NATAPOS na rin akong mag-ayos ngayong araw. Nagpasya akong mag-dress today na hanggang sa aking ibabang tuhod, ang sleeve niya ay hanggang sa aking siko at kulay dirty white ito na may design na mga bulaklak. Ang buhok ko naman ay kinulot ko sa dulo at balak kong itali ito mamaya. Napangiti ako nang makitang maayos na ako. Tama lang din ang makeup na ginawa ko. Tumayo na ako sa vanity mirror ko at kinuha ang aking hand bag na kulay white. Bago ako lumabas sa room ay nakita ko ang aking phone, ilalagay ko na sana aking hand bag nang makitang ang chat head sa screen ng phone ko. Jaxon: Good evening, tita Xanthi! See you po tomorrow! Excited na kaming makita ka muli. Good morning po, tita Xanthi! Today is the day? See you po later. Canʼt wait to taste your bake again. Jessi is waiting