“Kailangan mo nang magising tao!” “Tao, naririnig mo ba ako? Kailangan mo ng magising! Kahit anong mangyari kailangan mong magising!” Paulit-ulit kong naririnig ang boses na iyon. “Kailangan ko nang magising, bakit?” pagtatanong ko sa boses na iyon. “Basta, tao, makinig ka sa akin. Kailangan mo ng magising!” malakas niyang sabi. Nakita ko ang mukha niyang galit, hindi ko malaman kung bakit siya nagagalit ngayon. “Bakit nga? T-teka, sino ka ba?” naguguluhan kong tanong sa kanya. “Basta gumising ka na! Ilang buwan ka ng tulog!” malakas niyang sabi sa akin. Ang mukha niya ay galit na galit talaga. “Isang buwan na akong tulog?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Oo, kaya gumising ka na! Gumising ka na ngayon din!” malakas niyang sabi kasabay nuʼn ay paghatak niya sa aking braso. Masa