“Kaya mo bang kunin ang katawan niya para muli kang mabuhay?” tanong niya sa akin.
Nakatingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa kanyang sarili.
Taas-noo akong tumango kina San Pedro at Achilles. “Kaya kong kunin ang kanyang katawan, ganoʼng dapat siya ang nasa position ko six months ago na. Kaya kong mabuhay muli kahit nasa ibang katawan na ako. Gagawin ko ang lahat para makabalik sa tatlong asawa ko at sa kambal kong anak,” seryosong sabi ko sa kanya.
“Kung gusto mo talagang mabuhay muli. Ipapakita ni Achilles sa iyo kung anong buhay mayroʼn ang isang Xanthi Curtis, Miya Apodar Lazaro. Pero, once na bumalik ka sa mundo ng mga tao, taon na ang nakakalipas roon.”
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. “T-taon na? I mean, wala pa naman tayong isang araw rito, ʼdi ba?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Ang isang oras dito ay katumbas ng isang taon na sa mundo niyo, tao! Kanina pa tayo rito, anim oras na ang nakakalipas kaya anim na taon na ang nakakalipas sa mundo niyo!” putak ng Achilles na manok na ito.
Anim na taon na ang nakakalipas sa anim na oras ko rito sa mundo ng walang hanggang? Kumabog nang mabilis ang puso ko. “K-kung anim na taon na nakakalipas sa mundo ko... Ibig bang sabihin, anim na taon na ang kambal ko?” pagtatanong ko sa kanila.
Lumipad si manok sa buong paligid at tumitilaok siya ngayon. “Tumpak, tao! Anim na taon na ang nakalilipas, kaya anim taon na rin sila! Paniguradong ang mga asawa mo ay may asaw—”
“Stop!” malakas na sabi ko sa kanya. Gagawin ko talaga siyang pritong manok, tinola na lang kaya, or adobong manok? “Hindi ako maniniwala sa huling sasabihin mo. Alam kong hindi nila ako papalitan,” sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
“Tama ang sinabi mo, Miya Apodar Lazaro. Wala pang asawa ang mga asawa sa mundo ng mga tao, pero sa susunod na buwan ay hindi ko maipapangakong wala pa rin silang asawa kung mahuhuli ka sa pagbaba mo.”
Nangunot ang aking noo sa sinabi ni San Pedro. “Ano ang ibig mong sabihin?” takang tanong ko sa kanya.
“Xanthi Curtis, ang taong dapat na patay na ay ipapakilala sa kanya ang anak ng mga Lazaro. Siya ang papalit sa pʼwesto mo.”
Napahawak ako sa aking dibdib nang marinig ang sinabi niya. “Siya ang papalit sa pʼwesto ko? Kung katawan niya ang papasukan ko, ibigsabihin ay ako pa rin ang magiging asawa nila?” pagtatanong ko sa kanila.
“Matalino ka rin pala, tao.”
Napasimangot ako sa sinabi ng manok na ito. Konti na lamang. Konti na lamang ay kakatayin ko na talaga siya.
“Gusto kong malaman kung anong buhay ni Xanthi Curtis. Gusto kong malaman para kapag-harapan siya,” sabi ko sa kanila.
“Kung gusto mo talagang malaman, sumunod ka sa amin. Sundan mo lamang kami para makita ang buhay ng isang Xanthi Curtis.” Tinanguan ko sila at naunang lumakad si San Pedro kasunod si Manok na lumilipad-lipad at ako na naglalakad sa likod nila.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
“Saan tayo pupunta ngayon?” pagtatanong ko kay San Pedro.
Naglalakad kami pero hindi ko alam kung saan ang pupuntahan namin. Sobrang puti sa buong paligid, isama mo pa na pareho-pareho ang tanawin dito.
“Bababa tayo para puntahan ang Xanthi Curtis na iyon, tao!” Si manok ang sumagot sa aking tanong. “Once na makita mo siya ay makikita natin ang buhay na mayroʼn siya.” Tumango ako sa kanyang sinabi hanggang napahinto na sa paglalakad si San Pedro.
“Nandito na tayo. Pumasok na kayo ni Achilles, kayo lamang ang papasok para makababa sa mundo ng mga tao,” sabi ni San Pedro sa amin kaya tumango ako sa kanya.
Pumasok na kami sa loob nitong si Manok. Sa pagkapasok namin ay bigla na lamang umikot ang kʼwarto na siyang kinabigla ko, halos tumagal iyon ng limang minuto hanggang nahulog na kami.
“Nasaan na tayo?” pagtatanong kay manok at lumingon sa paligid. “Manok, nasaan ta—eh? Nasaan ka?” malakas na sabi ko at hinanap siya sa likod ko, pero wala siya.
Nagkahiwalay ba kami? Pero, nasa gilid ko lang naman siya kanina. Nasaan kaya gumala ang manok na iyon?
Lumakad na lamang ako kung saan ako binaba ng kʼwartong pinasukan namin kanina. Green na green ang dinadaanan ko dahil na rin sa mga damong tumutubo.
Nasaan ba ako? Alam ko ay pupuntahan namin si Xanthi Curtis? Ibig bang sabihin nandito si Xanthi? Bahay ba nila ito?
Lumakad pa ako kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, hanggang mapahinto ako nang may marinig akong boses.
“Miss Xanthi! Miss Xanthi!”
Miss Xanthi?
Sinundan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon hanggang mapadpad ako sa dulo. “The end na ito, ha?” takang tanong ko.
