NAKARATING kami rito sa kʼwarto ni Xanthi, sobrang laki ng kanyang room, may sarili pa siyang sofa, may malaking television, may mga picture frame sa paligid ng kanyang room at higit sa lahat ay aesthetic ang kanyang room.
“Hay! I don't want to go out today, but even if I don't, mom will still insist that we go out and bond. Knowing her, she will definitely insist on what she wants.”
Narinig ko ang sinasabi ni Xanthi. Pinakawalan ko na itong manok at sumunod sa kanya sa bathroom. Napatalikod ako nang makitang hubud-hubad siya. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko ito, na alam kong hindi naman niya ako nakikita.
“Kailan ba titigil silang ireto ako sa iba. Kung naging lalaki lang sana ako, paniguradong hindi na nila ako ipipilit na ipakasal sa iba. Paniguradong mas bibigyan nila akong pagtuunan pansin ang business namin kaysa rito sa blind dates na wala naman akong mahanap na perfect na lalaki para pakasalan ko.”
Nakaramdam ako ng lungkot mula sa sinasabi niya. Hindi rin talaga maganda ang mayaman dahil problema mo naman ay ang mga tao sa paligid mo kung totoo ba sila sa iyo, o, baka naman ay pera lamang ang habol.
“Tao, hindi lahat ng katulad mo ay masaya.. Katulad na lamang niya na naghahanap ng totoong pagmamahal sa lalaki, pero ang nakukuha niya ay hindi mga seryoso, or, pera lamang ang habol sa kanya. Sa mundo niyong ito, sobrang halang ang bituka ng mga tao. Puro ang nasa isip ay pera lamang. Mga sakim at nababalot sila ng kapangyarihan ng pera.”
Napalunok ako sa sinabi ni Manok. Totoo naman ang sinabi niya, sakim ang mga tao pagdating sa pera. Pera ang makapangyarihan sa mundo namin.
“Hindi ko maitatanggi iyon sa iyo, manok. Lalo naʼt kapag wala kang pera, hindi ka uusad sa mundong ito. Hindi ka makakagalaw, dahil sa bawat galaw mo ay dapat may pera ka talaga... Pero, mali talagang santuhin ang pera,” saad ko sa kanya.
Maling-mali.
“Miss Xanthi, tapos na po ba kayong magbihis?”
Nagulat kami ni Manok nang makabalik agad ang kasambahay na tinatawag niyang ate Myra kanina. Wala pa yatang thirty minutes siyang nasa bathroom, ang bilis naman niya.
“Patapos na ako, ate Myra!” malakas na sabi ni Xanthi at nakita namin ang mabilis niyang pagligo kaya hinila ko na si manok palabas ng bathroom.
“Bwak! Bwak! Bakit mo ko hinila?” malakas niyang sabi sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. “May manyak din pa lang manok, ano? Ikaw iyon,” sabi ko sa kanya at binatukan siya.
“Wala kang galang sa saint manok na ito!” galit niyang sabi habang kumakawag ang kanyang pakpak.
Hindi ko na lamang siya pinansin at hinayaan siyang pumutak nang pumutak doon. Magsasawa rin naman siya.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na mula sa walk-in closet niya si Xanthi. “Wow!” Iyon lamang ang nasabi ko nang makita siya. Simple lang ng kanyang suot pero ang lakas ng dating niya. Isang light brown trouser, crop top na gawa sa crochet na white and black plus may suot siyang embroidered cardigan, isama mo pa na naka-sneakers siyang black and white with sling bag na white.
“Ang ganda ng mukha niya,” mahinang sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang kagandahan niya dahil kanina naka-mahabang saya siya at isama mo pa na loose shirt ang suot niyang pang-itaas.
“Iʼm done, ate Myra. Kanina pa ba naghihintay si mom sa akin?” pagtatanong niya nang buksan niya ang pinto ng kanyang room.
“Yes po, Miss Xanthi, kanina pa po naka-ayos ang mom niyo.”
Lumakad na lamang si Xanthi na siyang pagsunod namin sa kanya. Nakababa na kami sa kanilang living room at nandoon ang mommy niya.
“Mommy niya si Miss Kyla?” gulat kong usul nang makita ang isang babae.
“Kilala mo ba siya, tao?”
Tumango ako kay manok. “Isa siyang sikat na commercial model dito sa Pinas, manok. Model siya ng perfume from Scent It All, Sebastinoʼs Jewelry, Summer Attire, VL bags, Shoes All, and mismong business nilang chicken, ganoʼn siya kasikat,” paliwanag ko sa kanya. “Makita siyang ganitong kalapit, sobrang swerte ko.”
“Titilaok! Mas susʼwerte ka pa dahil siya ang magiging nanay mo sa pangalawang buhay mo, tao!” sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Tama siya sa kanyang sinabi, kapag kinuha ko ang katawan niya, magiging siya na ako. Heto na rin ang magiging buhay ko.
“Finally, Xanthi, bumaba ka na rin. Come on, darling, may need pa tayong puntahan para sa another blind date mo.”
“Mom, do I still need this? I mean, all the men you introduce me to are only after money for me, for our family.”
Tumayo ang mom ni Xanthi at nilapitan siya. “Darling, this is for your future, so your dad and I are trying to find someone to marry you, Xanthi. I hope you understand.”
“I know naman po, mom. Pero, lahat sila ay habol talaga ay pera. Anong gagawin ko?Kung always nilang sinasabi kung kailan ang date ng kasal namin. Theyʼre so pathetic.”
