DUMATING kami rito sa room ni Xanthi pero nang makapasok kami rito ay wala na siya, mukhang nasa bathroom na siya para maligo.
“Tao, naiintindihan mo ba ako? Once na tumigil ang kanyang—”
Pinatigil ko sa pagsasalita si manok. “Oo na, manok! Once na tumigil sa paghinga si Xanthi ay papasok ako sa katawan niya. Ako ang papalit sa kaluluwa niyang aalis na. Naiintindihan ko. Anong akala mo sa aking slow-witted person?” usal ko sa kanya at naupo rito sa sofa ni Xanthi na sobrang lambot.
“Sinasabi ko lang sa iyo para hindi masayang ang chances mo, tao! Gusto lang talaga kita makabalik! Kaya tandaan mo iyan!”
Hindi pa rin talaga siya tapos pumutak sa akin. “Oo nga pala, manok, kapag ako ang pumalit sa katawan ni Xanthi, ibig bang sabihin... Hindi na ikaw ang guardian angel ko?” pagtatanong ko sa kanya.
Nakita ko ang paglipad niya sa akin. “Ako pa rin, tao! Kaluluwa ang binabantayan namin at hindi ang katawan niyo! Kaya ako pa rin ang guardian angel at taga-sundo mo!”
Galit na galit gusto na niyang manakit.
“Easy ka lang naman, manok. Nagtatanong lang naman ako. Malay mo maiba,” sabi ko sa kanya.
“Aba, tao! Gusto mo yatang palitan ako bilang guardian angel mo, ha!”
Ayan na naman siya, high blood.
“Hindi sa ganoʼn, Manok. Hindi sa ganoʼn, ha? Hindi ka naman mabiro. Huwag ka na high blood!” sabi ko sa kanya.
Baka maging fried chicken talaga siya dahil sa inis niya sa akin.
“Basta, tao, uulit-ulitin ko sa iyo, ha? Pumasok ka na agad sa katawan niya bago mag-flat line ang kanyang buhay. Maliwanag!”
Napatingin ako sa da kanya at tumango. “Opo, manok, ilang beses mo ng sinasabi sa akin niyan. Sirang plaka ka na nga.”
Lumipad siya sa aking harapan. “Ikaw lang ang inaalala ko, tao! Ikaw lang!” putak niya sa akin, isama mo pa ang paghampas niya ng kanyang pakpak sa akin.
Napaayos ako ng aking pagkakaupo nang makita ko si Xanthi na kalalabas lamang sa kanyang walk-in closet, sheʼs wearing a dress na hanggang sa kanyang talampakan. Sobrang ganda niya. Mayroʼn din siyang sling bag na kulay white. Sobrang simple talaga niya, pero ang ganda niya ay umaapaw.
“Hoy, tao! Ano pa ang tinatayo mo dʼyan, ha? Sundan na natin ang Xanthi na iyon! Dalian mo!” sigaw niya sa akin at siya na itong pumuputak-putak na naman.
Nawala tuloy ang aking isipan dahil sa ganda ng mukha ni Xanthi.
“Heto na! Susunod na ako!” malakas na sabi ko sa kanya.
Sinundan namin si Xanthi at sumakay siya sa kotse nila, naalala ko ang name niya si kuya Carlito ito. Nakisakay na rin kami ni Manok sa sasakyan, dito kami sa passenger seat nakaupo.
“Iha na talaga itong nararamdaman ko, tao. Ma-a-aksidente tayo ngayon sa sasakyan na ito.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Ngayon din? Madadamay tayo, manok.”
Tinuka niya ako na siyang pagkagulat ko. “Kaluluwa ka na, tao! Baka nakakalimutan mo! Kaluluwa ka! Sila lang ang mapapahamak at hindi tayo kasama!”
“Ibig bang sabihin, mamamatay rin si kuya Carlito?” tanong ko sa kanya at tinignan ang driver namin.
“Bwak! Hindi siya mamamatay! Hindi pa niya oras at hindi sa side niya ang impact ng kotse, sa side nitong si Xanthi! At, tutulungan din siya ng kanyang guardian angel, except kay Xanthi na hahayaan na siyang mamatay.”
Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. “Pagkakataon ko na nga,” mahinang sabi ko sa kanya.
“Iyon na nga ang sinasabi ko, tao! Kanina ko pa sinasabi, paulit-ulit ka!” Napangiwi ako sa kanya.
Napagalitan na naman niya ako.