May pader na nasa harapan ko at may mga dahon na nakalagay roon. Nawala rin ang boses na naririnig ko.
“Miss Xanthi! Nandʼyan po ba kayo?”
Halos mapaatras ako nang makitang may isang kasambahay sa aking harapan. Tumagos ang kanyang kamay sa aking katawan.
“Miss Xanthi, ilang beses po kayong sinasabihan ni Maʼam Kyla na aalis kayo ngayong araw,” malakas na sabi ng kasambahay na nasa harapan ko.
Nanlaki ang aking mga mata nang may buksan siyang pinto sa may pader. May secret door. Sumunod ako sa kanya at nakita kong ang daming manok sa paligid ko ngayon.
“Hello, ate Myra, pasensya na po kung nautusan ka ni mom na puntahan ako rito.”
I'm mesmerized by the beauty of her face. Mala-anghel ang kanyang mukha, isama mo pa sobrang puti niya, para siyang model sa isang sabon na pampaputi.
“Hoy, tao, kanina pa kita hinahanap! Saan ka galing?”
Nawala ang tingin ko sa ganda ng mukha ni Xanthi, ang babaeng papalitan ko.
Tinarayan ko ang manok na ito sa aking gilid. “Hoy, ikaw ang nawala sa gilid ko! Hinanap nga kita tapos makikita kitang kumakain na ri—to... Ano ito? Ang daming manok?” takang tanong ko sa kanya at tinignan ang paligid.
Ang daming manok sa paligid ko ngayon.
“Ngayon mo lang napansin? Ang pamilya ng Xanthi na ito ay may poultry business. Pero, ang nakikita mo ngayon ay mga alaga talaga niya. Hindi pʼwedeng kainin or katayin,” saad niya sa akin habang tumutuka sa mga manok na nandito.
Ang kapal din ng isang ito? Nakikikain sa mga totoong manok.
“May poultry business sila? Kaya pala ganito ang mga alaga niya? Mga manok,” saad ko at tinignan ang paligid namin ngayon.
“Miss Xanthi, magpalit na po kayo, aalis na po kayo ni Maʼam Kyla.”
Nagawi muli ang aking tingin kay Xanthi at sa kasambahay. “Oo na po, ate Myra. Pinakain ko lamang po ang mga alaga kong manok para hindi sila magutom. Paniguradong bibili na naman si mom na mga bagong damit para makahanap ako ng mapapangasawa ko.” Nakita ko ang mga mata niyang may lungkot doon.
“Miss Xanthi, nasa tamang edad na po kayo para mag-asawa. Nag-aalala lang din po sina Maʼam Kyla and Sir Xervino sa inyo po, lalo naʼt nag-iisang anak lamang nila kayo. Gusto nilang maging maganda ang buhay niyo.”
Napanguso si Xanthi sa sinabi ng kasambahay nila. “Ayoko pang mag-asawa, ate Myra. At saka, lahat ng pinapakilala nila sa akin ay habol ang business na mayroʼn kami lalo naʼt kilala ang poultry business namin pagdating sa chicken and eggs namin... Hindi lamang iyon dahil na rin sa malaki naming lupa na nakapangalan sa akin. Iyon ang gusto nila sa akin, ate Myra. Pero, ang pagmamahal na gusto kong makuha sa lalaki ay wala.”
Bigla akong naawa sa kanya.
“Heto ang buhay ng papalitan mo, tao. Hindi lahat ng mayaman ay masaya...”
Tumango ako sa sinabi ni Manok sa akin. “Dahil ba rito kaya gusto niyang mamatay?” pagtatanong ko sa kanya.
“Hindi iyon ang dahilan, tao. May malalim pang dahilan na siyang dapat ay alamin mo. Nakaligtas siya dahil sa hindi inaasahan...” saad niya sa akin habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Xanthi.
“Maganda naman ang buhay ko, ate Myra. Heto ang gusto kong buhay. Gusto ko ngang tumira sa probinsya namin at pagtuunan pansinin ang aming poultry doon, pero ayaw nina mom and dad. Dahil ano? Ako ang nag-iisang magmamana ng mga business namin.”
Hinagod ni Myra ang likod ni Xanthi. “Kaya nga po ay dapat tatagan niyo ang loob niyo, Miss Xanthi. Kayo lang din po ang mag-aasikaso sa business niyo kapag pinasang sa inyo ni Sir Xervino ang company niyo.”
“Ha! Kaya nga po ginagawa ko ang lahat para sa company namin, ate Myra.” Tumingin siya sa mga alaga niyang manok. “Sanchi, aalis na muna ako, ha! Napakain ko na naman kayong lahat. Magpakabusog!” malakas niyang sabi sa mga alaga niyang manok. Nabilang ko ang mga iyon, nasa 20 chickens ang nandito, puro puti ang mga manok niya.
Lumakad na sila palabas sa secret door na ito. Susunod na sana ako nang makitang kumakain pa rin ang manok na si Achilles kaya kinuha ko siya at lumakad para sundan si Xanthi.
“Kumakain pa ako, tao! Bakit sinama mo ko agad!” pumuputak niyang sabi sa akin.
Tinitigan ko siya nang masama. “Manahimik ka, manok, gagawin kitang fried chicken!” madiin na sabi ko sa kanya kaya nawala ang pagwawala niya.
Kailangan kong panoorin ang buhay ni Xanthi dahil ako ang papalit sa katawan niya.