Hinaplos ng mommy ni Xanthi ang magkabilang pisngi niya. “I know, darling, kaya lagi kong sinasabi sa iyo na always be mindful and alert sa mga ganoʼn. Kung pʼwede lang kayong ipakasal ni Achilles sa isaʼt isa ay why not, pero alam kong best friend lamang ang turing niyong dalawa.”
Napatingin ako sa katabi kong si manok. “Kapangalan mo?” saad ko sa kanya.
“Bwak! Iniidolo siguro ako ng magulang niya!” Napangiwi ako sa kanyang sinabi.
“I know, mom. Achilles and I are best friend like you and tita Alesana, either dad and tito Archie.”
“We all know, darling. Kaya come on? We need to go now. Baka naghihintay na si Timothy na siyang ka-blind date mo today.”
Sumunod muli kami sa kanila, nakisakay kami sa kotse dahil hindi naman nila kami nakikita. Hindi naging matagal ang byahe namin nang makarating kami sa Mall, bumaba na sila na siyang pagkasunod namin.
Napahinto sila sa isang restaurant, ang Gil Restaurant. “Mukhang nandito ang blind date na sinasabi ng nanay niya.” Tumango ako sa sinabi ni Manok.
Sumunod kami sa kanya hanggang mapahinto kami. May nakita kaming isang lalaki sa may gilid ng restaurant. “Manok, sino iyon?” pagtatanong ko sa kanya at tinuro ang lalaking kausap ngayon ng mommy ni Xanthi.
“Aba, malay ko! Ngayon ko lang din nakita itong Xanthi na taong ʼto!” galit niyang sabi kaya napangiwi ako sa kanya.
“Wala kang silbi! Magtanong ka kaya sa iba? Sa guardian angel niya? Teka, totoo ba ang mga guardian angel?” tanong ko sa kanya.
“Hoy, tao, totoo kaming mga guardian angel!” galit mukhang niyang sabi sa akin.
“Totoo kaming mga guardian angel?” gulat na tanong ko sa kanya. Tinanguan niya ako. “Guardian angel ka? Nino?” usal ko sa kanya.
Nagulat ako nang tukain niya ako. “Sino pa ba, ha, tao! Ikaw malamang! Ikaw ang inaalagaan ko! Kaya nagulat ako nang mamatay ka! Bwak!” malakas niyang sabi sa akin.
Napangiwi ako sa kanyang sinabi. “Sorry naman, manok. Easy lang, easy.” Pinapa-relax ko siya dahil todo ang galit niya sa akin.
“Tandaan mo ito, tao, ako ang guardian angel mo at maging taga-sundo mo! Kaya totoo ang mga guardian angel!”
Hindi pa rin siya tapos.
“Xanthi this is Timothy Salvador. His family is known for being artists. So I hope you two will be close, darling.”
“Wala akong tiwala sa lalaki.” sabi ko sa kanya.
“Hello, Mr. Timothy Salvador. Ako si Xanthi Curtis, nice to meet you,” saad ni Xanthi na may malaking ngiti.
“Oh, siya, darling and Timothy, I'll leave you here for now, huh? Babalikan ko na lamang ang nag-iisa kong anak pagkatapos ng apat na oras.”
Nakita namin ang pag-alis niya, pero kami nanatili lamang dito.
“Ikaw ang famous daughter ng mga Curtis, ha? Hindi ka naman kagandahan, average ang itsura mo compare sa ibang babaeng naka-date ko. Be thankful na ako ang ka-date mo ngayong araw.”
Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi ng lalaking ito. “What the he—hambog! Manok, narinig mo iyon? Average lang daw ang kagandahan ni Xanthi! Aba, ang lakas ng amats ng isang ito! Porket artista ganyan na umasta! Kung ako iyan, ibubuhos ko iyong juice sa muk— nabuhos na niya.”
Napapalakpak ako nang itapon ni Xanthi ang juice sa mukha ng Timothy na ito. “Wala kang respeto, Mr. Salvador. Hindi ko kailangan ng ka-date na katulad mong hambog.” Tumayo si Xanthi at masamang tinignan ang Timothy na ito. “Ayoko rin kitang maka-date, tandaan mo niyan, maliwanag? Ngayon pa lamang ay wala ka ng respeto sa akin, paano pa kaya kapag naging asawa kita? Wow! Ang lakas din ng standard mo sa sarili mo!” Kita namin ni Manok kung paano manggigil niyong lalaki.
“Waiter, heto ang bayad ko sa pagkain namin. Hindi naman siguro lalagpas niyan ng 5k, right? Keep the change!” Lumabas na si Xanthi habang ang mga tao sa loob ng restaurant ay dinig ang bulungan.
“Hay, wala bang mapipili sina dad at mom nang matino man lang? Puro basura ang pilit nilang pinapa-date sa akin.” dinig naming reklamo niya habang mabilis na naglalakad.
“Manok, parang babalikan ko na lamang siya kapag tapos na ang problema niya.” Baka kasi once na pumasok ako sa katawan niya, magiging problema ko rin iyon.
“Hindi na pʼwede, tao, kailangan mo ng palitan siya!” Napapikit ako sa kanyang sinabi.
“Oo na! Oo na, manok! Pero, isang linggo muna ang palugit para naman malaman ko ang buhay talaga ni Xanthi.” suggest ko sa kanya.
“Isang linggo lamang, tao. Dapat sa isang linggo iyon ay palitan mo na siya.” Tumango ako sa kanyang sinabi.
Isang linggo. Sa isang linggo ay dapat palitan ko na si Xanthi.