ISANG linggo na naming sinusubaybayan si Xanthi pagkatapos ng palpak na blind date niya sa Timothy Salvador na iyon. Ang lakas nga ng apog ng lalaking iyon. Dahil ginawa pa niyang masama si Xanthi dahil pinahiya daw siya sa maraming tao. Dapat lang naman siya ipahiya dahil sa ugali niyang asal hayop.
Sa isang linggo naming sinusubaybayan si Xanthi, paulit-ulit ang ganap sa buhay niya. Nag-aalaga ng twenty niyang manok at nagta-trabaho pa sa kanilang company na Scramble Curtis Production Company. Nagbebenta sila ng fresh na manok and eggs, ibaʼt ibang sizes mayroʼn sila sa itlog. Sa isang linggo ay ganoʼn ang buhay niya kaya pati kami ni Manok ay nabo-bored na.
“Tao, isang linggo na ang nakakalipas, kailangan mo ng kunin ang katawan niya!” malakas na sabi ni Manok sa akin.
Paulit-ulit na lamang ang sinasabi niya simula kaninang twelve mignight, pagkatapat pa lamang ng maliit na kamay sa twelve ay pumuputak na siya sa akin.
“Sandali lamang, manok. Nag-iisip nga ako kung paano kukunin ang katawan niya...” sabi ko sa kanya. Kanina pa talaga ako nag-iisip. Hindi ko alam kung paano ipapalabas ang kaluluwa niya roon sa loob ng katawan niya.
“May naisip ka ba kung paano?” pagtatanong ko sa kanya.
Hinihintay ko ang sagot niya sa akin pero nawala si manok. Nakikikain na naman siya sa mga totoong manok. Nandito na muli kami sa secret place ni Xanthi, sa mga alaga niyang manok.
Tignan mo ang isang ito, pinuputak ako kanina na tungkol kay Xanthi tapos nanghingi ako ng tulong biglang umalis. Konti na lang talaga... Konti na lang fried chicken ka na sa akin.
“Kumain lang kayo nang kumain, mga manok ko! Magpabusog kayo, maliwanag?”
Ang payapa talaga niyang tignan kapag nagpapakain siya. Gustong-gusto niya ang ginagawa niya ngayon.
“Hoy, manok, kumakain ka rin, ha? Humihingi ako ng suggestion kung paano natin ilalabas ang kaluluwa niya tapos ako ang papalit, pero iniwan mo ko sa ere para kumain na naman. Hindi ka naman kasali sa mga alaga niya. Isa kang huwad!” sabi ko sa Achilles na ito, na payapang nakikikain din.
“Huwag mo ko pakialaman, tao. Nagugutom din ako! Biyaya na itong nakahain sa akin, kaya makikikain na rin ako! Ikaw ang dapat mag-isip sa problema na iyan!” putak niya sa akin at lumipad pa siya palayo.
Siya lang ang nakita kong manok na lumilipad talaga.
“Eat well!” usal ko na lamang sa kanya at iniwan siya roon.
Sinundan ko na lamang si Xanthi kaysa mamoblema ako sa manok na ito. Sumasakit pang talaga ang aking ulo.
“Miss Xanthi, nandito pa po ba kayo?”
Ayan na naman ang tinatawag niyang ate Myra, mukhang may kailangan na naman sa kanya.
“Opo, ate Myra, nandito po ako. Pumasok po kayo, naglilinis lang po ako ng kulungan ng mga manok ko!” sagot niya habang kinikiskis ang kulungan ng kanyang manok.
Ngayon lang ako nakakita na babaeng mayaman na walang ka-arte-arte sa kanyang katawan. Mostly sa mga mayayaman ay maarte talaga.
Kung nabubuhay lang ako, kakaibiganin ko itong si Xanthi, pero kailangan ko ang katawan niya para mabuhay ako. Bigla tuloy akong naawa, pero hindi dapat ako iyong mamamatay, ʼdi ba? Siya dapat ang nasa pʼwesto ko ngayon.
“Miss Xanthi, bakit kayo na naman po ang naglilinis ng kulungan ng mga manok niyo? Pʼwede niyo naman pong ipagawa niyan kay Gio. Hindi niyo po trabaho niyan, Miss Xanthi.”
Hinarap ko ang ate Myra na ito. “Ano bang pakealam mo sa ginagawa ni Xanthi? At least, nag-e-enjoy siya sa buhay niya! Ang laki ng problema niyo kay Xanthi! Alam ko na kung bakit gusto niyang magpakamatay dahil sa inyo!” inis kong sabi sa babaeng ito.
Naiinis na ako. Ako na ang gaganti sa iyo, Xanthi!
“Matatapos na rin po ako, ate Myra. Huwag niyo na po tawagin si Gio. Siya rin po ang nag-aalaga sa mga manok ko kapag busy po ako sa company or sa daycare center.” Maaliwas ang kanyang mukha nang sabihin niya iyon.
Sobrang bait talaga niya.
“Pero, Miss Xanthi, trabaho pa rin po ni Gio ang alagaan at linisan ang kulungan ng mga manok niyo... Bago ko pa pala makalimutan, Miss Xanthi, pinapatawag po pala kayo ng mommy niyo, nasa patio po siya ngayon at doon po kayo hinihintay.”
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Mukhang may irereto na naman ang mommy niya, ha? Sino naman kaya ang lalaking ito? Sana man lang makahanap ang mom niya na matino at gentleman.
“May blind date na naman po ba ako?” pagtatanong niya. Sa klase ng kanyang boses parang pagod na siya pumunta sa mga blind dates na ginagawa ng mom niya.
“Wala pong sinabi sa akin, Miss Xanthi. Sinabihan lamang po akong puntahan ka at sabihang pumunta sa patio. Pasensya na po, Miss Xanthi.” Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
“Sige po, tapusin ko lang po it—”
“Ako na po, Miss Xanthi, kung ayaw niyo pong utusan si Gio. Kailangan niyo na po talagang puntahan ang mommy niyo.”
Nakita ko ang pagtango ni Xanthi at binigay ang mahabang brush sa ate Myra niya. “Thanks po, ate Myra. Alis na po ako. Paki-lock po ang pinto para hindi makatakas ang mga manok ko!” malakas niyang sabi at lumabas na.
Tinignan ko muna ang Myra na ito para malaman kung lilinisan talaga niya, napangiti akong makitang nilinis talaga niya. Kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ang manok na si Achilles at umalis kami roon.
“Saan naman tayo pupunta, ha?” Nag-uumpisa na naman siyang magalit.
“Susundan natin si Xanthi. Pinapatawag na naman siya ng mommy niya. Hindi ka pa ba busog, ha?” sabi ko sa kanya at naabutan din namin si Xanthi, ang bilis niyang maglakad.
“Bwak! Gutom pa ako! Napapagod din naman ako na panoorin ang taong ito! Ayaw mo pa rin kasing pumasok sa katawan niya para makabalik na ako sa itaas!” pumuputak na naman siya.
“Paano nga ako papasok sa katawan niya, ha? Tinatanong kita kung may alam ka, pero silent din ang binigay mo sa akin!” galit din na sabi ko sa kanya.
Napahinto na kami nang makarating sa patio nila. Ang laki talaga ng bahay nila. Nalibot na namin ni Manok ang buong paligid ng kanilang bahay, may gazebo sila, may pool sa likod bahay, may own gym sila and may headquarters sila para sa kanilang mga kasambahay, teka, mayroʼn din silang garden na malaki.
Ganoʼn lamang sila kayaman.
“Mom, nandito na po ako. Pinapatawag niyo raw po ako sabi ni ate Myra.”
“Darling, it's good that you came too. I'm going to visit you at the Mall, to pick up the bag I bought at VL. Masyadong busy ang mommy para umalis ng house ngayon. Inaasikaso ko itong chicken ini-import natin here sa Philippines. So, please?”
Nangunot ang noo ko sa sinabi ng mom niya. “Tao, kailangan nating sumama sa Xanthi na iyan. May masama akong nararamdaman sa kanya.” Napatingin ako kay manok at tumango sa kanya, naramdaman din pala niya.
Dama ko ring may hidden agenda ang mommy niya. Hindi lamang bag ang kukunin niya, may tao siyang ime-meet.
“Mom, hindi po ba pʼwedeng ipa-deliver na lamang dito? I mean, wala rin akong ganang lumabas ng house today.”
“No, darling. Tinawagan ko na rin VL about that pero walang magde-deliver sa kanila. Please, Xanthi, if gusto mo ay mamili ka na rin ng bag doon kung may magustuhan ka, dalhin mo itong credit ko.”
Narinig namin bumuga nang mahina si Xanthi. Wala na siyang magagawa kung ʼdi sundin ang mommy niya.
“Okay po, mom. Bigla ko rin naalalang may bibilhin pala ako sa sonwats. Gagamitin ko na lamang ang credit card mo.”
“Sure, darling! Ingat ka sa byahe, okay? Ipapahanda ko na kay Carlito ang car para makaalis na rin kayo agad.” Tuamngo na lamang si Xanthi sa sinabi ng mom niya at lumakad na palayo, dala ang credit card.
“Tao, pagkakataon mo na ito. Dama kong mamamatay na siya.”
Nagulat ako sa sinabi ni manok. “Mamamatay na siya? Si Xanthi? Paano mo nalaman?” takang tanong ko sa kanya.
“Nararamdaman ko, tao. Nararamdaman kong nakasunod na sa kanya ang taga-sundo niya.” seryosong ang boses ni Manok kaya napatango na lamang ako sa kanya. “Kapag namatay na siya, bago mag-flat line ang kanyang pulso mamaya, pumasok ka na sa katawan niya, tao. Naiintindihan mo ba ako? Pumasok ka na agad bago siya maputulan ng hininga talaga.”
Napalunok ako sa kanyang sinabi. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso ang boses. Mukhang heto na ang araw na hinihintay namin ni Manok, ang mamatay si Xanthi para pumalit na ako sa kanyang katawan.