“Kuya Carlito, salamat sa pag-drive sa akin sa Mall para kunin ang bag ni mom. I really donʼt know kung kukunin ko lang ba talaga ang bag niya, or, may kikitain na naman ako. I know na may ipapa-meet up si mom sa akin, dahilan lamang niya itong bag niya. Akala ko nga tapos na sila sa blind dates na ito dahil ilang araw wala silang sinasabi about this. But, nagkakamali pala ako.”
Tumango ako sa sinabi ni Xanthi. Ilang araw rin talaga siyang hindi kinulit ng mommy niya about this blind dates.
“Pero, Xanthi, huli na itong blind date mo... Mamamatay ka na kasi,” saad ko sa kanya.
Ayaw ko man siya mamatay, pero kailangan kong pumasok sa katawan niya. Kailangan na niyang bumalik sa mundo ng walang hanggan. Siya ang dapat nandoon at hindi ako.
Naging alerto rin ako sa magiging ganap sa kotse, lalo naʼt sinabi ni Manok na mababangga kami. Malay ko baka pati kami umalog kahit kaluluwa lamang kami. Hindi lamang iyon dahil bumabalik sa aking isipan iyong nangyari sa amin ni Nene. Iyong pagkabangga ng ibang sasakyan sa kotse namin na siyang sanhin ng pagkamatay ko.
“Tao, umalis na tayo. Malapit na,” saad ni Manok at lumipad na siya palabas sa kotse.
Napalingon ako sa aking likod, nakita ko si Xanthi na may tinitignan sa kanyang phone. “Tao, pagkalampas nila sa stop light na iyan, may bubunggo sa kanila. Kaya lumabas ka na dʼyan!” sigaw ni Manok sa akin kaya lumabas na rin ako.
“Sorry, Xanthi, sorry.” piping-sabi ko habang paalis doon sa kotse. Nakalutang kami ngayon habang nakasunod sa kotse ni Xanthi.
Heto na malapit na kami sa stop light na tinutukoy ni Manok. Pati ako kinakabahan kahit wala ako roon sa sasakyan at kahit hindi ako iyong mamamatay.
Napahinto kami sa pinaka-gitna ng stop light at doon ay nakita ko ang bumubulusok na isang van, tinutumbok ang kotse ni Xanthi. Segundo lamang ang tinagal nang may malakas na impact na tumama sa kotse ni Xanthi sa mismong side niya tumumbok ang hood ng van. Napapikit na lamang ako nang may marinig akong malakas na iyak galing sa loob, boses iyon ni Xanthi.
Nagkagulo na ang lahat, marami ang lumapit sa kotse ni Xanthi at tinignan ang sakay nito.
“Ambulance! Iyong babae malubha ang lagay!”
“Tumawag na kayo ng ambulance!”
“Mister, ayos lang ba kayo?”
Nakita naming lumabas si kuya Carlito, may dugo sa kanyang noo. “I-iyong amo ko... Tulungan niyo ang amo ko!” malakas niyang sabi habang nakikiusap sa mga taong nakapalibot sa kanila.
“Tao, nakikita mo ba siya?”
Napatingin ako kay manok at may tinuro sa akin. May nakita akong isang manok na nakatingin sa may kotse.
“S-sino siya?” Tukoy ko sa manok.
“Tagasundo ni Xanthi, tao. Kukunin na siya.” Napatango ako sa kanya.
“Tumabi kayo! Ayan na ang ambulance!” sigaw ng mga tao sa paligid namin.
Pinanood namin ni Manok kung paano kunin si Xanthi, nakita ko ang duguan na katawan ni Xanthi. Napapikit na lamang ako, inaalala ko na sana hindi naging grabe ang lagay niya dahil magiging katawan ko iyon pag-umalis na ang kaluluwa niya.
“Tara na, tao, nasa loob naʼng ambulance ang Xanthi na iyon!”
Nauna na siyang lumipad at pumasok kami sa loob ng ambulance. Nakita namin ang kapwa niyang manok na nasa gilid ni Xanthi. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin at muling bumalik kay Xanthi.
Aba, ang sungit naman nitong manok na ito. Mas masungit pa siya kay Achilles.
Nakarating na rin agad kami sa hospital kasama si kuya Carlito, nakita kong kanina pa niya kinakalikot ang kanyang phone. Mukhang tinawagan na niya ang family ni Xanthi.
“Sino ang pamilya ng pasyente?”
“Doctor, driver po ako ni Miss Xanthi. Tinawagan ko na po ang amo ko, ang parents po niya,” mabilis na sabi ni kuya Carlito sa doctor.
Hindi na sumagot ang doctor kay kuya Carlito at pumasok na siya sa emergency room kung saan dinala ang katawan ni Xanthi.
“Tao, sumunod tayo sa kanila.” Tumango ako sa sinabi ni Manok at sumunod sa kanya.
Napahinto ako dahil sa gulat sa mga nangyayari ngayon kay Xanthi. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa akin ng ma-aksidente ako. Nakita ko ang pag-pump ng doctor sa dibdib ni Xanthi.
“Taasan niyo pa ang voltage!” malakas na sabi ng doctor.
Nakikita ko kung paano tumataas ang katawan ni Xanthi dahil sa taas ng voltage na tumatama sa kanyang katawan ngayon.
“Tao, kailangan mo ng pumasok sa kanyang katawan. Pagkakataon mo na ito. Tadhana na mismo ang gumagawa para makapasok ka sa katawan niya... Heto ang kapalaran niya ang mamatay sa car accident kaya nangyari muli sa kanya ito.” mabilis na sabi ni Manok sa akin.
Tumango ako sa kanya. Lumapit ako sa katawan ni Xanthi at tinignan ko ang monitor ng kanyang heartbeat, nakita ko roon ang unti-unting pag-flat ng kanyang heartbeat. Napatitig ako sa katawan ni Xanthi, nakita kong nakatingin siya sa akin.
“Manok, nakikita ba niya ako?” usal ko kay manok at tinuro si Xanthi.
“Mamamatay na siya, tao, nandito na rin ang tagasundo niya... Nakikita ka na niya,” saad niya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ni Manok kaya muli akong napatingin kay Xanthi. “K-kunin mo na ang katawan ko. I-ikaw na bahala sa pamilya at mga manok ko...” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niyang iyon.
Napaawang ang aking labi sa sinabi niya. Nahimasmasan ako nang makitang luha sa kanyang mga mata. “P-pangako. A-aalagaan ko ang mga manok at magulang mo, Xanthi. P-pasensya na rin kung kukunin ko ang katawan mo. D-dapat kasi ay m-matagal ka ng patay at hindi ako...” nanginginig ang aking boses nang sabihin ko iyon.
“A-alam ko... S-sinabi naʼng manok na nasa tabi ko,” mahinang sabi niya sa akin. Nakita ko sa tabi niya ang masungit na manok kanina.
“Ikaw na bahala sa katawan ko, ha? Maraming salamat... M-makakapagpahinga na ako. Lumaban ka...” nakangitin sabi niya sa akin.
Alam niya? Alam ba niyang mamamatay na siya?
Napatingin ako kay manok. “Salamat, Achille. Salamat dahil sinamahan mo ko sa journey kong ito. Salamat dahil babalik ako sa lupa, hindi na bilang Miya Apodar Lazaro kung ʼdi bilang Xanthi Curtis. Tutuparin ko ang sinabi ko sa iyo, magiging asawa ulit ako ng Triplets kong asawa. Bantayan mo ko, ha? My guardian angel, saint manok Achilles and tagasundo ko. Maraming salamat.” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Umalis ka na, tao! Sawa na rin akong bantayan ka at mamalagi rito sa mundo niyo! Gusto ko lang sa iyo, tao, na maging masaya ka. Babantayan kita sa abot ng aking makakaya. Ipapangako ko sa iyo na matagal pa ang buhay mo sa katawan ng tao na iyon. Humiga ka na sa katawan niya para maging Xanthi ka na, Miya Apodar Lazaro. Maraming salamat din sa iyo!”
Napangiti ako sa sinabi niya. “Thank you, Achilles!” nakangiting sabi ko at nilingon ang katawan ni Xanthi, nakita ko ang pag-flat ng kanyang heartbeat.
Lumabas na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. “Maging masaya ka sa katawan ko, Miya. Hangad ko ang kasiyahan mo sa aking katawan ko. Ikaw na si Xanthi Curtis.”
Napapikit ako sa malambing niyang boses. “Salamat,” huling sabi ko sa kanya at humiga na ako sa kanyang katawan.
"Sheʼs alive, doctor! Bumalik ang kanyang heartbeat!”
Iyon lamang ang huli kong rinig sa paligid at bigla na akong kinain ng dilim.