na rin si ate Myra na magpahinga na rin. Naghilamos na ako at nagpalit ng damit para makatulog na rin, bukas ay pupunta na naman si Achilles para dalawin ako. Nakaupo na ako sa aking bed at napansin kong umiilaw ang aking phone sa side table, dinampot ko iyon at nakita ko ang name ni Achilles sa screen. Achilles: Good night, Xanthi! See you tomorrow! May pupuntahan tayo bukas, paniguradong isa ito sa nakalimutan mo. Sleep well, Xanthi! Napangiti ako sa chat ni Achilles at natawa rin dahil sa nickname na nakalagay roon, 'the best boy bestfriend', huh? Maniniwala na ako sa kanya. At, saan kaya niya ako dadalahin bukas? Parang sure siya na nakalimutan ko rin iyon. Hay, bahala na. Basta excited ako kung saan kami pupunta. Maaga akong nagising at bakas sa aking mukha ang kasiyahan. Halos hindi ako makatulog dahil sa chat ni Achilles kagabi. Sobrang excited talaga ako kung ano ang magiging ganap ngayong araw. “Good morning po, Miss Xanthi. Nakabihis na po kayo agad!” Napangiti ako kay ate Myra nang makasalubong ko siya sa labas ng room ko. “Good morning din po, ate Myra! Nandʼyan na po ba si Achilles?” pagtatanong ko sa kanya at sabay na kaming naglakad pababa. “Wala pa po, Miss Xanthi. Baka dumating rin po si Sir Achilles maya-maya po,” nakangiting sagot niya sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya. Naku, kapag inindian ako ni Achilles, masasampal ko angg is an giyok. Papalitan ko rin ang nickname niyang 'the best boy bestfriend'. Kumain na lamang muna ako na niluto ni ate Flor habang hinihintay ang Achilles na iyon. Tinenxt ko na rin siya para malaman niyang naghihintay ako sa kanya. Xanthi: Hey, Achilles, nasaan ka na? Naghihintay na ako rito, ha! Chat ko sa kanya nang paulit-ulit, naglagay na nga rin ako ng angry emoticon para malaman niyang galit na ako. Kalahating oras na ang nakakalipas nang matapos akong kumain. Nandito na ako nakatambay sa patio namin at hinihintay pa rin siya, wala akong nakuha ng reply mula sa kanya. Xanthi: Achilles Bautista, nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay sa iyo! As in, kanina pa! Nababagot na akong maghintay sa iyo. Itatakwil kita! Chat ko muli sa kanya at ilang beses ko iyong kinopy-paste. “Ate Myra, wala pa rin po ba?” pagtatanong ko sa kanya ng dalhan niya ako ng tubig. “Wala pa rin po, Miss Xanthi. Gusto niyo po bang tawagan ko sa bahay ng mga Bautista po?” alok niya sa akin nang ilapag niya ang baso ng tubig sa table. “Sure po, ate Xanthi, paki-tawagan na po siya sa bahay nila at baka tulog pa po hanggang ngayo— ay, no need na po, ate Myra, nagtext na po si Achilles. Nakapasok na po siya sa gate,” sabi ko sa kanya at pinakita ang chat na natanggap ko mula kay Achilles. Achilles: Sorry, Xanthi! Dumaan pa ako sa favorite mong fast food restaurant kaya na-late ako. Sorry na! Huwag mo ko isumbong kay mom and kay tita Kyla! Basa ko roon sa kanyang chat at may kasama pang sad emoticon doon. Napailing na lamang ako sa kanya. Dumaan ba talaga siya sa favorite restaurant ko? Or, na-late lang siya ng gising? “Miss Xanthi, dumating na po si Sir Achilles!” Narinig namin ang boses ni kuya Carlito. Napatayo na rin ako at nakahinga nang maluwag. “Akala ko hindi na siya pupunta,” saad ko kay ate Myra. “Muntik na rin akong tumawag sa kanila, Miss Xanthi.” Tumango ako sa sinabi niyang iyon. Lumabas na rin ako para puntahan na siya at sungitan. “Xanthi, Iʼm sorry! Pero, nabili ko naman ang favorite mong food!” nakangiting sabi niya sa akin at tumaas-taas pa ang kanyang magkabilang kilay. Tinaasan ko siya ng aking kanang kilay. “Almost two hours akong naghintay sa iyo, Achilles. Actually, tatawag na sana kami sa bahay niyo para sabihin wala ka pa,” simangot na sabi ko sa kanya. Napangiwi siya sa sinabi ko. “Buti na lang dumating agad ako. Kung ʼdi tumatawag na si mom sa akin.” Kakamot-kamot niya sa kanyang buhok habang hindi makatingin sa akin. “Saan ba tayo pupunta, Achilles, ha?” tanong ko sa kanya nang makasakay na ako sa kotse niya. Tinanggap ko na rin ang binili niyang pagkain sa akin, isa siyang sandwich na tinatawag niyang mortadella at iced choco-caramel. “Thanks pala rito, Achilles, kahit late