TATLONG araw ang nakakalipas nang mulang magising ako sa mahimbing kong pagkatulog sa isang buwan din na iyon. “Ate Myra, hindi pa po ba ako pʼwedeng umuwi?” pagtatanong ko sa kanya. Nagbabalat siya ng apple para kainin ko. “Miss Xanthi, sabi ni maʼam Kyla kanina ay kakausapin pa niya raw ang doctor niyo para makauwi na kayo. Alam naman po naming nababagot na rin kayo rito,” sagot niya sa akin. “Kumain na po muna kayo ng mansanas para lumakas na po muli ang katawan niyo. Ang dami rin naming ituturo sa inyo muli, lalo na ang mga tao sa bahay niyo.” Tumango ako sa kanya. Wala talaga akong maalala maliban sa sarili ko at maging sa parents ko, pʼwera roon ay malabo na sa akin. “Sige po. Nababagot na po kasi ako rito at inaalala ko po iyong mga manok ko. Baka namimiss na rin nila ako,” sam