NANDITO na kami sa Bautista Restaurant. Nakaupo lamang ako habang kaharap ko si Jix ngayon na todo ang tingin sa akin. Nilihis ko na lamang ang aking tingin sa kanya at tumingin sa plate ko ngayon. Bakit pakiramdam kong ang tagal dumating ng pagkain namin kahit limang minuto pa lamang nang umorder kami. “Jix, mabuti ikaw lamang ang pumunta ngayon. Hindi ba sumunod ang dalawang kakambal mo?” Lumaki ang aking tenga nang marinig ko ang tanong ni tita Jewel. “No, mom, sinabihan kong asikasuhin sina Jaxon and Jessi sa bahay. Kaya hindi sila sumama sa akin... But, kung nalaman nilang nandito si Miss Xanthi ay paniguradong nakipag-unahan sa akin ang mga iyon.” Napataas ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. Hindi ko pinahalata ang paglaki ng aking mga mata