ka,” babalang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag-alon ng kanyang lalamunan. “Huwag mo ng ipaalala pa, Xanthi. Heto na nga bumabawi na ako... And, hindi mo talaga naalala ang tungkol dito, ha?” nakangising sabi niya sa akin habang ang tingin niya ay nasa harapan, sa kalsada. “Tungkol saan nga, Achilles? Donʼt play with me,” madiin na sabi ko sa kanya. Tinaas niya ang kanyang kamay na siyang paglaki ng mga mata ko. “Hey, Achilles, iyong kamay mo! Baka nakakalimutan mong kagagaling ko lang sa car accident!” matinis na sabi ko sa kanya at napapikit ako. “Xanthi, sorry! Nakahawak na ako sa manibela! Sorry! Nakalimutan ko ang about doon!” Dinilat ko na ang aking mga mata at nakita kong nandoon na muli sa manibela ang dalawang kamay niya. “Huwag mo ulit gagawin iyon, Achilles. Kinakabahan ako,” saad ko sa kanya at napahawak sa aking dibdib. “Iʼm sorry...” Tumango na lamang ako sa kanya. Naramdaman ko naman na sincere niya sa kanyang sinabi. “Huwag mo na ulit gagawin iyon, ha? Isusumbong na talaga kita, tita Leona!” Minata ko siya. Ilang oras na rin ang tinagal ng pagda-drive ni Achilles nang makarating kami, huminto na kasi siya sa pagda-drive. Hindi naman siya hihinto kung wala pa kami sa pinuntahan namin. “Nandito na ba tayo?” pagtatanong ko sa kanya. “Yes, nandito na tayo, Xanthi. But, before we go out, wear this blind fold over your eyes. This is a surprise, right?” He said with a smile to me and gave me the blind fold he was holding. Ready talaga siya, ha? Kinuha ko ang blind fold sa kanyang kamay. “Hey, Achilles, bakit kailangan ko pang mag-blindfold, ha?” pagtatanong ko sa kanya at tinaas itong panyo. “Kailangan mo talaga iyan, surprise ang ipapakita ko sa iyo,” nakangising sabi pa rin niya habang ang tingin ay nasa harapan. Wala na talaga akong nagawa kung ʼdi isuot iyon. “Ayusin mo ang pag-gabay sa akin, Achilles. Mababatukan kita kapag nadapa ako,” babala kong sabi sa kanya. “Oo naman, Xanthi. Pangako!” Tinaas pa niya ang kanyang kanang kamay sa akin. Naramdaman kong inaalalayanan ako ni Achilles, nakahawak lamang ako sa kanya nang mahigpit. Naglalakad pa rin kaming dalawa hanggang napahinto na siya sa paglalakad. “Nandito na ba tayo, Achilles?” tanong ko sa kanya. “Yes, Xanthi. Bibitawan na kita, ha? Kapag sinabi kong take off your blind fold, tanggalin mo na, ha?” “Hey, saan ka pupunta, Achilles? Baka pina-prank mo ko, ha?” malakas na sabi ko sa kanya. “Iʼm not, Xanthi! Trust me, okay?” Napalunok ako sa kanyang sinabi, pero tumango na rin ako. “Xanthi, take off your blind fold!” Narinig ko ang malakas na boses ni Achilles. Sinunod ko siya at tinanggal na ang blind fold na nakalagay sa aking mata. Napaawang ang aking labi nang may makita akong mga bata sa harapan ko ngayon. “Welcome back, Maʼam Xanthi!” sabay-sabay nilang sabi sa akin, na siyang hindi ako makapaniwala. “A-ano ito?” nagtataka kong tanong sa kanila. “Xanthi, heto ang isa sa mga nakalimutan mo... Ang pinagawa mong daycare center mo para sa kanila,” saad ni Achilles sa akin at tinuro ang mga bata sa aking harapan. Sa tantsya ko ay nasa edad silang four years old to six years old. “Daycare center? K-kailan pa?” tanong ko sa kanila. “Hello, Miss Xanthi, ako ang isa sa teacher ng mga batang nandito na tinulungan mo, ako si Vanessa. Simula po grumaduate kayo ng college, pinatayo niyo po ito bilang graduation gift niyo. Kaya nag-alala po kaming lahat nang malaman na na-aksidente kayo. Sobrang namiss po kayo ng mga bata.” Hindi ko na napigilang umiiyak na ako. “T-thank you... Kahit nawalan ako ng alaala ay inaalala niyo pa rin ako,” naiiyak na sabi ko. Lumakad ako palapit sa kanila, na siyang pagyakap ng mga bata sa akin. “We miss you, maʼam Xanthi!” malakas nilang sabi at niyakap din nila ako. Napangiti ako nang malaki habang nakatingin sa mga bata nandito. May tinayo pala akong daycare center para sa kanila. Hindi ko nga naalala ito. Napalingon ako kay Achilles. “Thanks!” sambit ko sa kanya at muling nakipaglaro sa mga bata. Pakiramdam ko sobrang hilig ko sa mga bata. Parang nagkaroon na ako ng anak. Baka sa first life ko, ano? Naniniwala kasi ako sa reincarnation.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD