NAKATINGIN lamang ako sa aking kʼwarto. Isang linggo naʼng makauwi ako galing sa hospital. Na-aksidente ako ayon kay mommy, pero wala akong matandaan ni-isang nangyari sa akin nang araw na iyon. Unti-unti na rin akong nakakapag-adjust ngayon pagkatapos ng aksidente. Iyon nga lang kahit isang linggo na ako rito sa bahay ay hindi pa rin nila ako pinapagalaw, hindi nila ako pinapalabas sa room ko kung hindi ko pa oras para pumunta sa secret door ko kung nasaan ang aking mga manok. Nagulat nga sina mom and dad, hindi ko kasi maalala na bahay namin ito pero alam ko kung saang direksyon ang secret door kung nasaan ang mga alaga kong manok. Alam mo, hindi ko rin alam kung paano ko nalaman. Ganoʼn siguro kung mahal mo ang mga alaga mo. Kaya hinayaan na lamang nina mom and dad ang tungkol doon.